Chapter 23---lies

6.6K 107 4
                                    

Sorry friends...been very busy with work these past weeks...i am really sorry...

hope you like this one...

Lovelots...

—------------------------------------------

Hindi nawala sa isipan ko ang pag uusap namin ni Ellaine noong isang araw. Nalilito ako, hindi ko alam kung dapat bang manatili pa ako sa tabi ng asawa ko pero hindi ako sigurado kung totoo nga ang sinabi ni Ellaine tungkol kay Stephanie na naririto rin sya.

Natatakot akong totoo nga iyon, hindi ko kayang harapin ang katotohanan. Katotohanan na kahit anong paglayo namin, hinding hindi niya kayang iwan si Stephanie.

"What are you thinking, wife?.." naramdaman ko ang pagyakap ng aking asawa sa aking bewang maging ang magagaang halik nito sa leeg ko.

"n..nothing..wala kang work?.." humarap ako sa kanya at ipinulupot ang kamay ko sa leeg nya.

"I took an off, wife...let's have a date..."

"Talaga?!." excited kong saad, gustong gusto ko nang mamasyal kasama siya, finally..

"Bihis ka na asawa ko...baka magbago isip ko magkulong na lang tayo dito sa kwarto at ikaw ang lakbayin ko..." nahampas ko ng bahagya ang braso niya, may pagkamanyak din itong asawa ko eh...

Humiwalay na ako sa yakap niya at dumiretso na ng banyo para maligo at makapagbihis. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Maico sa kwarto, sakto namang tumunog ang phone niya na naiwan nya sa side table.

Kinuha ko iyon para tingnan ang caller, waring nabato  ako sa kinatatayuan nang magflash ang name ni Stephanie. Natanto ko na lang na nasa tenga ko na pala ang phone ni Maico.

(Hey, bhabe.!..i missed you already...dito ka ba ulit mamayang gabi?..)

Hindi ako makasagot, bakit ko ba pinakealaman ang cellphone ni Maico?..

(Babe?...gawa ka na lang ulit ng excuse sa asawa mo...tell her you're having overtime again...i'll wait you okay?..bye..i love y---)

Pinatay ko na ang call nang hindi tinatapos ang sasabihin ni Stephanie. So totoo nga, ang galing nyang magsinungaling. Ang galing niyang paniwalain ako na magsisimula kaming muli, na lalayo na kami sa kanila.

Pilit na ngumiti ako kay Maico nang makalabas ako ng kwarto. Naghahanda na ito ng makakain namin. Ngumiti siya pabalik sa akin at inaya na akong maupo.

Ngayon lang, hahayaan ko muna ang sarili kong maging masaya kasama siya. Siguro after nito, tatapusin ko na rin ang lahat. Sana kayanin ko..

Matapos kumain ay lumabas na kami. Sumakay kami ng boat at nilibot ang kagandahan ng Venice, Italy. Nakasandal ako sa kanya habang nakikinig kami sa pagtotour sa amin ng nagsasagwan ng bangkang sinasakyan namin.

Nang makababa kami ay magkahawak kamay na pumunta kami sa isang cafe.

"Eh pano akala ko ako talaga...wag ka nang tumawa!.." suway ko sa kanya. Kanina pa ito tumawa nang tumawa. Akala ko kasi talaga ako yung kinausap nung babae yun pala eh yung nagtour sa amin kanina..Eh nasa likod ko kasi si kuyang tourguide eh.

"Haha...you're lucky they didn't noticed..."

I rolled my eyes at him. Hindi nga nila napansin pero sya naman kung tawanan ako mas nakakaramdam ako ng embarassment..lucky pa ba yun?..

"Sige tawa pa..hindi ka makakarequest sa akin mamayang gabi..."

Tumaas ang gilid ng labi ko nang bigla itong tumigil sa pagtawa. Ano ka ngayon..

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon