Photograph• one shot

1.1K 67 31
                                    

"Kuya, kuya, papicture naman o." Pakiusap ng isang babae na kasama ang anak na lalaki kay mingyu.

"Sige po," sabi ni Mingyu saka kinuha ang camera na inabot ng babae.

Pumwesto ang babae at anak sa gusto nilang spot sa park,

Tinignan ni Mingyu ang camera,

Pero imbis na sa mag ina siya mapatingin,

Isang lalaking tulala sa isang upuan ang nakakuha sa atensyon niya.

"1,2,3" nang mai-click ang camera, sabag ring kita ni Mingyu sa pagtulo ng luha ng binata na nakikita niya sa monitor ng camera.

"Ayan kuya. Thank you."  Saka umalis ang mag-ina.

Pero ang lalaking nakaupo e nanduon parin.

Sa sobrang curious ni mingyu e nilapitan niya ito at nag abot ng panyo.

"In case you need it." Sabi niya at nang iangat ng lalaki ang ulo para tignan siya e kusang may ngiting kumurba sa mga labi ni Mingyu. "I'm Mingyu, and you are?" Tanong niya.

Pero hindi sumagot ang lalaki. Bumalik ito sa pagkayuko. Ni hindi tinanggap ang panyong inaabot ng matangkad na binata.

Ganunpaman, hindi nawalan ng pag asa ang binatang pasayin ang lalaki. Gusto niyang masilayan ang mga ngiti nito-- kasi alam niyang iyon ang pinakamagandang angulo na meron ang lalaking hindi sinabi ang pangalan.

Umupo si Mingyu sa tabi nito.

Walang imik.

Hindi alam ang sasabihin.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Mingyu, pero hindi parin siya sinasagot. "O sige, huhulaan ko nalang ha? Anong first letter?" Dagdag niya pero gaya kanina, wala paring imik. "Hmm? Tao ba to?" Natawa si Mingyu sa sarili pero ang lalaki sa tabi niya, nanatiling walang emosyon.

"Bakit ka malungkot?" Muling tanong ni Mingyu. At nabigla siya ng biglang umiling ang lalaki. "Di ka ba nakakapag salita?" Tanong niya pero hindi naman umimik yung lalaki.

"Siguro hindi nga." Sabi niya. "Pero dapat hindi ka malungkot ng dahil dun, ha?" Pagpayo ni Mingyu. "Wag kang malulungkot sa kung anong problema ang kinakaharap mo. Problema lang yan. Magpasalamat ka nalang sa diyos dahil binigyan ka niya ng pagkakataong mabuhay. Kahit gaano karami ang napapasan mong problema, wag na wag kang mawawalan ng pag asa. Always look at the good side of life. Marami kang dapat ipagpasalamat." Sabi ni mingyu.

Maya maya e may dumaang naglalako ng ice cream,

"Kuya pabili naman ho, dalawang tig sampu." Sabi ni mingyu sa nagtitinda.

Nang makuha ang sorbetes, bumalik siya sa pagkakaupo at binigay ang ice cream.

Tahimik lang ang lalaki habang kumakain at panay ang pagnakaw ng tingin kay mingyu na kung ano ano nang kinukwento para lang mapatawa siya.

Lumipas ang ilang oras. Nagulat nalang si Mingyu nang biglang tumayo ang lalaki.

"Aalis ka na?" Tanong niya.

Tumingin sakanya ang lalaki,

"I'm Wonwoo Jeon. And I'm dying. Thank you for making me happy even in my last hours." Sabi nito at unti unting kumurba ang ngiti sa labi.

-

If you reached up to this point, you survived my randomness lololol. Thank you for reading ^^

And if ya'll got time, sooner or later i'll be posting a story about jeongcheol. It was a collaboration with an eonnie of mine so i hope you'll read it. Thank you 😊💕

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PhotographWhere stories live. Discover now