NICA's POV
"PAANO mo sila nakilala?" Tanong ni Allyson habang nag lalakad kami.
Katatapos lang ng History class namin at 1 hour break namin ngayon kaya ngayon ay papunta kami ng cafeteria para kumaen.
"Si Warren yung naka tama sakin ng soccer ball kahapon. Kaya ko sila nakilala kasi sila din yung nag dala sakin sa clinic dahil nawalan daw ako ng malay." Paliwanag ko habang paliko na kami sa direction ng caf.
Napa hinto ako dahil biglang hinawakan ni Allyson yung dalawa kong balikat. "Hala! Ayos ka lang ba?." Nag aalala nyang sabi. Halata talaga sakanya na nag aalala sya.
Nginitian ko sya. "Ano ka ba ayos na ko." Sabi ko sakanya at tinanggal na yung pag kakahawak sakin at nag tuloy na ulit sa paglalakad.
"Bakit hindi mo sinabi sakin? Edi sana pinuntahan kita. Ikaw talaga! tayo na nga lang yung mag kaibigan dito hindi mo pa sinabi sakin. Nakakatampo ka." sabi nya. Natawa na lang ako at hinaltak na sya papasok ng cafeteria.
"Okay nga lang kasi ako. Tsaka wag kang mag alala. Next time tatawagan na kita. Salamat Allyson." Naka ngiti kong sabi.
Nginitian nya na din ako. "Wala yon no. Mag kaibigan na tayo remember?" Tumango ako. "Lagot ka sakin mamaya Warren tss." Hindi ko na narinig yung huli nyang sinabi dahil naupo na kami.
"Anong gusto mo? Treat ko." Sabi ni Allyson. Umiling ako. "Nako! Hindi na sahod ko kahapon sa pinapasukan ko kaya ako ang manlilibre sayo." Sabi ko at tumayo na. "Oppss! Bawal tumanggi mag kaibigan tayo remember?" pahabol ko ng aangal sana sya.
"Ang kulit mo talaga haha. Sige na nga next time ako naman ang manlilibre ha." Sabi nya at tumango na lang ako.
Pumila na ako sa counter at nag hintay. Dalawang araw ko na rin ngayon dito sa CL university at maayos pa naman ako at wala pang nambubully. Karamihan kasi sa mga nababasa kong story ay pag mahirap ka na pumasok sa mamahaling paaralan ay posibleng bullihen ka dahil sa stado mo sa buhay.
Pero ngayon maayos pa naman ako at ang saya ko dahil may kaibigan akong kasing bait ni Allyson.
"Dalawang Macaroni and tuna sandwitch samahan mo na rin po ng drinks." Naka ngiti kong sabi sa Tindera. Inabot ko na yung bayad ko at inabot nya na rin sakin yung order ko.
Habang nag lalakad ako pabalik sa upuan namin ay hindi ko maiwasang marinig yung mga usap-usapan ng ibang kumakaen dito.
"I don't wanna friends with her. Kahit na Hearthrob yung brother nya ay natatakot pa din ako. Because he's a gangster."
"Wit. Ang hot kaya nila. Pag naging boyfriend ko lang yung isa sakanila nako! Ako na yung pinakaswerteng babae sa buong mundo."
Napa iling na lang ako. Hindi talaga mawawala yung chismisan sa mundo.
"Okay na ba sayo to? Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo." Sabi ko kay Allyson. "Yes! Kahapon ko pa hinahanap yung macaroni nila. Favorite y'know." Masayang sabi nya at nilantaka na yung pagkain.
Natawa naman ako. "Hindi ka gutom nyan hah." sabi ko at natawa na lang din sya.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mag tilian yung mga babaeng kumakain dito habang naka tingen sa entrance.
"Kyaaaaaah, Ang gwapo talaga ni Luke sht." sigaw nung babaeng malapit lang sa pwesto namin.
"Ang cute ni Warren arrrgh."
"Be My boyfriend Shawn."
"Jasper babe i love you na."
"Ang hot mo baby Nate."
Napa iling na lang ako. Tumingen ako sa entrance at yung lima pala ang papasok kaya nag sisigawan yung mga fangirl nila. Wow lang hah, dalawang araw pa lang yung klase pero may mga fan na sila.
Hindi naman mapag kakaila mga gwapo naman talaga sila parang mga magazine model. Ay! baka mga artista pero hindi ko lang kilala kasi wala akong Tv sa bahay. pero parang ang sunget at ang yabang nung Jasper at yung lalaking hindi namansin sakin kahapon.
Parang may hinahanap si Nathan at Warren dahil palinga-linga sila. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy yung kinakaen. "Baket parang kilalang-kilala sila dito? Mga artista ba yan?" Tanong ko habang ngumunguya.
May natawa sa likuran ko kaya napa tingen ako don.
Nanlaki yung mata ko at pinamulahan ng mukha. Napayuko na lang ako sa kahihiyan habang may tumatawa pa din sa likuran. "Hahaha ganon na ba kami kagwapo para mapagkamalan mong artista." Base sa boses nya ay si Jasper to malamang.
Shet. Ano bang malay ko kung sino kayo tss. Kahit kailan talaga ang yabang ng isang to bwiset.
"Kuyaaaa Nate." Napa angat ako ng tingen ng sumigaw si Allyson sa harap ko. Nakita kong yumakap sya kay Nathan at ginulo naman neto yung buhok nya. "I miss you little sis." sabi ni Nathan.
Nag palipat-lipat lang ako ng tingen sakanilang dalawa hanggang sa may umupo sa tabi ko at umakbay. "Hi Nica. Okay na ba yung pakiramdam mo?" sabi ni Warren. Awkward akong ngumiti at dahan-dahang tinanggal yung kamay nya. "A-ayos na hehe." Nahihiya kong sabi.
Pakiramdam ko ang daming mata ang naka tingen sa direction namin kaya sobrang nakakailang. Nag kanya-kanyang upo silang apat habang nasa tabi ko ay si Allyson at Warren. "Ahm. Nica si Kuya Nathan nga pala he-he. Kuya Nate si Nica kaibigan ko." Sabi ni Allyson sa tabi ko. Ngumiti ako at tumango.
Dumating si Shawn na may dalang mga pagkain at may naka sunod din sakanya na may hawak na tray at nilapag sa table namin. "Mag kapatid kayo?" Palipat-lipat kong tingen sakanila. "Obviously. Kuya nga diba? Stupid." Biglang singet nung lalaking masunget. "Luke." May pag babantang sabi ni Nathan.
So luke pala yung ang pangalan ng masunget na to. Hindi lang masunget ang yabang pa tss. I rolled my eyes. "As if ikaw yung kausap ko. Ikaw na ba ngayon si Allyson?" Mataray kong sabi.
Nag katinginan silang lahat at sabay sabay na natawa. "BURNNNNN" Sigaw ni Warren kaya lalo silang nag tawanan.
Akala nya hah. Hindi naman ako tanga para hindi mapansing ayaw nya sakin. Pwes! Mas ayaw ko sakanya. Yabang tss.
"Woaaaaah, for the second girl may sumagot na sayo hahahaha." sabi ni Jasper at natahimik yung atmosphere pwera lang kay Jasper na tumatawa.
"Mauna nako." sabi ni Luke at umalis na sa kinauupuan nya.
Binatukan naman ni Nathan si Jasper na nasa tabi nya saka lang tumigil sa katatawa. "Oppps! Sorry he-he." sabi nya.
Naka tingen lang ako kay Luke habang papalabas ng cafeteria.
Anong nangyare don?
to be continued ...
Jasper Mendoza on the Multimedia.
BINABASA MO ANG
When i met a Gangster [On-going]
Fiksi RemajaWritten by Angelika Santos Copyrights, 2016