Bakit nga ba?

768 9 0
                                    


Sa dinami-daming tanong na umiikot sa ulo ko katulad ng magiging asawa ko, ang pangalan ng aking anak, ang ozone layer, ang pwedeng mangyari kung titigil sa pagikot ang mundo, kung naging totoo ang zombie apocalypse at kung ano-ano pa.




Pero minsan rin sumigi sa utak ko na... Bakit nageexist ang mga Paasa? Bakit ang mga gwapo ay para lang sa magaganda? Nakakaputek lang 'diba? Ibig sabihin na kagaya kong mga panget ay para rin lang sa mga panget?




So ito na nga..




BAKIT NGA BA NAGGEXIST ANG MGA PAASA?



Nakakatamad sagutin, kumain ka nalang kaya? Mabubusog ka pa.. pero siyempre kailangan nating sagutin ito.


Sa tingin mo bakit?



Siguro dahil nga sa mottong, 'Life is full of challenges'. Pagsubok nga lang ba sila? For me, yes.


May disadvantage at may advantage rin yan eh. Hindi lahat ng nasa buhay mo ay negative, huwag magpakanega, Nigga!



Ano nga ba ang disadvantage natin sa mga Paasa?


1.  Sakit sa ulo, sa hart, sa layp. Haaays.


2. Binabago ka (into good or bad, kaya get ready)


3. Ginagawa kang tanga. Ang sakit 'no?


4. Pinaparami ang pimples mo.


5. Sinasayang ang ilang balde ng luha mo.


5. at siyempre marami pang iba.. Ang hirap naman banggitin lahat.





Ate Exel, ano nga ba ang mga advantage ng isang Paasa sa buhay?


Ikaw kaya magisip 'no? Ikaw ang sinaktan hindi ako! pero jokijoki lang. Paasa? Matututunan mo lang naman pumatay ng tao sa utak mo, yung tipong punagsasasaksak mo yung katawan niya at ihagis sa Bermuda triangle.



Okay, brutal na masyado. Ilagay ko na kaya to sa Mature. Hephep. ano nga ba?



Advantage?


Tinuturuan kang imulat ang mga mata mo sa realidad. "Walang forever!" hampas sayo nito.



Pero ate, kuya! Huwag munang tatalon sa tulay 'ha? Lagot ako sa nanay niyo, sige kayo.



Ang buhay mo ay parang isang libro, may simula, climax at wakas. May kontra-bida, kakampi, at mga plastik na kaibigan. Sigurado akong binabasa mo ang librong ito dahil hindi ka makaalis sa sarili mong pahina dahil palagi kang tumitingin sa mga nakaraan mong kabanata.



Bakit hindi mo kayang umalis? Bakit ka pa nandyan sa pahinang 'yan? Kailan mo balak umalis? 



Hindi man kita kilala pero kailangan mo na talagang mag-move on at umalis sa kinatatayuan mo. Tumayo ka na at simulan nang magsulat ng bagong kabanata, nakakabigot na kasi! Parang pagbabasa lang 'yan dito sa wattpad. Maiinip ka kasi ang tagal magupdate yung author... 



Just think na ikaw 'yong author at iyong lalaking/babaeng para sayo ay baka mainip na.



Magupdate ka na kasi ng buhay mo! Parati ka nang nasa Old version, nakakabanas.

Ang Libro ng Paasa at PinaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon