Sandra and Rissie in the School of Witch

26 0 0
                                    

Chapter one

            “Class, I want you to make a research about the Electric Current and Ohms law. That is to be submitted on Thursday, same time, same place. And we will be having a short quiz regarding that. Okay?”, said their professor. “I am dismissing you.”

            “Thank you sir!”, said the class in chorus.

            “Okay?”, Rissie said. “Anong okay doon! Nagpa-research activity na nga sya tapos may quiz pa! kahit super short quiz pa yan quiz pa rin yon!”

            Sabay na lumabas ng classroom ang mag-bestfriend na sina Sandra and Rissie from their Physics class.

            “Alam mo bet-bet, kung hndi lang cute yang prof. ntin nayan matagal na kong hindi pumapasok dyan!”, Sandra said. “Eh… it so happened na… ang cute talaga nya!”

            Rissie replied,“Hoy! Bet-bet ! landi ah! Epic yan!”

            Biglang nanlaki ang mga mata ni Sandra na parang nakakita ng gwapo. “look who’s coming! Bet-bet si Clifford! Hmm… I smell something sweet!”

            Actually gwapo talaga si Clifford. Matangkad, maputi, kissable ang lips at matangos ang ilong. Yun nga lang…

            “ahmm… Rissie, tungkol dun sa invitation mo. Ah… may ka-date na kasi ako sa prom night. I’m sorry.”

            Yun nga lang ay hindi naman nya gusto si Rissie.

            “Badtrip! Pwede naman nyang ipasabi na lang sa’yo some other time. O kaya naman i-text nya na lang ako! How awkward naman na sabihin nya sa akin yon ng personal!”,naiinis na sabi ni Rissie. “ ahy!! Sandra… halata bang bitter ako kanina? Ahy!!!! Nakakainis!!!!!.”

            “Alam mo bet-bet ang galling mo nga umarte kanina e… Infairness  parang okay lang talaga sa’yo na sinabi nya ‘yon ng harapan.”, nang-aasar na sabi ni Sandra.

            Rissie replied,“Better yet, let’s go na lang to library for our research activity na yan. Pampawala ng badtrip.”

            Dumaretso agad sina Sandra and Rissie sa library. Iniwan nila ang mga bag nila sa bags station at tuloy-tuloy naglakad sa malaking shelf kung saan nakalagay ang librong hinahanap nila.

            May napansing liwanag si Rissie sa bandang sulok na part ng library. Hindi nya na ininform si Sandra na pupunta sya roon kaya naiwan itong nag-i-i-scan ng mga books.

            Pagdating ni Rissie sa part na ‘yon ng library ay agad na nawala ang liwanag. Hinanap nya kung saan pwede manggaling ‘yon pero wala syang nakita kaya naisipan nyang bumalik nalang sa shelf kung saan naiwan si Sandra.

Pero ng paalis na sya sa place na ‘yon ay bigla syang napabalikwas.

            “what’s that? Ang weird naman.”

            May nakita syang parang aparador na dalawa ang pinto sa sulok na iyon ng library. Naisip nya na baka mga luma at makakapal na libro ang nakalagay doon kaya lumapit sya at unti-unting hinawakan ang handle ng pinto nito para buksan.

            Nang binuksan ni Rissie ang pintuan ng malaking cabinet na ‘yon ay may liwang na sumilaw sa kanya kasabay ng malamig at malakas na hangin. Kinuha sya nito at napunta sa loob ng maliwanag at mahanging ipo-ipo. Nagsusumigaw si Rissie at takot na takot kung saan sya maaaring mapunta.

            Samantala, sa gitna ng pagbabasa ni Sandra ng mga libro ay bigla nyang naalala si Rissie. Nanibago sya dahil wala ang kaibigang kumukulit at dumadaldal sa kanya. Hinanap nya ito. Inikot nya ang shelf hanggang sa makarating sya sa kasunod na shelf, at sa mga sumunod pang shelf at sa mga sumunod pa. Sa paghahanap nya sa kaibigan ay may isang librong umagaw sa atensyon nya. Isang librong may pamagat na “wizzards’ formula”. Ibinalik nya ang libro kung saan ito nakalagay dahil naisip nyang ipagpatuloy ang paghahanap sa kaibigan. Pero ilang hakbang palang mula sa bookshelf na ‘yon ay agad niyang binalikan ang libro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sandra and Rissie in the School of WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon