Chapter 16 (Fake words)

155 7 0
                                    


Rain's POV

"Denise, salamat sa notes ah" sabi ko kay Denise. Humiram kasi ako sa kanya ng notes para doon sa mga lecture na namiss ko nung umabsent ko.

"Welcome, wag mo lang sisirain 'yang binder ko" sabi niya.

"Hahaha! Balak ko pa lang" sabi ko tapos ngumit ako ng nakakaloko.

"Aba't! Gusto mo batukan kita?!"

"HAHAHA! Joke lang, ito namaaan. Salamat!"

"Sige hahaha" sabi niya tapos lumabas na ng room.

Simula nung race namin sa P.E class medyo nakakausap ko na 'tong si Denise and hindi naman pala siya ganun kamaldita. Hahaha! Judgemental lang talaga ako hehe. So sa mga babae dito, si Denise lang ang nakakausap ko ng matino.

It's been 4 days since that incident na ginawa ni Drake. Ang tamad ko no? Ngayon lang ako humiram ng notes HAHAHA. Okay, shocked pa din ako sa ginawang 'yun ni Drake pero kung anong sinabi niya nung gabing 'yon, kahit na hindi ko maintindihan, mukhang ginagawan na niya ng paraan. I mean hindi ko naman alam kung bakit lagi niyang sinasabi na babawiin niya ako. Pero matapos yung gabing 'yon, parang pinopormahan na niya ako.

Hindi naman niya sinabi ng diretso na liligawan niya ako, pero based sa mga ginagawa niya...yun ang nararamdaman ko. BAKA NAMAN ASSUMING LANG AKO?! HAHAHAHAHA

Hindi na siya humihiwalay sa akin, pwera na lang kung magkasama kami ni Ethan. Kasi nga diba alam ng buong university boyfriend ko si Ethan and ayaw niya naman daw akong mapahamak. Pero hindi nangyayaring humihiwalay siya sa akin dahil si Ethan...bihira ko na lang makasama.

"Rain!" tawag sa akin ni Drake. Oh andito na pala siya. Galing siyang cafeteria, may bibilhin daw.

"Uy Drake!" bati ko naman. Kung tinatanong niyo ako kung anong nararamdaman ko kay Drake? Ewan ko eh..parang wala naman? I mean walang sparks!

Konsensya: So kay Ethan, meron?

WALA DIN NO! AY MERON PALA! SPARKS KASI GUSTO KO NA SIYANG PASABUGIN SA SOBRANG KABALIWAN NIYA!

"Oh.." may iniabot sa akin si Drake na....ano 'to? Buko shake?

"Eh? Bakit may pabuko shake ka? Hahaha! Coconut day ba?"

"Corny mo. Wala lang, madalas kasi natin yan inumin noon.." sabi niya.

"Ha?" Ano daw? Wala naman akong matandaan na ininom namin 'yan simula nung malipat siya dito, I mean pumasok siya dito. May saltik ata 'tong si Drake eh.

"Wala...sabi ko araw mo ngayon"

"Ha? Hindi naman ako coconut para maging araw ko ngayon. Ang sabihin mo araw ng coconut ngayon! May saltik ka ata eh" sabi ko tapos kinuha ko yung shake sa kanya at ininom. Sayang din eh, hohoho.

"Bakit ang corny mo ngayon?"

"Bakit may saltik ka ngayon?" pagbabalik ko naman ng tanong.

"Ang cuuuuuteee mo talagaaaa!" sabi niya habang pinipisil yung cheeks ko. ARRRGHHH! ANG SAKIIIT HUHU. Binitiwan na niya yung pisngi ko tapos kinuha niya yung bag niya. Oh? Saan naman kaya ito pupunta?

"Tara na..." pag-aaya niya sa akin.

"Saan?"

"Kakain tayo"

Ay oo nga pala! Break time na. Nalalaman ko kasing break time na kapag nandyan na si Ethan sa labas ng room pero ngayon wala siya. Nasaan naman kaya 'yon? Tumayo na ako, inayos yung gamit ko at sumama na ako kay Drake.

YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon