Hello! Sorry for the late update. Nausuhan ng writer's block, haha...
May basbas na din ni Lex yung pagpost ng story na 'to...
Enjoy Reading!!
- pinapasabi ni ReeseNautusan niya akong mag-upload nito e. Hindi naman ako napilitan, haha... So, eto na nga yung 4th story... Enjoy!!
-Sky
***
We all play a certain game – cards, truth or dare, spin the bottle, name it. And even life has a game of its own. There is the deadly Hunger Games and the perilous Game of Thrones. But there is a game which is more dreadful, more complicated, more unpredictable. LOVE. It was never constant, nor can it be forecasted. A lot of things can happen, as compared to a color game, dice game, or even in poker. But who knows if one would win or lose? Would you take the risks of falling and playing the game known as love?
---
*kring*kring*kring*
Ugh! Ang ingay naman, ano ba yun? Kinapa ko yung bagay na tumutunog, at the same time, malakas mag-vibrate. Teka nga, anong oras na ba?
Dahan-dahan akong nagmulat para tignan ang oras at para na rin patayin yung alarm. Alas nueve pa lang pala... WTF! ALAS NUEVE NA? Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Hindi maganda 'to.
Binilisan ko na lang ang paliligo at pagbibihis sa abot nang makakaya ko. Kung tutuusin, Linggo naman ngayon at sarado ang PSE kung saan ako nagtatrabaho. Ang kaso lang, Linggo ngayon at may importanteng usapan kami ni Kurt.
Buwis-buhay yung ginawa kong pagmamaneho papunta sa apartment nila ng mga kaibigan niya. Sana umabot pa. Mahirap na at baka pagsimulan na naman 'to ng gulo.
"Kurt! Kurt!" tawag ko pagkalabas na pagkalabas ko mula sa sasakyan. Sinubukan ko na ring kalampagin yung gate nila. "Kurt"
"Ang ingay mo naman Alexander Domingo! Alas onse palang. Maaga ka pa para sa tanghalian," bungad sa akin ni Ate Diana, isa sa mga kabigan ni Kurt, nang buksan niya yung gate nila.
"Si Kurt?"
"Walang Kurt dito," nang-aasar na sagot niya.
"Nakaalis na ba?"
"Nasa puso ko, nagkakape."
"Baka naman. Nasaan nga?"
"Akala ko ba may usapan na kayo, e bakit sa akin mo hinahanap?"
"E kasi dito nakatira, at ikaw yung nandito."
"Tss.. Kanina pa umalis. Napaaga yung flight niya. Epic mo e."
"Hindi ako, yung flight."
"Siraulo. Sige sundan mo na, at baka sakaling maabutan mo pa."
"Sige, sige. Salamat."
Byaheng-langit yung ginawa kong pagpapatakbo sa sasakyan. Bahala na kung may humarang na MMDA. Baka kasi nag-iinusok na ang tenga at ilong ni Kurt ngayon sa inis sa akin. Sinubukan ko namang tawagan, kaso pinapatayan lang ako. Hindi nga halatang bwisit siya sa akin. =_=
Halos hindi ko na nai-park nang maayos yung sasakyan. Bahala na kapag nalagyan ng tiket mamaya. Tinakbo ko hanggang sa departure area habang tinatawagan siya pero out of coverage area na. Konti na lang talaga, nakakabwisit na.
Nang dumating ako sa Departure Area, nag-hello sa akin yung neon lights na nagsasabing 20 minutes na ang lumipas mula nung umalis yung plane na sinakyan niya. Kung mamalasin ka nga naman. Argh!!
Binalikan ko yung kotse ko, at mabuti na lang walang notice na nakalagay. Tinext ko na lang si Lenard, yung best friend ko, para naman may kasama akong tumambay. Kapag kasi sina Eli... ah, basta.
BINABASA MO ANG
The Iced Gems Series
General FictionA story of frienship, loyalty and love. Join these friends as they tackle issues of differences, brokenheartedness and life's surprises.