Chapter 15 (Beginning of unfold)

155 9 0
                                    

Rain's POV


Nagising na lang ako sa isang kwarto na ako lang ang mag-isa. Puti ang kulay ng paligid at napakatahimik. May mga prutas sa gilid ko at...

OH FUDGE. NASAAN AKOOOO?! 


"AAAAAHHHHHHHHHH!" sigaw ko. Huhuhu, papansin ako. Syempre nagulat ako eh! Kagabi nasa kwarto lang ako pinag-iisipan kung itetext ko ba si Ethan tapos ngayon..WAG NIYO NGA BANGGITIN 'YANG ETHAN NA 'YAN! NAIIMBYERNA AKO EH. 

Maya maya may biglang bumukas ang pinto at may babaeng pumasok,


"Mama!" sigaw ko tapos lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. 


"Anong problema Rain?" nag-aalala niyang tanong.


"W-wala po" sabi ko tapos umalis mula sa pagkakayakap. "Nagulat lang po ako, hehehe" 


"Kinabahan naman ako sa pagsigaw mo, akala ko kung napano ka na.." sabi pa ni Mama habang hinahagod yung likod ko. 

T-teka? Bakit nga ba ako nandito?


"Bakit ho ako nandito?" takang taka kong tanong kay Mama. 


"Sumisigaw ka kasi kagabi sa kwarto mo tapos pagbukas namin ni Lia sa kwarto mo, wala ka ng malay.." paliwanag ni Mama. 


Wala na akong malay? Ano ba nangyari? 

Pilit kong inaalala yung nangyari kagabi. Ano nga baaa? Ang naaalala ko ay tinawagan ko si Ethan, nainis ako sa kanya, binato ko yung phone ko, nag-emote ako, nagring yung phone ko, hinanap ko yung phone ko tapos...sumakit yung ulo ko....may mga malalabong scenario na naman na nagflash sa utak ko..tapos hindi ko na alam. 

Ano bang mga 'yon? Galing ba yun sa mga movies na napanood ko?! Ang lakas naman ng epekto sa akin? Para namang tanga na hanggang ngayon naaalala ko pa rin? Kainis. Pero isa lang ang sigurado ko, boses ko yung naririnig ko. Ako yung nagsasalita. Sobrang sigurado ako doon..

Tanungin ko kaya si Mama tungkol doon? Baka naman may alam siya. Malay mo lang diba. Wala naman sigurong masama sa pagtatanong, 


"Mama..kagabi kasi, actually hindi lang kagabi..marami ng pagkakataon na may mga eksenang nagpplay sa utak ko. Pabigla bigla na lang, tapos ayun bigla na lang sumasakit ulo ko..." nalilito kong paliwanag kay Mama. Pero si Mama mukhang gulat na gulat sa mga sinasabi ko. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. 


"Ma? Bakit po?" 


"Anak..."


"Po?"


"Gusto mo na bang dumiretso sa mental?" 


ANAK NG! AKALA KO NAMAN MAY SASABIHING MATINO SI MAMA! Jusko, ayoko na nga magtanong. Mukha namang wala siyang isasagot na maganda at matino sa akin. Hay nako naman! 


"MAMA NAMAN EH!" sabi ko habang naniningkit ang mata. 


YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon