Pag-ibig na pilit pinaglaban
Pagtatapos rin pala ang magiging hantungan
Pag-ibig na dati'y walang hanggan
Ngayo'y nagkaroon ng mapait na katapusanPag-ibig na nagbigay sakin ng labis na tuwa
Ngayo'y sanhi na ng aking pagluha.
Bakit naging ganito ang ating kapalaran?
Ang ligaya ay makikita na lamang sa lumang larawan.Iniisip ko ang mga nagdaang kahapon
Mga alaalang sa puso't isip ko'y bumaon
Na kahit minsa'y hindi ko nanaising itapon
Hanggang sa kabilang buhay ay aking ibabaonHindi man naging maganda ang ating pagtatapos
Sasabihin ko ito kahit ang paghinga ko'y medyo kinakapos
Mahal, hindi ako nagsisising nakilala kita
Salamat sa alaala at mahal pa rin kitaSa tamang panahon lahat ng sakit ay mapapawi
Maghihilom ang pusong nasawi
Ngiti sa labi ay mamumutawi
Puso ay muling makakabawiPag-ibig na naging bunga ay sakit
Hindi na muling magdudulot ng pasakit
Darating ang tamang tao
Na magmamahal saakin ng tapat at totooKung dumating man ang oras na muli tayong magkita
Tuwa ang nais kong matanaw sa iyong mga mata
Hindi dahil mahal pa natin ang isa't isa
Kundi dahil masaya na tayo sa piling ng iba
BINABASA MO ANG
Tulang may Kurot at Hugot sa Puso
PoesiaLahat ng tulang ito ay naisulat at nagawa ko base sa mga karanasan ko. May masaya at may malungkot. Sana inyong magustuhan ang mga ito dahil nagmula ang lahat ng ito sa aking puso't isipan. - Unknownwriter. Please vote ♡