Chapter 5

23 3 2
                                    

Janella's P.O.V.

"Enriquez,recess na.."

Tsk eto na naman tong si maera. Eh?ano ngayon kung recess na?mukha ba akong canteen?

"Eh ano ngayon kung recess na?"

"Duh?edi kakain na tayo."

"Kumain ka mag isa mo para nmang hindi mo kayang gawin yun. Tska wag mo na nga akong yayain. Eh sa wala akong gana eh"

"Huh? Hindi kaya kita niyaya ang sabi ko lang naman recess na at kakain na tayo. Oh?asan dun ang pagyaya??"

Tss. Sabi ko nga. Hindi siya nangyaya. Gusto ko naman sanang samahan sila pero wala eh. Badtrip na ako lastweek pa. Yun kasing Mr. H na yun eh. Ewan ko ba bigla nalang akong nainis at laging iritable pagkatapos nung nakita ko. Nung nakita ko sila nung babaeng tisay. Di naman nga maganda maputi lang naman. Oh god insecure ba ako sa kanya? Hindi naman siguro. I'm just saying the truth and nothing but the truth. Haaay bat ba kasi affected ako sa kanya? Wala naman kami diba? Ni hindi niya nga ako kilala at hindi ko rin nga alam pati pangalan niya so bakit ako nag iinarte ng ganto? Bakit ba talga? Ano bang nangyayari sakin? Ang weird talaga ng feeling na to.

Natapos ang ilang oras at dalawang subject sa kakaisip ko ng mga sagot sa sandamakmak na mga tanong sa utak ko. Pero alas 5 na wala pa rin akong sagot at wala paring matinong sumasagi sa isip ko. Enebe??

"Oyyy anong plot ng gagawin mong story para sa project natin?" Nagulat naman daw ako sa tanong ni Jazzy. Bat naman ako gagawa ng story? Author lang ang peg?huweeeeeyt. P-project? Ayan n nga bang sinasabi ko. Dapat pala nakikinig ako sa mga discussions. Lutang kasi isip ko kanina. I mean hanggang ngayon. Nagsnap naman bigla si Jazzy.

"Anyare teh? Lutang lang? Sabihin mo lang sakin pag nasa ulap kana maghahanda ako baka bumagsak ka bigla"

"Saang subject yan?"tanong ko. Well yan nlang masasabi ko sa walang kwenta nyang speech..hahahahaha ansama ko ba masyado? Wag ka mag alala may isasama pa yan hahaha joke. Kung anu anong kalokohan na naman naiisip ko.

"Filipino"simpleng sagot ni jazzy na ngagun ay nag aayoS na ng bag niya. Agad ko namang kinuha yung bag ko at nagpaalam na sa kanya.

Pagkababa ko palang 1st floor ay tumakbo na ako papuntang labas ng school tapos narinig kong may biglang tumawag sakin kaya napalingin ako. Paglingon ko si mamie pala..

"Punta ka ng computer shop?"

"Ah oo"maikling sagot ko

"Tara na. Andun na sila maera tayo nalang hinihintay daliiii"--mamie

Tssk..Mahaba haba pa yung lalakarin namin. Hassle talaga. Pano naman kasi may laptop nga sa bahay sira naman tapos wala pang wifi. Napapagastos tuloy ako sa computer shop tuwing may oroject.

Pagkatapos kong maitype yung story sinave ko na agad sa flashdrive. Buti nalang talaga may dala akong flashdrive lagi. Nangangalay na yung kamay ko kakatype. Napatingin naman ako sa relos ko at nakita kong 7:34 na pala. Halos dalawang oras akong ngtype ng story na yun. Pagkahaba haba ba naman kasi ng naisip kong kwento. Katangahan ko rin eh no. -.-

Tumingin naman ako sa monitor at nakita kong may humigit 15 mins. pa ako kaya naman may bigla na naman akong naisip

*lightbulb* *tiiing tiiing*

Agad kong binuksan ang fb account ko at inaccept ko naman lahat ng mga nag friend request sakin. Tapos tumingin tingin naman ako sa news feed ko. Itutuloyko na sana ang pagscroll ko ng biglang....

"Wait diba si ano yun. Si si sino nga yun? Si si si Mr. H mo.."nacurious naman ako bigla sa sinabi ni Maera kaya tinignan ko ulit yung tinuturo niya sa monitor ng computer na ginagamit ko. Tapos tinignan ko yung picture and oh mygod. Siya nga. Tinignan ko naman yung pangalan ng nagpost 'Shyne Mae Salazar'. Mukhang ito yung inaccept ko kanina. Katabi niya si Mr. H dun sa picture. Clinick ko naman yung mga nakatag. Iniisa isa ko. Yung unang naclick ko tatay nya yata kasi mukhang may edad na. Clinick ko naman yung isa pang nakatag tapos nagulat ako nung nakita kong siya nga. Nagsitilian naman yung mga kasama ko kaya napatingin samin yung ibang tao dito sa computer shop. Nahiya tuloy ako kaya sinenyasan ko sila na hinaan yung boses. Tumingin naman ulit ako dun sa monitor.

'Vince Joshua Salazar'

Yan ba yung pangalan niya? Ngayon alam ko na yung pangalan niya. Yung mga inis ko dati napalitan na naman ng kilig at saya. Inistalk ko naman yung account niya at tinignan tignan ko yung mga pictures niya. Bakit kaya ang gwapo ng isang to?!

***

Naglalakad na kami ngayon nina mamie papauwi at hanggang ngayon hindi parin ako mkapaniwala sa nangyari kanina. Jusko po. Yung feeling na alam mo na yung name ni crush. Istastatus ko talaga to mamaya. Grabe. Ano na kayang susunod na mangyayari?? Baka naman kasi--

"Aray mamie naman eh"tsk naninira ng pagmomonologue tong si mamie. Ang ganda na ng iniisip ko eh.

"Eh pano ba nAman kanina ka pa tulala diyan. Mamaya niyan masagasaan ka. Nasa daan pa naman tayo ngayon. Kanina nga dahil diyan sa kabaliwan mong yan,nkatulala ka ng mahigit 15 mins habang naglalakad. Alam mo bang muntik ka nang mahagip nung sasakyan kanina? Jusmiyo naman Janella! Tapos ngayon kung hindi pa kita binatukan,hindi ka pa babalik sa katinuan mo.. Grabe nakakastress ka"--mamie

Sorry naman ano. Nakakastress daw ako?!!. pasensya iniisip ko lang naman si Mr. H este Vince pala. Nakakapanibago talaga ang tawagin siyang Vince. Nakooo. Sana talaga may pag asa pa ako sa kanya. Grabe na talaga itong kabaliwan kong to sa kanya. Haaay naku. Ganyan talaga ako magmahal este magkacrush. Para bang gagawin ko ang lahat para sa kanya. Tapos lagi ko siyang naiisip. Parang nagiging masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya. Nalulungkot ako pag nalulungkot siya. Affected ako sa kanya. Nagseselos ako pag may kasama siyang iba. Bumibilos ang heartbeat ko pag nakikita ko siya o kaya naman kapag ngumingiti siya. Gusto ko lagi ko siyang nakikita. Kinikilig ako sa kanya. Ano pa kaya yung mga nafefeel ko.?!

Pero wait ngayon ko lang kaya naramdaman yung mga yun and weeeeeyt sa pagkakaalala ko yung mga sinabi ko ay.. ay..




SIGNS OF BEING INLOVE..O_o umaygahd langyang kapatid kong yun nadadamay ako sa pagkaadik niya sa mga love love love churva na yan. Siya nagsabi saking ng mga signs signs na kabaliwan na yan eh.

Pero totoo kaya to? Am i really inlove with him??

A BEAUTIFUL GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon