Dati at Ngayon

6 3 0
                                    

June 16,2014

Parang dati "strangers" pa tayo.

Parang dati hindi pa tayo nag papansinan.

Parang dati hindi tayo nag uusap.

Parang dati hindi mo pa ako kilala.

Parang dati hindi ka pa nag e-exist sa buhay ko.

Parang dati hindi pa natin kilala ang isa't-isa.

Parang dati hindi pa ako maka- tingin sayo ng maayos.

Parang dati nagkipagkaibigan ka sa akin.

Parang dati tinutukso ako ng kaibigan ko sayo.

Parang dati,  niligawan mo kaibigan ko.

Parang dati nabusted ka ng kaibigan ko.

Parang dati mas naging close tayo sa isa't-isa.

Parang dati nag ka crush ako sayo.

Parang dati mas lumalim and feeling ko sayo.

Parang dati na fall ako sayo. Sa pagiging maalagain mo,sa pagiging trustworthy mo.

Parang dati lang nung niligawan mo ako at talagang nung valentines pa talaga.

Parang dati inaasar ka ng mga kaklase mo sa akin.

Parang dati gusto mo ako pumunta sa classroom niyo.

Parang dati madalas kang tumambay sa corridor ng classroom namin at makipag kwentuhan sa kaklase ko.

Parang dati hanggang pag lampas na lang ako sa classroom niyo,dahil malapit ang C.R natin sa room niyo.

Parang dati pinapunta mo ako sa Station of the Cross.

Parang dati nagsorry ka sa akin. Pero ako itong si Tanga pinatawad ka.

Parang dati nirason mo pa ang lola mong namatay.

Parang dati pinapunta mo ulit ako dun sa SOTC para magusap tayo.

Parang dati may nasagip ako na impormasyon tungkol sayo.Yun ay nililigawan mo ang isa sa mga St. Benedict.

Parang dati tumakbo ka.

Parang dati masaya ako.

Parang dati nakita ko sa mata mo na gi-guilty ka sa ginawa mo.

Parang dati nag e-enjoy ako kasama mga kaibigan ko sa SOTC.

Parang dati close kami ng kaklase ko.

Parang dati nag uusap pa kami ng kaklase ko.

Parang dati nag sorry ka sa akin.

Parang nung Summer sobrang kapal ng mukha mo at sinabi mo pa sa ex-bestfriend ko na naging tayo ng anim na araw.

Parang dati chinat pa ako ng Kuya mo at humihingi ng tawad sa katrantaduhang ginawa mo sa akin.

PARANG DATI NANG DAHIL SAYO NAGING GANITO AKO NGAYON. TAKOT NA ULIT AKO MAGMAHAL.

June 16, 2015

Ngayon hindi na tayo nag papansinan.

Ngayon hindi na tayo nag usap.

Ngayon pilit kitang kinakalimutan.

Ngayon mas gugustuhin ko pa na hindi ka nag exist sa buhay ko.

Ngayon kilala na kita.

Ngayon nakakatingin na ako sayo ng walang expresyon ang mata ko.

Ngayon nawala na ang pag kakaibigan natin.

Ngayon nadidiri ako sa mga ng aasar sa akin sayo.

Ngayon ayaw niya na sayo.

Ngayon iba ka na sa nakilala niya. O baka sadyang may maskara na nakatago sa ugaling meron ka.

Ngayon mas gugustuhin ko pa na mawalan ako ng memorya.

Ngayon pinagsisihan ko nag ka crush ako sayo.

Ngayon alam ko na kung sino ka ba talaga. Kung tunay ba yang pagiging maalagain mo at kung mapagkakatiwalaan ka ba.

Ngayon natakot na ulit ako mag paligaw at mas lalong kinaiinisan ko ang araw na yun.

Ngayon gusto ko lagyan ng mga packing tape ang kaklase mo sa sobrang ingay tuwing dadaan ako sainyo.

Ngayon ayoko na pumunta sa classroom niyo dahil ayokong makita pag mumukha mo.

Ngayon ayoko ng pumunta sa C.R dahil malapit room niyo doon.

Ngayon ayoko na pumunta dun, dahil sayo.

Ngayon hindi na ako TANGA. At mas lalong hindi na ako UTO-UTO, para pumunta ulit sa Station of the cross para mag hintay ng matagal.

Ngayon alam ko naman na hindi namatay lola mo. Sa halip birthday niya pa.

Ngayon hindi na ako maniniwala sa mga sasabihin mo at mga sinasabi mo. At ang kagaguhan mong rason .

Ngayon hindi na ako magiging tanga kung sa isang katulad mo lang pala ako mapupunta.

Ngayong tumakbo ka kasi na duwag ka. Duwag kang makita akong umiiyak, ng dahil sa katantraduhang ginawa mo.

Ngayon naging miserable ako dahil yun sayo at sa kagaguhan na ginawa mo.

Ngayon nakita ko ng dalawang mata ko ang katrantaduhang, kagaguhan na ginawa mo sa akin.

Ngayon nakita ko kayo ng kaklase ko na masayang nag uusap samantalang ako nag e-enjoy sa kaibigan ko ikaw naman nag e-enjoy sa date niyo.

Ngayon ayoko na siyang maka usap.

Ngayon nadidiri ako marinig boses ng kaklase ko.

Ngayon hindi kita mapapatawad sa kagaguhan na ginawa niyo sa akin ng kaklase ko na ngayon GIRLFRIEND mo.

Ngayon nahiya ako sa sobrang kapal ng mukha mo na kasing kapal ng dictionary na malaki.

Ngayon sasabihin ko sayo na "WALANG TAYO. AT HINDI NAGING TAYO." O Baka naman gusto mong ipamukha ko pa sayo mga katangahan na ginawa mo. Gusto mo isa isahin ko pa. Sabihin mo lang madali akong kausap.

Ngayon naman nahiya ako sa pag mumukha mo at sa Kuya mo pa sinabi na humihingi ka mg tawad.

Ngayon alam ko na kung ano nga ba meron kayo ng Girlfriend mo, yun ay ang nag kukunwaring kayo. Pero ikaw ang TANGA dahil na fall ka sa ex girlfriend mo. Masakit diba? KARMA IS ALWAYS THERE.

Ngayon nakuha mo pang tumabi sa kaklase ko at pinakita mo pa yang kamay mo na nakasulat pangalan ko. At sabihing crush mo ako. WOW LANG HA.

NGAYON NAMAN ITO ANG MAMASABI KO, MASAYA NA AKO. KAYA PWEDE BA LUMAYO KA NA. AT WAG KA NG SANANG MAG PAKITA PA

"We started as strangers. Until we met, fell inlove. And ended like this Ended just how we started. "
@pinkymist

•EDITING •
Dati at Ngayon Finished.

Date Started:April 24 2016
Date Finish: April 25 2016

DATI AT NGAYON (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon