Kasalanan Mo.. Kaya Panagutan Mo Ako! (One Shot)

20.3K 385 103
                                    

A/N: This is a Oneshot story Prize for Nichol. Nanalo sya sa pagames ko sa group! Sorry kung late na!

..

..

"Nichol!!!!!!!!!" Isang malakas na sigaw ang gumising sa nagmamagandang katawang lupa ni Nichol sa ibabaw ng kanyang king size na kama.

"Nicholllllll!!! Ano ka ba namang bata ka malelate ka na sa eskwela!!!!!" Hayan nanaman ang human alarm clock na araw araw nagwawangwang sa tenga ng dalaga. Pilit na idinilat nya ang kanyang mga mata at hindi nga sya nagkamali. Sa tapat nya ay ang kanyang mommy na nakataas ang kilay at naka pameywang pa. Pasimple nyangnn pinahid ang tumulong laway sa kanyang pisngi. Syempre hindi lang naman mommy nya ang nandoon sa silid nya. Sa likuran ng mommy nya ay ang yaya nya tapos ay ang assistant nya, ang dalawang body guards, ang hair stylist, fashion consultant ay make up artist.

"Mommy they can go out na.. I'm awake already!" Iritang sabi nya sa mommy nya.

"Hay Nichol.. kailan ka kaya babangon ng hindi ako ang gigising sa iyo?" Napabuntong hininga pa ang mommy nya. Araw araw nalang ganito ang eksena nila. Kung hindi pa ang mommy nya ang gigising sa kanya hindi pa talaga sya babangon.

"Not again mom!" At nagmamadali na syang bumangon para magshower, she avoided. C uher mom's rants. Aga aga sermon!

"School again.." napabulong pa si Nichol nang marating nila ang St.Thompson University. Kung tutuusin pwede naman syang hindi nalang mag aral, tutal mayaman nanamam sila at isa pa, alam na nya ang babagsakan nya. Sa negosyo nila. Isa ang pamilya nila sa malalaking company na nag aangkat ng langis sa buong Asya. For professional records lang naman kung tutuusin ang magiging diploma nya. Matalino naman sya kaya alam nya sa sarili nya na hindi na talaga nya kailangan pang mag aral pero isa ito sa kondisyon ng parents nya. Syempre bilang tagapagmana ay nagbigay din sya ng kondisyon sa mga ito, kung sakaling magaaral sya, sa isang university lang nya gusto. Sa St. Thompson University VIP campus. Kung saan nandoon si Vinci Galvez.

Napangiti si Nichol nang makita si Vinci na noon ay papasok ng campus mula sa parking lot. Nabuhay ang dugo nya ng masilayan ang malapad na likod nito. Sigurado sya. Si Vinci iyon, hindi pa kailanman nagkakamali ang Vinci instinct nya. Kapag nasa paligid ito agad nyang nararamdaman.

"DRIVER! Pagbuksan mo ako ng pinto." Utos nya sa driver nya kaya atubili pa ito at halos madapa dapang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan sya ng pinto.

Nakasunod lang si Nichol kay Vinci. Lakad takbo pa sya with poise para lang maabutan ito. Kitang kita pa nya kung paano pumitas si Vinci ng tatlong bulaklak sa garden. Tatlong yellow gumamela pa nga iyon tapos ay nakamamatay na ngumiting inabot sa tatlong babaeng nakasalubong nito, at ang mga babae ay kinilig naman, hinimatay pa nga ang isa. Kitang kita pa ni Nichol na inalalayan ni Vinci ang hinimatay na babae para makatayo. Kilig na kilig naman ang bruha tapos ay nagpaalam na si Vinci sa mga ito.

Dumilim ang mukha ni Nichol. Nakiramay pati ang langit dahil kumulimlim din. Mabilis na lumakad sya papalapit sa tatlong babae. Wala silang karapatang tanggapin ang mga bulaklak mula kay Vinci!

"Ayyy! Ano ba akin yan!" Tili nung kanina lang ay hinimatay na babae nang hablutin ni Nichol ang bulaklak na bigay ni Vinci. Sinunod nyang kinuha ang sa dalawa pang babae pagkatapos ay tinapak tapakan ang mga iyon.

"ANO BA?!!!!" Nagpapapadyak na sabi ng isa.

"You're crazy!!!! Binigay samin yun ni Vinci!" Inis na inis ang isa pa.

Isa isang tiningnan ni Nichol ang mga nagmamaktol na babae.

"I know! Pero hindi kayo dapat tumatanggap ng bulaklak mula sa lalaking may nagmamay ari na!" Sabi nya sa mga ito. "VINCI GALVEZ IS MINE! you idiots should know that!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kasalanan Mo.. Kaya Panagutan Mo Ako! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon