~Drake's POV~
Drake Cody Go, masaya kaming kumakain ng ice cream ng girlfriend ng kapatid kong si Clyde, si Candice. Iniwan daw kasi siya ng magaling kong kapatid at sumama sa mga fangirls niya.
Sa totoo lang sinabihan ko na si Clyde na wag sasaktan tong si Candice dahil ako ang makakalaban niya pero mukhang binalewala naman niya ang paalala ko. Hinayaan niyang mag-isa ang girlfriend niya, pasaway.
Sinabi ko rin yun dahil noong una ko palang makita si Candice, that was way back when I was 10 and she was 6, sinabi ko na sa sarili ko na siya yung babaeng mamahalin ko pero nuong nalaman kong gusto siya ni Clyde, itinago ko sa sarili ko ang nararamdaman ko.
Kaya kung ano man ang mga sinabi ko kay Candice na malamang ay narinig ni Clyde kaya niya ako sinuntok, lahat ng iyon ay totoo. Kung hindi siya kayang protektahan, pangalagaan at pahalagahan ng kapatid ko, hindi siya para sa kanya.
"Makinig ka muna, Clyde." mahinahon kong sabi pagkabitaw niya sa akin at napahawak ako sa panga ko na sinuntok niya. Sinulyapan ko saglit si Candice at nakitang nakatulala siya.
"Makinig?!" at hinila niyang muli ang kwelyo ko at sinuntok ako. Hindi ako lalaban, kahit ilang suntok pa. "Kuya narinig ko na lahat! Ano pa ba ang kailangan mong ipaliwanag?" at isa pa muling suntok.
Ininda ko iyon dahil naiintindihan ko namang nagagalit siya. Kung ako rin ang nasa lugar niya ay posibleng ito rin ang maramdaman ko. Ito mismo ang dahilan kung bakit itinatago ko ang nararamdaman ko kay Candice, dahil sa bro-code; walang talo-talo.
"Wag ka namang ganyan, kuya! Girlfriend ko na yan eh! Walang talo-talo!" Nanggagalaiti niyang sabi pero hindi niya na ako sinuntok.
Hindi niya binitiwan ang kwelyo ko at naramdaman ko ang nginig ng kamay niya na marahil ay dahil sa galit. Napansin ko rin ang mga luhang nangingilid sa mga mata niya. Hindi ko siya gustong saktan.
Sa hindi kalayuan ay nahagilap pa ng nananakit kong mata si Timothy, isa sa mga kaibigan ni Clyde na tumatakbo patungo sa direksyon namin. "Uy bro, anong problema niyo? Tama na nga yan." At hinila niya si Clyde papalayo sa akin at pinigilan na makalapit pang muli sa akin para masuntok ako.
Duon lang nakagalaw si Candice at tinulungan niya rin akong makatayo mula sa pagkakaupo ko dahil sa mga suntok na natamo ko mula sa kapatid ko.
Natuwa ako sa ginawa niya pero hiniling kong sana'y hindi na lamang niya ginawa dahil nagsimula lamang ito ng mga panibagong bulung-bulungan na sigurado akong nakasakit sa kanya. Ayoko silang nasasaktang dalawa ng kapatid ko, pareho ko silang pinahahalagahan at mahal.
"Hala, tignan niyo yung girl. Mas nilapitan niya pa yung kuya ng boyfriend niya kesa sa boyfriend niya. Ano ba naman yan!"
"Sabi ko na nga ba! Hindi lang pala malayo ang gap ng age nila ni Drake, boyfriend pa pala niya ung kapatid ni Drake."
"Oo nga! Nakakahiya! Hindi ko alam na may ganito palang bahong tinatago ang mga G's."
Marami pang ibang komento ang nagliparan at pinagbubulungan na kami ng mga tao sa cafe. Ramdam ko ang nginig sa mga kamay ni Candice na umaalalay sa akin patayo. Ano ba naman kasing klaseng bunganga ang meron sila? Hindi sila nag-iisip.
Nang makatayo na ako ay binitiwan na ako ni Candice at tumakbo papaalis ng cafeteria. Malamang ay nasaktan siya sa lahat ng mga salitang nagsiliparan sa loob ng cafe. Sino nga ba namang manhid ang hindi masasaktan sa katabilan ng mga dila ng mga tao dito?
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling
Fiksi RemajaChristian Troy Guevara, one of the most popular guy is school. He has a childhood best friend and her name is Candice Tracy Guillermo. She's gorgeous, the most gorgeous girl in school. He saw her last when they were still on second year high scho...