W A R N I N G!
This is a fanfiction to Exo's song called Peter Pan.
Date published: September 2013
This story was written on my jejemon days, errors and kakornihan ahead! hahaha! Will edit once I have time :)
- - - - - - - - - -
CLAY'S POV
Nanlalamig at Nanginginig ang mga kamay ko. Tuluyan nang nagsimulang lumabas ang mga butil ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Napayuko ako at napapikit.
Nagdarasal ako na sana...Sana panaginip lang to...
Na sana isa lang itong masamang panaginip...
"Nasaan ang anak ko?! Anong nangyari sa bunso ko?!" Naririnig ko ang pagtangis ng pamilya niyang kararating lang. Nararamdaman ko ang sakit at takot nila. Alalang-alala sila para sa kanya. Gustong-gusto kong takpan ang tenga ko, ayoko silang marinig dahil mas lalo lang akong nasasaktan.
"Ginagawa na po namin ang lahat para mailigtas siya. Malubha po ang lagay niya, ipagdasal nalang ho natin na maging matagumpay ang operasyon" Tugon ng doktor pero ni isang salita ay hindi nakakapawi sa labis na sakit at kabang nararamdaman namin.
Patuloy lang kami sa paghihintay sa labas ng operating room habang nakikipaglaban sa kanyang buhay si Shenny. Wala kaming ibang hangad kundi makaligtas siya...
Tiningnan ko ang mga kamay ko.
May bahid pa ito ng dugo.
Dugong nagmula sa kanya....
Hindi ko alam kung ano ang nangyari, Wala akong maalala.
Muli akong napapikit.
Muling pumasok ang imahe niya sa isipan ko. Nakangiti siya....Napakalapad ng ngiti niya gaya ng dati. "Clayton na mukhang si plankton!" She giggled. "I love you!"
Shenny....Shenny im sorry.
Napalingon ako at nakita ko ang mga pulis na kararating lang.
"Ma'am patuloy parin ho ang ginagawa naming imbestigasyon tungkol sa nangyari, Pero heto po yung ilan sa mga kagamitan na natagpuan namin" Sabi ng pulis sa Mommy ni Shenny at inilapag sa upuan ang isang kahon.
Napasulyap ako sa kahon at nakita ang isang pink na diary...
Hindi ako nagkakamali...Ito ang diary niya.
Tumayo ako at kinuha ito.
Kumurba ang isang maliit na ngiti sa labi ko nang makita ko ang diary ngunit kasabay nun ang pagbuhos ng luha ko.
Hanggang ngayon nasa kanya parin pala ang diary nato..
- - - - - - - - - - -
Madaling araw na. Iilan na lamang ang mga tao dito sa hospital kayat naisipan kong umupo na lamang sa baitang ng hagdanan.
Napakatahimik ng paligid, Ang paghinga ko lang yata ang naririnig ko.
Binuklat ko ang diary ni Shenny. Ang ilan sa mga entries na narito ay dalawang taon na ang nakakaraan, Ang taon kung kailan ko iniregalo sa kanya ang diary nato. Sa mga panahong yun masaya kami...Masaya sa piling ng isa't-isa.