The Second Time Chapter Nineteen : Bad news

177 12 0
                                    


-Daniel's POV-

As expected from Claire, napakalaki ng party niya. 10 minutes before the scheduled time, dumating na agad ako. Unang sumalubong sa akin ang kaibigan kong si Hannah Veron, isa ring artista. "Daniel, good you're here. Ang tagal na natin hindi nagkita." Sabi niya habang nakahawak ng glass of wine.

I respond, "Yeah, ang dami kasing projects lately." At pagkatapos pinuntahan ko si Claire sa dressing room niya at binati ng happy birthday. Marami na rin ang nandito sa party. I took my seat sa ika-limang lamesa wherein kasama ko ang iba kong mga kaibigan na artista tulad ni Sam Bautista at Christian Milby.

"Ladies and gentlemen, let's all welcome our beautiful angel, Claire Mendrez!" At lumakad siya sa napakataas na hangdanan wearing a pink floral gown. Everyone clapped and commented kung gaano siya kaganda. Mukha raw siyang dyosa. Pareho siya kaganda ni Angelina Jolie. She was everyone's dream. Pero ako, iba ang gusto. But speaking of her, nasaan na kaya si Denise?

Claire went to the stage at nagpasalamat sa aming lahat dahil sa suporta namin sa kanya. At 'di nagtagal nag special performancesi Christian Milby kasama si Divina Mendoza.  Naghiyawan ang lahat lalo na nung lumabas si Alden Garcia.

The performances kept going on. Hanggang sa natapos kami kumain ng dinner at oras na para sa sayawan si Claire at bigyan ng rosas. Ako ang last dance niya. Habang nakahawak ang kamay ko sa kanya, I said, "Hindi yata dumating si Denise."

"Really," she said calmly, "Baka nag back out siya."


"Back out? Bakit naman?"


"Kasi may gagawin siya dapat pero hindi niya kaya."


"Ano?"


"Nevermind. You don't have to know."Tulad din to ng ate ko, minsan hindi ko maintindihan.

The party is almost over. I stood up outside the hotel. Nag chill. May hinihintay na something or someone. I don't understand either. Parang nararamdaman kong may tumatawag sa pangalan ko. at humihingi ng tulong.

Nagulat nalang ang mga mata ko nang Makita ko si Joanna lumabas sa isang taxi. Madungis ang kanyang suot na gown. Parang dinaanan siya ng bagyo sa itsura niya. At parang hinihingal pa siya na tumatakbo papunta sa akin. "Daniel!" She shouted, "Nandito ba si Denise?"

"Wala. Teka, ano nangyari sa'yo?"

"This is bad!! Naku naman!! Baka ano na nangyari dun!"

"Ano ba kasi? Huminahon ka nga!" I asked, trying to make her calm.

"Eh kasi nagtaka kaming ikidnap ng mga lalaki tapos..." Wait, kidnap? Don't tell me prank na naman to! "Joke na naman to no? Hindi na ako maniniwala." sabi ko.

"Daniel!" she' seems almost crying habang nakatingin sa akin, "Hindi to joke. Nasa panganib si Denise!!!" The moment she said it, hinila ko siya papunta sa sasakyan ko. At habang nasa kotse sinabi niya sa akin ang buong kwento.


-Denise's POV-


This is bad. Nasa isang maliit at madalim na kwarto ako kasama ng isa pang babae. Halos nakahubad siya. Gusto kong umiyak. Ayoko ng ganito! Ayoko! Ayoko! Pero kahit anong sigaw ko, walang makakarinig.


Tama nga ang kutob ko kanina. Kasama ko pa si Joanna sa loob ng sasakyan ng biglang huminto ang sasakyan at may pumasok na dalawang lalaki at may hawak na baril. Halos mamatay na kami ni Joanna sa takot. Binantaan nila kami, "Huwag kayong maingay kung ayaw niyong may masamang mangyari." Hindi kami naka imik.


Habang naka tingin lang sa bintana ng kotse si Joanna, napansin niya ang marka ng Hanford hotel. Nakita niya ang likod ng hotel. She gestured for me na tumingin at nakita ko rin. Maya-maya dumaan kami sa liblib na lugar at huminto ang sasakyan sa isang bahay. Nakakatakot. Nakakakaba. Napakadilim pa.

Pinababa kami sa kotse. Sa unahan ay may isang gubat. Habang naglalakad at may dalawang lalaki na nakabantay sa likod namin, dumikit si Joanna sa balikat ko at bumulong nang mabilis, "Takas. Hotel. Ngayon na!" At bigla kaming dalawa tumakbo!


Hinahabol kami ng tatlong lalaki. Sa bilis namin tumakbo, nagkahiwalay kami ni Joanna at naligaw ako. Hinahanap ko pa nga si Joanna nun pero biglang may tumakip sa bibig ko at kahit anong kilos ko pinipigilan niya. "Bitawan mo ako!" Pilit kong sinisigaw.

"Tumahimik ka!" Sabi ng lalaki na nasa likod ko. Dinala ako sa kwarto na ito. At heto na nga, parang bangungot ang lahat. Sana nakatakas talaga si Joanna. Sana nakapunta siya sa taong magliligtas sa akin. Help me...someone...help...I'm so scared. Mababaliw na yata ako!


"Wala ka ng magagawa. Hindi ka na makakalabas." Sabi ng kasama kong babae. Hindi! Ayoko dito! Gusto kong lumabas!


Biglang bumukas ang pinto at sabi ng lalaki susunod na ako. Susunod? Susunod sa ano?! Mama. Papa. Kuya. Claire. Joanna. Jason. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang ma heart attack ito. Papa. Mama. Joanna. Claire. Jason. Joanna. Mama. Claire. Kuya. Jason...Daniel. At kumalma ang puso ko.

"Daniel!" I cried softly, "Tulongan mo ako!"


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon