Chapter 2: He Opens Up

120 4 1
                                    

APOLLO'S POV


Hindi ko rin talaga maintindihan yang si Kat-Kat. Ang dami namang pwedeng puntahan dito sa Baguio, bakit sa strawberry farm pa? Badtrip naman oh!!


Pero, hindi ko parin naman masisisi si Kat-Kat. Never ko naman kasi sinabi sa kanya kung bakit ayokong pumupunta doon.


Doon kasi kami nagkita ni Kat-Kat nung bata pa kami, kaya siguro dun niya naisipan na pumunta. Naaalala ko pa nga noon eh. Alalang-alala siya saakin kasi nakita niyang may pumatak na luha sa pisngi ko. Kinapkap pa nga niya yung jacket niya para maghanap ng panyo na maibibigay saakin. Haha. Nakakatuwa lang talaga sa tuwing naaalala ko yun. Ang weak ko kasi! Nakita pa ng babae. Tsk...


Ang pinagtatakahan ko lang noon eh kung bakit hindi man lang niya ako tinanong kung bakit ako lumuha. Siguro nirerespeto lang niya yung privacy ko. Dati kasi, sobrang guminhawa ako nung hindi na niya ako tinanong pa. Pero ngayon, parang mas ginusto ko pa na tinanong niya na lang ako. Para sa ganun, maintindihan niya yung pinagdadaanan ko nung mga oras na yun. Kung sabagay, bata pa naman kasi ako nun. Ano namang alam ko?? :D


Sa lalim nung iniisip ko, hindi ko napansin na tumabi pala saakin si Kat-Kat.


"Apollo, ano ba talagang problema mo? Bakit ayaw mo tayong pumunta sa Strawberry Farm?" -siya


Nag-buntong hininga nalang ako at hindi nalang siya pinansin. Nahihirapan pa kasi akong sabihin sa iba yung pinoproblema ko.


"Kung ayaw mong sabihin saakin, aalis na lang ako." -siya


Paalis na sana siya nung bigla kong hinawakan yung braso niya. Natigilan naman siya.


"Bakit ba?!" -siya


Tinitigan ko lang siya. Tapos, hinigit ko siya papalapit saakin. Napaupo siya sa tabi ko.


"Naalala ko kasi yung sinabi saakin ng mama ko nung bata pa ako. Ang sabi niya, kung may problema man ako, wag daw akong mahihiya o matatakot na sabihin sa iba. Malay ko daw, baka matulungan nila ako." -ako sabay napatingin sa kanya


"Kung meron man akong pwedeng pagsabihan nitong problema ko, alam kong ikaw yun Kat-Kat. Mapagkakatiwalaan naman kita diba?" -ako


Nakatulala lang siya doon. Hindi pa niya sinasagot yung tanong ko.


"O-oo n-naman." -siya


"Bakit parang kinakabahan ka diyan?" -ako


"H-ha? H-hindi no!" -siya


"Hindi daw. Kitang kita naman." -ako na may nakakalokong ngiti


"Heh! Nagchange topic naman tayo eh! Ano nga ba kasing problema mo?" -siya


Natigilan naman ako. Nawala na rin yung ngiti sa mukha ko. Oo nga pala sasabihin ko pa pala sa kanya yung problema ko. Hayss!


"Oo na ito na..." -ako na nagsimula nang magkwento.


*FLASHBACK


"Pa! Nandito na po ako. Dala ko na rin po yung mga pinapabili ninyo. Pa? Nasan po kay--"


Bigla akong natigilan nung may narinig akong sumisigaw sa kwarto nila papa.


"Pagod na pagod na ako sayo William! Lagi ka nalang umuuwi na lasing! Kaya nga hindi tayo nakakapag-ipon dahil diyan sa bisyo mong yan! Kakaunti na nga lang ang kinikita natin sa Strawberry Farm tapos ginagastos mo pa diyan sa mga alak mo!!" -mama


Tumakbo naman ako papasok sa kwarto nila mama at papa.


"Ma! Pa! Tama na po yan! Lagi nalang po kayong nag-aaway. Sa umaga hindi niyo na ako nabibigyan ng pansin kasi *sniff lagi nalang kayo nag-aaway. Tapos...*sniff tapos sa gabi naman hindi niyo na rin ako hinahanap sa tuwing ginagabi ako *sniff" -ako na humihikbi hikbi na.


"Hindi po dahil hindi na ako umiimik hindi na po ako nasasaktan! Ni hindi niyo nga po ako niyayakap o sinasabihan na mahal niyo ako katulad ng mga ibang magulang sa mga anak nila. Pero naiintindihan ko po kayo *sniff hindi naman ako humihingi ng malaki sa inyo. Ang gusto ko lang po magkasundo naman kayo para saakin *sniff ka-kasi po anak n-niyo parin na-naman po ako!!" -sigaw ko na medyo napuputol putol na ang pagsasalita dahil sa sobrang pag-iyak ko.


Pagkatapos kong sabihin yun sa mga magulang ko, nagtatatakbo nalang ako palabas papunta doon sa malawak na field na malapit sa bahay namin. Doon ko na ibinuhos lahat ng luha ko nasaktan kasi talaga ako ng sobra sa kadalasan na pag-aaway ng mga magulang ko.


Hinbol ako nila mama pero hindi nila ako naabutan.


"Anak!! Apollo!" -narinig kong sinisigaw ni mama nung tumatakbo akong papalayo sa kanya.


Umupo nalang ako sa isang tabi at tinitignan yung mga bitwin sa langit.


"Sana nga totoo nalang yung sinasabi nila...Sana nga talagang natutupad ang hiling mo sa tuwing humihiling ka sa mga bituin." -bulong ko sa sarili ko


Sa sobrang inis binubunot ko na yung mga damo doon sa inuupuan ko at nagwawala na doon.


"Kawawa naman yang mga damo!" -sigaw ng isang babae


Lumapit siya saakin...si mama pala yun. Nahanap pa talaga niya ako? Nakakainis naman eh! Kung sino yung tinatakbuhan yun pa ang makakahanap sayo? Bastusan lang?


"Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na sa bahay at ipagtuloy mo na yung pag-aaway niyo ni papa!" -ako


"Anak, pasensya na kay mama at papa ha? Hindi naman namin kasi alam na hindi ka na namin nabibigyan ng atensy--"


"Yun na nga eh ma! Hindi niyo alam! Hindi niyo alam ang nararamdaman ko sa tuwing nag-aaway kayo ni papa! Hindi niyo alam na lagi akong humihiling na sana mayakap niyo ako at sabihin niyong mahal niyo ako! Hindi niyo alam! Kasi hindi niyo ako pinapahalagaan!!"


"Anak, anak wag mo naman sabihin yan. Mahal na mahal ka namin ng papa mo. Pasensya ka na kung hindi namin naiipapakita sayo o naiparamdam sayo nang kahit minsan. Sorry na anak patawarin mo na si mama."


Habang sinasabi yun ni mama, diba dapat nagtatatalon na ako sa tuwa kasi sa wakas nasabi na niya na mahal niya ako. Pero, bakit ganun? Bakit parang hindi parin ako nakokontento sa mga sinasabi niya.


"Hanggang salita ka lang naman eh! Hindi mo naman pinaninindigan! Kung mahal mo ako, dapat ipinapakita mo, hindi mo lang sinasabi!" -sigaw ko sa kanya


Hindi nalang siya umimik doon at tumulo na lang ang luha niya. Unang beses ko nakita na umiyak ang mama ko dahil saakin. Kasi kapag umiiyak si mama laging si papa ang dahilan. Nung nakita ko na pumatak na ang luha sa mga mata ni mama, nabiyak yung puso ko gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin na mahal ko din siya at kalimutan nalang yung mga kasalanan niya saakin pero, hindi ganun kadali yun. Pero sa huli...


"O, gamitin mo to. Wag ka nang umiyak diyan." -ako


Tumayo na ako at aalis na sana nung bigla niya akong pinigilan. Hinawakan niya yung kamay ko sabay sabi saakin...


"Mahal kita Apollo. Mahal na mahal ka ni mama. Wag mong kakalimutan yun ha?


At pagkasabi niya nun, tumulo na rin yung mga luha sa mata ko na kanina ko pang pinipilit na hindi lumabas. Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko yung mga sinabi saakin ni mama...


MAHAL KITA APOLLO. MAHAL NA MAHAL KA NI MAMA.


MAHAL KITA APOLLO. MAHAL NA MAHAL KA NI MAMA.


MAHAL KITA APOLLO. MAHAL NA MAHAL KA NI MAMA.


Bago ko pa masabi na mahal ko rin siya...


Bigla na lang siyang nahimatay doon sa inuupuan niya kanina.


Nag-panic ako at sumisigaw para makahanap ng tulong. May mga tao kasing nakatira doon sa lugar na yun. Nagkagulo doon sa lugar na yun. Tinulungan ako nung mga tao na dalhin si mama sa ospital.


(END OF FLACHBACK)


Napansin ni Katrina na naluluha na ako nung kinukwento ko sa kanya yung nangyari kaya, pinatigil niya muna ako at binigyan niya ako ng panyo.


"Ano ba yan! Naiiyak na ako. Ang weak ko no? Mamaya pagtawanan mo nanaman ako." -ako na nakangiti kay Kat-Kat. Nababaliw na ata ako nakangiti na lumuluha.


Bigla akong niyakap ni Kat-Kat at medyo lumuwag na yung pakiramdam ko.


"Salamat Kat." -ako


"Kaya mo na bang ituloy?" -siya


Tumango lang ako at nagsimula nanamang magkwento...



*FLASHBACK


Nung nakarating kami sa ospital, sinugod na ng mga doctor si mama sa isang kwarto. Dumating si papa sa ospital at tinanong niya ako kung ok lang daw ba si mama. Hindi na ako umimik pa at umupo nalang si papa sa tabi ko. Hinihintay pa namin ang sasabihin ng mga doktor.


Naghintay kami ni papa ng mga dalawang oras tapos nagbalita na saamin yung doktor na isinugod si mama kanina.


"She has been diagnosed with liver cancer...4th stage na po. Sa tingin po namin matagal na po niyang alam na may sakit siya. Nasa records na po kasi namin ang pangalan niya. Hindi niya po ba nabanggit sa inyo na may sakit siya?" -doktor


Umiling na lang kami ni papa.


"Well...I'm very sorry to hear that."


"Pero dok, magiging ok lang po ba si mama?" -ako


"Mahirap pang sabihin ngayon hijo pero, we'll let you know kung may changes na sa kalagayan ng mama mo. Aaminin ko po sa inyo na medyo may pagkalaki mo ang babayaran ninyo sa treatment ng mama mo." -doktor


Nagtinginan kami ni papa. Hindi na kasi namin alam ang gagawin namin. Wala kaming perang pambayad ng pang-ospital ni mama pero, hindi naman namin siya pwedeng pabayaan. Gagawa nalang kami ng paraan. Bahala na!


Makalipas ang ilang araw, nakatanggap kami ng tawag mula doon sa doktor sa ospital kung saan naka-confine si mama...


DOKTOR: SIR, YUNG MAMA PO NINYO...WALA PONG NAGIGING DEVELOPMENT SA KASO NIYA. I'M VERY SORRY TO SAY THIS PERO, WALA NA PO ANG MAMA NINYO. WE TRIED EVERYTHING WE CAN PERO WALA PO TALAGANG NANGYARI.


AKO: ------------------------


Hindi na ako umimik at nahulog ko na lang yung telepono sa sahig at nag-iiiyak na ako doon. Sinabi ko narin kay papa kung anong nangyari kay mama. Napatahimik na lang siya doon. Nagtataka kasi ako kung alam ba niyang may sakit na si mama dati pa. Kaya naman tinanong ko siya.


"Pa, matagal niyo na po bang alam na may sakit si mama?" -ako


"Anak...wag ka sanang maga--"


"So, alam mo nga?! Alam mo nga talaga na may sakit si mama per, imbis na ibili mo siya ng gamot eh bumibili ka ng alak?! Wala ka bang puso?!" -sigaw ko


"Nung nalaman ko na may sakit ang mama mo stage 3 na siya! Wala naman na akong magagawa!" -siya


"Anong walang magagawa?! Stage 3 palang naman pala siya noon nung nalaman mo! Bakit hindi mo siya pinilit na ipangamot sa mga doktor para sa ganun eh maagapan pa yung sakit niya?! Walang kwentang tao ka!! Kung hindi dahil sayo sana nandito pa si mama!" -ako


Dumiretsyo ako papalabas ng bahay at tumakbo palayo. Simula nung araw na yun napagdesisyunan ko na na hindi ko mapapatawad si papa. Hindi na rin ako bumalik sa bahay simula nung araw na yun.


(END OF FLASHBACK)


"I'm so sorry Apollo, hindi ko naman kasi talaga alam. Naipsipan ko lang naman pumunta doon kasi doon tayo nagkakilala tap--" -Kat-Kat


"Wala kang kasalanan Kat. Hindi mo naman alam eh kaya pinapatawad kita." -ako


"Sige wag nalang tayong pumunta sa farm, ok? Sasabihin ko nalang kila Caitlin." -siya


"W-wag! Ok lang ako. Oras narin naman talaga na kalimutan ko na yun. Matagal naman na yun eh. Pagbigyan na natin sila kawawa naman." -ako na nakangiti kay Kat.

------------------------------------------------------------------------------------------

KATRINA'S POV

"W-wag! Ok lang ako. Oras narin naman talaga na kalimutan ko na yun. Matagal naman na yun eh. Pagbigyan nalang natin sila kawawa naman." -Apollo na nakangiti saakin.


Ngumiti din naman ako pabalik. Tinignan ko yung mga kasama namin. Natawa naman ako kasi nakatulog yung mga potek! Nakakatuwa din yung posisyon nila. Si Niko at Shaun na magkayakap tapos, si Bryce naman nakapatong yung ulo niya sa kalong ni Shaun. Si Catlin naman nakasandal lang doon sa may bintana ng kotse. Naglalaway! Haha...


Katabi ko parin si Apollo. Nakatulog na din pala siya. Ang cute niyang matulog! Para syang anghel ang gwapo niya. Lumapit ako sa kanya at may binulong.


"Wag kang mag-alala Apollo, lagi akong nandito para sayo. Kaya nga tayo mag-bestfriends diba?" -sabi ko na nakangiti.


Bigla siyang humarap saakin.



O__________________O -siya



>//////////////o//////////////< -ako


"G-gising ka?!" -ako


"Malamang nakadilat mata ko diba?" -siya


"Pilosopo!"


"Hahaha... Pero, salamat Kat ha. Lagi kang nandiyan sa tabi ko." -siya sabay ginulo yung buhok ko


"Heh! Matulog ka na nga lang diyan!" -ako


"Oo na bosing! Matutulog na! Gisingin mo nalang ako pag nandun na tayo." -siya


Ngumiti nalang ako. Natulog na rin siya dun sa tabi ko. Napahiga yung ulo niya sa balikat ko, hindi ko nalang pinansin. Hinayaan ko na lang siya doon.


"Apollo, alam kong nahihirapan ka pa pero, wag ka munang susuko ha? Palaban ka naman eh. Malalagpasan mo rin ito. Mapapatawad mo rin ang papa mo." -bulong ko sa kanya habang natutulog siya.

------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Ayan! Natapos ko narin po ehehe :D Sana po nagustuhan niyo itong update. Medyo madrama po kaya pasensya na. Babawi nalang po ako sa comedy sa susunod na chapter tungkol ito kay Shaun at Bryce. Tuturuan na ni Shaun si Bryce lumngoy! Pero bakit kaya? Hmmm....


Stay Tuned XD

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon