A Kaisoo Lovestory

1.7K 21 3
                                    

Prologue

Naglakad-lakad si Kai sa gallery. Tinignan niya ang iba't ibang mga painting. Parang gumagaan ang loob niya habang nakikita niya ito. Sobrang ganda kasi ng mga ito. Tumigil siya malapit sa kinaroroonan ng painting niya.

"Ay. Bawal pong hawakan yung painting na yan." sabi ng isang staff sa babaeng nagtangkang hawakan ang painting na gawa niya. Hinawakan ng staff ang kamay ng babae. Nakita niya lumingon ang babae sa staff at nginitian ito. Sinubukan ulit ng babae na hawakan ang painting.

"Maam, bawal po talaga. Magagalit po ang gumawa ng painting na yan." sabi ulit ng staff.

"Ako ng bahala diyan." sabi niya sa staff at umalis na ito.

"Bakit gusto mo yang hawakan, di mo ba alam na bawal yan." nakangising sabi niya sa babae. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakaharap ito sa painting niya.

Nilingon siya ng babae at nginitian siya. Pakiramdam niya ay napaso ang puso niya sa paraan ng pagngiti nito. Ito yung klase ng ngiti na magpapangiti din sayo, kaya napangiti din siya.

"Pasensiya na, hindi ko kasi alam." sabi ng babae at namula ang pisngi nito.

"Hindi mo ba nakita na bawal hawakan yan?" sabi niya dito. Ang totoo ay pwede niyang paalisin nalang ito at patawarin pero hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang makausap ang babae, at hindi niya rin alam kung bakit natutuwa siya sa pagpula ng mga pisngi nito.

"Hindi eh. Pasensiya na talaga. Gusto ko lang talagang mahawakan." sabi nito na malungkot ang mata.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang mainit na kamay nito. Pakiramdam niya ay nakuryente siya dahil sa pagdidikit ng kamay nila. Dinala niya ang kamay nito sa painting at dahan-dahan na hinawakan ng babae ang painting.

"Pwede mo bang picturan yung painting?" sabi nito sa kanya at ngumiti, napangiti nanaman siya.

"Oo naman." at pinicturan niya ang painting.

"Maganda ba yung painting?" tanong sakanya ng babae. Inilagay niya sa kamay nito ang camera. Nagulat siya sa tanong nito.

"Huh?" ang tanging nasabi niya.

"Kyungsoo, halika na. May pupuntahan pa ako." narinig niyang sabi ng isang lalaki.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Kai." ang tanging nasabi niya sa babae dahil umalis na ito at hindi niya na muling nakita.

-saywolf88-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Kaisoo LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon