Chapter I- The dream wedding!

18 1 0
                                    

On This Day(david pomeranz)

(Here we stand today
Like we always dreamed
Starting out our lives
Together)

-kasabay ng pagbukas ng pinto ang pagpatak ng aking mga luha, luhang sumisimbolo sa sobrang saya at galak na nararamdaman ko sa mga oras na to at pawang sumasabay sa bawat letra ng kanta ang unti-unti nitong pagbagsak.

(The lights is in your eyes
The love is in our hearts
I can't believe your really mine
Forever)

-dahan-dahan akong lumakad sa pasilyo ng simbahan, isa-isa akong humakbang habang tinatanaw ang lalaking nag-aantay sa harap ng altar, ang lalaking magiging kabiyak ko habang buhay, ang taong alam kong mahal na mahal ako at mahal na mahal ko higit pa sa ano mang bagay na meron ako.

(Been rehearsing for this moment of my life
So dont act surprised
If the feeling starts to carry me away)

-dahil sa dami na ng mga luhang dumadaloy sa aking mga mata, di na malinaw ang imahe ng mga taong naka paligid sa akin at ang mukha ng lalaking pakakasalan ko. Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

(On this day
I promise forever
On this day
I surrendered my heart
Here I stand
Take my hand
And I will honor
Every words I say
On this day)

-lahat na siguro ng emosyon nararamdaman ko na at habang papalapit ako ng papalapit sa kanya patindi ng patindi ang emosyong nararamdaman ko.

-and now, Im standing infront of him, hindi ko man maaninag ang mga mukha nya dahil sa patuloy na pag-agos ng aking mga luha, pero malinaw sa akin ang mga ngiti nyang nagpapasaya sa akin at nagpapawala ng mga kabang nararamdaman ko.

-inilahad nya ang mga kamay nya sa akin tumingin ako doon at napatungo at muling bumagsak ang aking mga luha, i used my hand to wipe it at kasunod nun ang pagtugon ko sa mga kamay nya , i hold it and slowly look at him unti-unti ng luminaw ang mukha nya at biglang nyang sinabing...

" Sunog!" sigaw niya

" ha? " takang tanong ko

" Sunooooggg ! " sigaw na ulit nya, natataranta na ako dahil sa hindi ko maintindihang pangyayari.

" Gabby, gising may sunog!" unti- unti nang nawala ang mga tao sa paligid ko at sobrang kinabahan na ko takot na takot at sumisigaw na rin ako.

"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhj!!!!! malakas na sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon. " uho-uho-oho" sunod-sunod na pag ubo ko. " tu-tulong uho-uho" pagpapatuloy ko halos di na ko makahinga dahil sa usok na nalalanghap ko.

"waahahahaha" isang malakas na pagtawa ang narinig ko.
"Hahahaha" patuloy parin siya sa pagtawa, hinanap ko sa loob ng room ko kung kanino nanggagaling ang mga malalakas na pagtawa at nakita ko ang walang hiyang kapatid ko sa gilid ng kama ko at namimilipit na sa kakatawa.

" Hoy anong ginagawa mo dito at anung nakakatawa. Teka, asan yung sunog? Ung mga uso-k kani-na? "

"nyahahaha" hindi pa rin siya nakakamove-on katatawa. Pinagmasdan ko yung buong kwarto, pero ni katiting na usok wala akong nakita at wala ring sunog ..? Shit, na-tap ko yong noo ko at nasabunot ang sarili kong buhok, narealized ko pinagtripan na naman ako nito.

" hahaha" mula sa pagkakalugmok ay tumayo siya
" ano to puro haha nyahaha at wuahaha nalang ba line mo dito sa story ko? sabi ko sa kanya

" baliw ka talaga, bumangon ka na nga diyan kapatid, kanina pa kita ginigising tulog mantika ka talaga, kung di ka pa sigawan na may sunog di ka babangon diyan. paliwanag nya sa akin
" Pero you know what? kung nakita mo lang mukha mu? Uho-oho, Tulooong! hahahaha" ang pinaka OA na paggaya niya.

Remember: Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon