#Fear 11: AFS First Activity
darkangelreal20, magenta65, EmmanuelDuyunganJr, cooldpink, expect an appearance in this chapter.
✙ Xenzel's POV ✙
"Ihanda niyo na ang inyong mga sarili sa unang activity natin sa AFS." Anunsiyo ni Roselyn sa harap namin habang isinusuot niya ang isang pulang cloak na may tatak na krus sa kaliwang dibdib. "Kami ni Jiminesa ang inatasang magdala sa inyo sa venue kaya kailangan niyong sundin ang kung anumang sasabihin namin hanggang sa makarating na tayo doon." She added.
"Nasa harap niyo ang mga pulang cloaks. Isuot niyo ang mga 'yan ngayundin." Jiminesa commanded. She's beside Roselyn and she already wore her red cloak with a white hood.
Sabay-sabay naman kaming sumunod sa kanyang utos.
"Isusuot ba natin ang mga ito sa tuwing may activity?" Tanong ng isa naming kasamang lalaki. Mukhang naiinitan siya sa isinuot na cloak.
"Hindi." Malamig na sagot ni Roselyn sabay pikit sa harap naming lahat. Nakatingala siya sa kisame at nakahawak sa isang malaking pulang kandila yung magkabilang kamay niya.
Walang ni isang lumikha ng ingay sa'min. Nakatingin lang kami sa kanya.
Naramdaman kong hinawakan ni Celine yung kaliwang braso ko at anlamig ng kamay niya.
May kakaibang lenggwaheng binubulung-bulong si Roselyn at masyado iyong mahina para maintindihan namin. Para siyang nag-oorasyon.
Tumigil siya sa pagbulong at hinihipan niya yung apoy sa kandila kaya namatay iyon.
"Ngayon lang tayo magsusuot ng cloak dahil magkakaroon tayo ng ritwal." Matiim niyang sabi sabay lakad palabas ng AFS Zone.
"It's time. Follow us." –Jiminesa.
Saglit kaming nagkatitigang lahat. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ng mga kasama ko.
"I never wanted to join this organization in the first place." Bulong ko kay Nem at bumuntong-hininga na lang ako.
Pahamak talaga si Zypher!
"Form two lines. One for girls, one for boys." Jiminesa ordered seriously.
"Ang creepy na talaga ah." Bulong ko ulit kay Nem sabay linya.
"Remember to be silent until we are done."
Nagsimula nang maglakad sina Roselyn at Jiminesa na nasa unahan ng dalawang linya. Sumunod na din kami sa kanila.
Medyo mabagal ang lakad namin. Wala ring ni isang nagsasalita sa'min.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...