Chapter 5

51 6 2
                                    



CZARINA'S POV

Ako nga pala si Czarina Ferrer, ako yung kapatid ni kuya Tristan. Naalala ko noon nung ipinakilala ni kuya si ate Reina sakin nung una akala ko mabait siya yun pala plastic siya sakin at ubod ng maldita kapag wala si kuya, kapag ako lang ang kasama niya, palagi niya akong tintarayan nung una pinalampas ko muna ang ganong pagtrato niya sakin pero nung nagtagal hindi ko na kinaya.

Sinubukan kong sabihin ky kuya pero ayokong masira ang relasyon nila. Minsan kapag gumagala ako kasama yung mga kaibigan ko ay nakikita ko si ate na may kasamang ibang lalaki at nakikipaglandian.

Isang araw nagpadesisyonan ko na sabihin ky kuya pero nalaman ni ate Reina na may balak akong sabihin pero pinigalan niya ako, binack-mail niya ako. Ang sama niya talaga kahit kailan. Mas gusto ko pa si ate Tasha para ky kuya, matagal ko na ring kilala si ate Tasha kasi siya yung childhood bestfriend ni kuya.

Alam ko rin na gusto ni ate Tasha si kuya dahil matagal ko nang napapasin, yung tuwing tinitingnan niya si kuya, parati siyang naka-ngiti kapag masaya si kuya.

Bagay na bagay silang dalawa, parati ko nga silang tinutukso pero palaging sinasabi ni kuya na bestfriend lang sila. Nakita ko sa mata ni ate Tasha na nadismaya siya sa sinabi ni kuya, alam kong nasasaktan siya. Ate Tasha does'nt deserve all those pains and heartaches nang dahil ky kuya.

Matawagan nga muna si ate Maxine para sabihin na mamayang hapon na lang kami gagala. Bukas ko na lang gagawin ang thesis ko. Bwahahaha. De-nial ko na ang number ni ate.

Calling ate Maxine... *ring ring ring*

Agad niya namang sinagot.

Ate Maxine: "Yow bebe Cza, may kailangan ka ba?"

Cza: "Ate pwede po ba mamayang hapon tayo gagala?"

Ate Maxine: "Anong oras ba?"

Cza: "After lunch ate, ok lang ba?"

Ate Maxine: "Oh sure, cge sa Starbucks na lang tayo magkita"

Cza: "Bye ate, see you later"

Call ended.

Makapagpahinga nga muna, mamayang hapon pa naman yung gala namin. Excited na akong makita ulit si Ate Tasha, mahigit 5 taon na kasi kami di nagkikita. Hays.



MAXINE'S POV

Tumawag kanina si Cza at sinabi na mamayang hapon kami gagala kaya sinabihan ko na si Tasha.

"Tasha tumawag pala kanina si Cza at sinabing mamayang hapon daw tayo magkikita" sabi ko sa kanya.

Aba! Ang lola niyo ay busy sa pagwowork out. Makapag work out nga din. Hihihihi

"Okay cge, san ba daw tayo magkikita?" tanong niya habang nag tre-tredmil.

"Sa Starbucks sabi ko"

Umalis muna ako sa gawi niya at pumunta sa banyo para maligo.

TASHA'S POV

Pagkatapos kong mag-work out ay agad naman akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Gosh! nakakapagod. Pagkatapos kong uminom ay agad naman akong nagluto ng hapunan namin ni Maxine.

Habang nagluluto di ko maiwasang maalala ang bonding moments namin noon ni Tristan, ang pagluluto. Masarap kasi magluto si Tristan kaya minsan tinuturuan niya ako. Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na si Maxine para maka kain na kami.

"Max halika na kakain na tayo" sigaw ko sa kanya.

"Wait lang teh nagbibihis pa ako" aniya.

"Bilisan mo na dyan lalamig na ang niluto ko"

"Andyan na po" at umupo na siya sa tapat ko.

Habang kumain biglang nagsalita si Maxine.

"Wow Tasha ang sarap nitong niluto mo, lutuan mo ako ulit ha?" aniya habang ngumunguya.

Tss kahit kailan matakaw talaga ang babaeng to.

"Oo na tapusin mo na ang kinakain mo at ikaw na maghugas ng pinggan" sabi ko sa kanya.

"Aye aye captain basta lutuan mo ulit ako ha?" saad niya. Matakaw talaga tch.

"Oo na, maliligo muna ako para maka alis na kaagad tayo" sabi ko at naglakad papunta sa aking kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong kinuha ang mga psalubong ko sa maleta para ky Cza, nilagay ko na ito sa paper bag at pumunta na ako sa banyo para maligo.

One Sided Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon