Kabanata XI: Mga Kondisyon

44 1 2
                                    

Sa hapong iyon ay niyaya ako ni Luke na ihatid niya ako pauwi. Subalit hindi ko tinanggap ang alok niya. Pakiramdam ko'y minamatiyagan pa rin kasi kami ng mga kaklase kong may pagkachismosa. "Mabuti na ang nag-iingat, baka pagchismisan pa tayo" paliwanag ko kay Luke.

"O sige. May punto ka naman boss. Ayaw ko rin naman ang pag-usapan tayo ng mga kaklase natin. Di na kita ihahatid sa inyo, pero sa isang kondisyon" pagsang-ayon naman niya.

"Ano namang kondisyon yan? Ikaw ha? Baka kung anu-ano naman yan."

"Basta magtext ka na lang sa akin kapag nakauwi ka na. Yun lang."

"Sige na nga. Magtetext po ako. Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Bye."

Isang ngiti ang isinagot niya sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya, tsaka nagsimulang maglakad.

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay tinext ko agad si Luke. "Helo luke. Nkauwi na aq. Kya tnxt na kta, gya ng bilin mo :)" nang biglang "Message Sending Failed" ang nag-appear sa screen ng phone ko. Doon ko lang naalala na wala na pala akong load.

"Patay!" sigaw ng isip ko. Nagdadalawang-isip ako kung lalabas ako ulit ng bahay para magpaload o huwag na lang. "Di naman siguro ako obligado na magtext sa kanya, kasi siya naman ang nanliligaw. Tsaka napakalayo ng pinakamalapit na tindahan" sabi ko sa sarili ko. Umakyat na lang ako sa aking silid at nagpalit, pagkatapos ay tinungo ko ang aming bakuran.

Habang dinidiligan ko ang aking mga tanim ay naalala ko ang mukha ni Luke nang una niyang makita ang lugar namin. Bakas ang pagkamangha sa nakita niyang kagandahan, bagamat ang liwanag lang galing sa bilog na buwan ang nagpapaliwanag sa bakuran namin sa oras na iyon. Ilang sandali pa'y bumalik sa isip ko ang sinabi ko kay Luke na itetext ko siya pagkauwi ko. Napabuntong hininga ako.

"Mamaya na lang ako magpapaload," sabi ko sa aking sarili.

Nang matapos ako sa ginawa ko ay pinuntahan ko ang aking silid para kunin ang aking cellphone at purse. Pagtingin ko sa aking phone ay nakadisplay ang '23 messages received'. Nang binasa ko ang mga iyon, nagulat ako dahil pawang galing kay Luke lahat ng mga mensaheng iyon.

"Boss, nkauwi k n? Kakauwi q lang."

"Boss, d k pa nkauwi?"

"Boss, bat d k pa nagttxt? Wla k pa rn b sa inyo?"

Halos iisa lang ang tinutumbok ng mga mensahe ni Luke. Halatang nag-aalala siya dahil di pa rin ako nagtetext sa kanya. Dahil sa mga pinadala niyang mensahe ay naguilty tuloy ako. Nagpaalam ako kay Nanay na lalabas ako sandali. Dali-dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa pinakamalapit na tiangge para magpaload. Habang naglalakad ako ay nagring ang aking cellphone. Si Luke iyon, tumatawag.

"Hello Luke" sabi ko.

"Boss. Bat di ka nagtetext? Pati mga text ko di mo nirereply-an. Wala ka pa rin ba sa inyo? Padilim na ang paligid o, di ka pa rin nakakauwi?" Sunud-sunod niyang tanong.

"Nakauwi na, kanina pa. Sorry, di ako nakatext. Wala akong load eh."

"Eh di sana sinabi mo na lang kasi kanina na wala kang load, para di na lang ako naghintay sa text mo" sumbat niya. Naramdaman ko ang magkahalong pag-aalala at inis sa kanyang pananalita.

"Di ko naman kasi naalala na ubos na yung load ko. Akala ko kasi may extra pa naman ako na pantetext sa iyo" paliwanag ko naman.

"Nakitext ka na lang sana sa mga kasama mo sa bahay niyo. O nagpaload agad kaninang nalaman mong wala kang load. Di mo man lang ba naisip yun?! Sana inihatid na lang kita para di ako nag-aalala kung nakauwi ka na sa inyo o hindi pa."

Narinig ko pa siyang bumulong ng "God damn it!" pagkatapos ng kanyang mga sinabi. Nabastusan ako sa isinumbat niya.

"Oo na, oo na! Eto na nga oh naglalakad na ako papunta sa pinakamalapit na tindahan para magpaload! Ok na ba yun, ha?" sagot ko naman. Nagsisimula na ring uminit ang ulo ko.

Alaala ng Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon