LaraNakatayo ako sa balkonahe ng kwartong tinutuluyan namin ni Gian. Nararamdaman ko ang marahang pagtama ng malamig na simoy ng hangin sa katawan ko pero hindi iyon ang iniinda ko ngayon kundi ang emosyon ko.
Hinanda ko ang sarili ko dito. Sa loob ng tatlong taon ay hindi naging madali ang buhay ko. Namuhay akong may namumuong galit sa dibdib ko dahil sa mga nangyari sa buhay ko. Dahil dun ay naramdaman kong namanhid ang puso ko, pero bakit?
Bakit ngayon, pakiramdam ko bumabalik yung mahinang ako?
Bakit parang natatabunan ni Ivannah si Lara? Bakit bumabalik si Ivannah?
Nararamdaman ko pa rin ang sakit sa nangyari kay Gino at Luke at hindi ko maiwasang sisihin Siya. Kung bakit kailangan Niyang kunin sa akin ang dalawang anghel ko. Kung bakit kailangan niyang baguhin si Gian noon. Kung bakit kailangang maging ganito ang buhay ko ngayon.
SUMIMSIM ako sa hawak kong baso na may wine.
“What are you doing here?” I didn't bother looking dahil alam ko naman kung kanino nanggagaling ang boses na iyon.
“None of your business,” I heard Gian sighed. Pinagpatuloy ko naman ang pag-inom.
“Okay, just go to bed soon. Maaga daw tayong aalis bukas sabi ni Mr. Nakamura.”
Hindi na ako sumagot at narinig kong naglakad na papasok ng kwarto si Gian.
Napapunas ako sa namuong luha sa pisngi ko.
“Lara, don’t let him hurt you again.”
----
KINABUKASAN ay maaga nga kaming umalis para pumunta sa isang islang medyo malapit dito. Ayon kay Mr. Nakamura, ito ang paborito niyang lugar sa Hawaii.
“You see, I am so happy to let you see these attractions. It's like being to share happiness to my colleagues.” Sabi ni Mr. Nakamura. Nagpatuloy lang kami sa paglilibot hanggang sa nakarating kami sa isang cave.
“Tara, pasukin natin. Hindi pa kasi ako nakakapasok dito dahil natatakot akong mag-isa pero dahil nandito kayo, let’s go.”
Pumasok kami sa isang kweba na madilim. Dahan dahan lang ang bawat paghakbang namin sa takot naming madapa dahil sa mga bato sa lapag nito.
“Do you need help?” Tanong ni Gian nang may kailangang akyatin sa kweba.
“I can manage myself,” Sabi ko tsaka umakyat.
“Let me help you.” Hinawakan ni Mr. Nakamura ang kamay ko pero laking gulat ko nang hilahin niya ako palapit sakanya kaya’t nawalan ako ng balanse at napalapit sakanyang matumba.
Naramdaman ko ang kamay ni Mr. Nakamura na nasa hita ko kaya naman ay mabilis akong lumayo sakanya.
“I'm so sorry Mrs. Cristobal.” Tumango lang ako sa sinabi ni Mr. Nakamura tsaka naglakad palayo dito.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi naging maganda ang kutob ko sa ginawa ni Mr. Nakamura.
-----
PAGKATAPOS maglibot ay kumain kami sa isang restaurant. Medyo naiilang pa rin ako dahil sa nangyari kanina.
“Are you enjoying the food?” Tanong ni Mr. Nakamura. Ngumiti lang ako ng impit at tumango.
“Mr. Nakamura, about the deal—”
“Mrs. Cristobal, why are you such in a hurry? We still have a lot of days to talk about that deal, for now let's enjoy ourselves first, okay?”
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?