Isang mahaba-mahabang pila ang nadatnan ko sa Balong Malalim High School, ang paaralan kung saan ako magtuturo. Unang taon ko ngayon bilang guro. Isang bagong mundo na kung saan ibang-iba sa mundo ko sa nakalipas na ilang taon. Isang mundo na kung saan ako ang magtuturo at hindi ang tuturuan. Ako ang magtuturong magbasa, magsulat at magbilang.
Isang malaking responsibilidad ang naghihintay sa napasukan kong trabaho. Bakit? Sabi nga ng mga naging propesor ko noong nasa kolehiyo pa ako, " A teacher can make or break a child's future."
Ibig sabihin maaari kong sirain o mas mapaganda ang kinabukasan ng isang bata.
Nakasalalay sa amin ang kinabukasan ng mga musmos na bata. Nakasalalay sa amin ang kinabukasan ng buong Earth.
Para kaming sina Goku at Vegeta. Kinakailangan naming mahanap ang mga dragon ball para maligtas ang sangkatauhan.
De Joke lang.
Mas mahirap pa sa paghahanap ng dragon balls ang trabaho namin. Biruin mo, ilang estudyante na may iba't- ibang ugali ang makakasalamuha mo sa isang araw. Ilang guro ang makakasama mo sa trabaho.At ilang makukulit na mga magulang ang kailangan mong kilalanin at kausapin sa tuwing may meeting. Oh diba?Ang hirap!
Minsan nga isang tao lang ang kausap mo pero sobrang hirap na.Paano pa kaya kung 55 students times 7 sections plus 65 teachers plus 55 parents?estimated palang yan ha.
Oh my G! Help me to do this reponsibility . I know that this is one of my missions here on earth. So help me LORD to do this right.
Habang busy ako sa pakikipagusap kay LORD ay may biglang bumangga sa aking kanang balikat dahilan para matumba ako. Ouch! Nabangga lang yung balikat, tumba agad?OA diba?Pero ganun talaga pag super sexy. Kaunting bangga lang sa balikat, tumba agad.
Tatayo na sana ako upang tignan kung sino ang bumangga sa akin subalit paglingon ko, isang lalaki na sobrang bilis maglakad ang nakita ko.
Naku! si kuya hit and run ang peg. Pwedi naman pong magpasorry. Hello?! Wala pong bayad ang humingi ng tawad.
Porket di ako kagandahan di man lang ako tinulungan tumayo and worse di man lang magawang magpasorry. Gets ko naman kung nagmamadali siya. Pero kuya, nasaktan ako. Tao din ako na may damdamin, may puso na marunong masaktan. (Balikat ang tinamaan, bakit napunta sa puso ang usapan?)
Di naman siguro mauubos ang isang minuto sa salitang SORRY diba? Di naman ako yung tipo ng tao na mapride. SORRY lang, ok na ako.
So, yun na nga ang nangyari. Nasaktan ako ng isang tao pero di man lang nya magawang humigi ng tawad. Ganyan siguro talaga. Wala ng hustisya para sa aming mga babae na di pinagkalooban ng kagandahan at kasexyhan.
Hinayaan ko nalang si kuya hit and run. Wala rin naman akong mapapala kung maghihintay ako sa isang sorry nya.At mukhang malabo namang mangyari na magpasorry siya. Masasayang lang ang oras ko. Mabuti pa ay pumasok nalang ako sa faculty at doon nalang muna mag-ayos ng mga gamit.
Pagdating sa faculty meron ng ilang mga guro ang nag-aayos na rin ng mga gamit.
"Good morning po!Ako po si Maria Olivia Tagaigib" bati ko sa kanila.
"Good morning Ma'am!So ikaw ang bagong Math teacher ng Balong Malalim High School?" sabi ng isang babae na sa tingin ko ay nasa edad na 30.
"Opo.Ako nga po."
"Ako pala si Ma'am Lucia. Tagaigib ba talaga ang apelyido mo?Parang ngayon ko lang yata narinig ang apelyidong yan?
BINABASA MO ANG
Hugot ni Madam MOT
RomanceThis is a story of a NBSB(No Boyfriend Since Birth) teacher named MOT (short for Maria Olivia Tagaigib) and how she found her one true love.