Bago po kayong lahat magbasa, ako ay isang pilipino at ang aking ginagawang storya ay pumapasok lamang saaking isip. Kung mayroon mang iba pang nobela na ganito rin ang mga eksena, pasensiya ngunit wala akong alam doon. Mabuti na ang magkalinawan. Salamat sa inyong oras, ako ay bago lamang dito sa wattpad, at ito ang pangalawang beses kong magsulat dito. Hindi ako ganito magsalita. "trip" ko lang. Pasensiya na rin sa titulo, ang aking istorya ay talagang TAGALOG. Magandang araw po sainyong lahat.
-SkylanCintry_
Prolouge
Nakangiti habang nakatulala ang sampung taong gulang na si Lei. Pakiramdam niya nabuo ang araw niyang kanina lamang napakalungkot ng makita niya ang ultimate crush niya: Si Andrew Jay Santana.
Gwapo ito, higit sa lahat ay mabait. Madali lang niya itong malapitan kung tutuusin dahil mahilig ito sa mga bata. Ngunit hindi puwede.
"Psst. Lei."
Lumingon siya sa kaibigan niyang si Maryzai. "Hm?"
"Baka matunaw na 'yang si Kuya Andrew sa kakatitig mo."
Humagikgik siya. "Masyado ba 'kong obvious na may gusto sakanya?"
"Medyo sobra."Noon lang nag-ring ang bell. Sabay silang naglakad ni Zai sa harap ng building upang pumila nang may mapansin siyang kuminang malapit sa flag pole. Dala ng kuryosidad, nilapitan niya iyon at pinulot. Isa itong singsing. May nakaukit doon na simbulo ng G-clef. Based sa size noon ito ay panlalaki.
"Lei, san ka galing?" Tanong ni Zai. "At ano 'yang hawak mo?"
Mabilis niyang tinago ang singsing sa bulsa. "A-ah. Wala. May nakita akong ballpen."
Kumunot ang noo nito. Mukhang may sasabihin pa sana ito ngunit hindi nalang nagsalita.
I should return this.Asaan na 'yon? Sinabunutan ni Andrew ang sarili.
"Drew ano bang hinahanap mo?" Inis na tanong ng kaibigan niyang si Luke.
Nagkamot siya sa ulo. "Yung singsing ko, pare. Di ko makita."
Halatang nagulat ito. Alam nito kung gaano siya kaingat sa gamit at bihira lang siya makawala. Importante sakanya ang singsing na iyon dahil bigay ito ng kanyang nasirang ina.
"Saan ka ba huling pumunta? Baka may iba nang nakakuha, pare."
Bumuntong-hininga siya. "Sa flagpole."
"Mamaya na natin hanapin. Male-late na tayo. May magbabalik naman siguro 'nun."
Tumango siya at nagsimulang maglakad papunta sa classroom.Kailangan niyang mahanap iyon.