Part 1: Flashback

46 3 0
                                    


When I was a kid I worry on nothing in this world. This is me back then, but everything change because of an incident.

(Present)

Pauwi na ako galing sa Mall kasama ang aking mga kaibigan, apat nalang ang hinihintay na pasahero at aalis na kami. May sumakay na babae at namukahan ko agad sya, ang aking pinsan na nagaaral sa Kolehiyo. Nginitian ko sya at ganun din ang responde nya saakin, hindi man kami palaging naguusap pero mabait sya saamin.

Ng tumakbo na ung sasakyan ay nakipagusap nalang ako sa aking mga kaibigan, tinatanung nila kung kilala ko ba ung babaeng huling sumakay kanina at kung bakit ko nginitian kanina.

"Mika, mika ang pangalan nya - pinsan ko." at patuloy parin ang pagtatanong nila sakin.

"May boyfriend naba yan?" sa pagtatanong ng kaibigan ko, saka ko lang naisip kung meron ba syang boyfriend. Hindi naman kasi sya palaging umuuwi dun sa lugar namin. Nagdodorm kasi sya, at nung High school naman sya wala naman akong nakikitang lalaki na kasama nya.

"Ewan, bat ka interesado?"

"Maganda kaya pinsan mo."

Hinayaan ko nalang sila, kung magtatanong man sila sinasagot ko naman. Malapit na ung babaan ko at sa huli ang pinsan ko ung nag para sa sasakyan para saming dalawa.



"San ka galing?" sa tono ng lolo ko galit sya, pero para saakin- normal lang un.

"Sa Mall, bumili lang ako ng bagong cellphone." sorry ha, pero ganito ako makipag usap sa lolo ko, nahihiya kasi akong idagdag ung lolo eh.

"Cellphone? diba may cellphone ka naman? Nasira naba agad un?"

"Hindi naman, ayaw ko lang dun. Hindi ako sanay sa touch screen." yup, hindi talaga ako sanay sa touch screen. To be honest!

"Cge, uwi kana sa bahay. Magusap nalang tayo mamaya."

Yun ang lolo ko, isang Ex-Soldier hindi sya ganoong katanda dahin kaya pa nyang magtrabaho. Sa totoo nga ay takot ako sakanya, palagi nya akong pinapagalitan pero mahal ako nyan.

Pagkadating ko sabahay agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama. Inabot ko naman ung bag ko at kinuha ung cellphone na binili ko. Nagpindot pindot naman ako sa cellphone kong bago ng narinig ko na bumukas ung pinto ng kwarto ko. Nakita ko naman si lola na pumasok-

"San ka galing iha?"

"Sa mall po la, bumili lang ng bagong cellphone."

Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Nami Sai Reyes "Nam" for short. 4th year high school sa isang public school, inaamin kong mayaman kami pero simple lang akong tao. Kilos lalaki ako, ang mga kaibigan ko halos ay mga lesbian. At kung bakit ako nagkaganito ay malalaman nyo rin sa takdang panahon...

...joke lang, sige sasabihin kona. Matagal na kasing nasira ang aming pamilya, wala na ang Mama. Umalis sya nung nasa grade school palang ako at nung bumalik sya nung graduation ko nung elementary ay dun ko lang nalaman na maghihiwalay na pala sila ni Papa. In short--- Rebelde State ang Act.

So un nga kung bakit ako ganito ngayon sa kanila makipag usap. Dito sa bahay namin kaming tallo lang ang nakatira, Si Papa ang kapatid kong bunso at ako. Sina Lolo at Lola? dun sila sa kabilang bahay- dito kasi sa lupa namin dalawa ang nakatirik na bahay pero may guest house din kami para sa mga bisita, sa likod nga lang kaya hindi nakikita. Sa galid ng bahay ay ang malaking garden ni Lolo na sya mismo ang nagga-garden at sa harap ng bahay ay ang main road sa street namin, may malaking gate at mga malalaking bakod naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catching UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon