O, Kalikasan

238 0 0
                                    

First time kong magpopost ng tula. Actually, matagal na tong naka-stock. Nainspired lng din ako gmwa ng tula nung pngawa kmi ng tula sa filipino nung 3rd yr - 4th yr HS :D 

Sana po magus2han niu to :D

===========

O, Kalikasan

O, Kalikasan!

Ano itong nangyari?

Ika'y biglang naghasik,

Sa amin ika'y nagmalupit.

Ito ba'y iyong ganti,

Kaya ngayo'y maraming nasawi?

Buhay ba sa iyo'y aming kinuha,

Kaya buhay rin ba ang iyong kapalit?

Aming aaminin,

Kami sa 'yo ay nagmalabis;

Kami'y naging pabaya,

Kami'y naging makasarili.

O, Kalikasan!

Ika'y sadyang traydor

Lalo na kapag nagalit!

At sa mga nagdaang unos,

Sa amin ay iyong ipinamalas;

Maraming nasira,

Maraming nawalan.

O, Kalikasan!

Labis ang iyong ginawa!

Aking nakikita kahit saan,

Itong sakuna  na iyong dinala.

Hiling lang sana

Ito'y aming malagpasan;

Nawa'y itong iyong ginawa,

Hindi na maulit pa.

=====

Malayang Taludturan :)

I hope you like it :D :D

GOD BLESS OUR WORLD :)

O, KalikasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon