Steve's POV
Around 8:00 PM kami umalis ng bar na pinuntahan namin. Medyo maaga pa kaya naman naghanap naman kami ng mapag-iinumang bar.
Marami kasing tao sa kaninang pinuntahan namin at ang gusto ni Cyrene ay medyo tahimik at hindi masyadong tinatao na bar. Nag-uusap pa sila ng kapatid kong si Claire nang bigla siyang napatigil.
"Oh bakit ka naman napatigil?", hanggang sa nakita kong magkahalikan si Director Park at ang dati naming teacher na si Ma'am Lanting.
Napansin ko ang hindi niya maipaliwanag na mukha dahil sa nakita niya. Hanggang sa tumakbo na lang siya.
Hinabol ko si Cyrene dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kanya. Nakalimutan ko nang naiwan ang kapatid ko na sumusunod din sa amin.
"CYRENE!", sigaw ko pa.
Napansin kong malapit nang mag-red light ang ilaw sa traffic lights kaya naman tumakbo na ako ng mabilis at iniiwas si Cyrene sa isang nagmamadaling sasakyan. Nakayakap ako sa kanya habang nakatalikod siya sa akin.
"Don't go please..", nasabi ko na lang sa kanya.
"Steve..", sabi pa niya at bigla na lang siyang umiyak. Ilang saglit pa ay lumapit si Director Park.
"Cyrene.. Are you ok? Let me explain..", sabi pa niya.
"BACK OFF! HINDI MO BA NAKITA NA MUNTIK NA SIYANG MAPAHAMAK? ANO PANG IPAPALIWANAG MO?", pasigaw ko pang sabi sa kanya.
"Mr. Tuazon.. Wag ka na munang makialam.. Kailangan ko lang siyang makausap..", sabi pa niya.
"ANO PA? ANO PANG SASABIHIN MO? MAGPAPALUSOT KA PA? EH KITANG-KITA NAMAN NAMIN NA NAKIKIPAGLANDIAN KA PA SA LASINGGERANG TEACHER NA 'YUN.."
"Please lang Mr. Tuazon.. Wag ka munang makialam.."
"WAG MAKIALAM? NGAYON MASASABI KO NANG KAILANGAN KO NANG MAKIALAM.. HINDI PA BA SAPAT SA'YO ANG ISANG BABAE? NA KAPAG SAWA KA NA SA ISA EH DUN KA NAMAN SA RESERBA? HINDI KO ALAM PERO MEDYO NAPIPIKON AKO SA'YO.." At dala na rin sa init ng ulo ay sinuntok ko si Director Park.
"Cyrene.. Ako na ang bahalang maghatid sa'yo..", sabi ko pa kay Cyrene.
Hanggang sa sinampal niya ako ng malakas sa pisngi. Hinintay lang niya na mag-green light, tumawid sa kabilang kalsada at sumakay ng jeep. Hindi ko na siya hinabol pa.
❤ ❤ ❤
Cyrene's POV
Sumakay ako ng jeep at napansin ko na ako lang pala ang pasahero ng drayber. Nakikinig sa radyo ang drayber at sumunod na tumugtog ito pagkatapos ng unang kanta.
"Is it hard to believe I'm okay.. After all it's been awhile since you walked away.. I'm way past crying.. Over you finding someone else..
You turned my days into nights.. But now I see the light.. And this maybe the big surprise to you..
But/ 'coz you've made me stronger by breaking my heart.. You ended my life and made a better one start.. You've taught me everything from falling in love.. To letting go of a lie.. Yes you've made me stronger, baby, by saying goodbye.."
Hindi ko maiwasang maiyak, mapangiti ng saglit sa bawat sandaling naalala ko ang mga sandaling kasama ko siya. Pero higit akong nasaktan sa nakita kong eksena kanina.
Hindi ko na siguro kailangan pa ng paliwanag niya. Mas mabuti pang iwasan ko na lamang siya habang nasa trabaho ako.
"Ineng, mukhang ang laki ng pinagdadaanan mo ah..", tanong pa sa akin ng matandang drayber. Hindi ko nagawang masagot ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Lovable Girl [Taglish] (Complete)
RomanceThis is my first work being a writer.. This is not the same as the Korean Drama which have also the same title.. This is my very own story/style of it.. All the characters here are fictional and unintentionally similar to real life. Cttro of the pic...