Kabanata 5

32.8K 908 71
                                    

Matapos ma-setup ang lightings ay agad na pumwesto si Eral para kunin ang tamang anggulo at distansya, ako naman ay nanatili lang na nakatayo habang nakaharap ang likuran sa dagat, nasa tabing dagat kami ngayon at medyo maulap, kalmado lang ang tubig ng dagat at hindi gaanong marami ang tao, "Ice, ngumiti ka naman! Para kang namatayan e!"

"I am smiling." I frowned, "maybe three seconds ago I was." Pagtuloy ko bago pa man siya magsalita ulit, nagbuntong hininga ng malakas si Eral habang si Reina naman ay pawisan na kakabuhat ng dalawang lightings.

"Ice, think of something that makes you happy. I need a genuine smile, hindi yong peke. Walang kabuhay buhay ang itsura mo! Alam mo Ice, hindi naman sa labi nakikita kung totoo ang ngiti mo, sa mata! I want a smile that reaches the eye!" Eral sighed as if she was about to have her breakdown.

"You know what, you are so fucking demanding!"

"You know what, fuck you ka!" Inis na saad ni Eral kaya naman natigil kaming dalawa ni Reina, sinamaan ko siya ng tingin. Halata namang nagulat din siya sa kanyang sinabi, "ugh, nevermind."

I sneered, "Reina, ano sa tingin mo kapag may narinig ka at nakitang babae na nagmumura?"

"Turn off." Mabilis na sagot niya.

Ngumiti ako ng pilit kay Eral, "I thought you wanted to take my heart? Paano mo iyon magagawa kung hanggang ngayon na-turn off na agad ako sa iyo, Flemeral?"

Kinagat niya ang baba ng labi niya, "nakakainis ka! Mas nakaka-turn off ang lalakeng hindi naka-filter ang bunganga! Boys who curse are major turn off too!"

"Too bad, I'm not a boy, I'm a man."

"Ang dami mong alam!" Halatang naaasar nang sagot nito sa akin. "Back to the photoshoot." Saad nito at muling tinutukan ang camera, "unbotton the first three upper buttons of your polo, Ice."

Tumango ako at agad na sinunod ang kanyang utos, matapos iyon ay kinuhan niya muli ako ng litrato, bukod sa paghawak ng lightings ay abala rin si Reina sa pagtingin sa laptop sa tabi niya kung saan napupunta ang mga litratong nakuha.

"Now unbutton every buttons of your polo." Flemeral commanded, tumango naman ako at mabilis na tinanggal ang botones, muli niya akong kinuhan ng litrato habang paiba iba ako ng postura, ngumingisi lang ako o kaya naman seryosong tumitingin sa lens, "please! I need a smile, nakakasawa nang tignan ang ngisi mo o kaya poker face!"

"If you want a genuine smile then make me happy." I frowned.

"Nevermind." She hissed, "ayos na lang, now take your polo off Ice. Take it off." She smiled, agad ko namang hinubad ang suot kong polo at binato papuntang pwesto niya, napanganga si Reina habang nakatingin sa akin. "We need to emphasize your biceps so I need you to flex your muscles secretly."

"Ikaw na ang pinakademanding na photographer na nakilala ko."

"Ikaw na rin ang nag-iisang modelo na hindi marunong ngumiti na nakilala ko." She shot back. "Look, let us be professional here, okay? Right now isa akong photographer at ikaw ang subject ng pictures ko, hindi ko gusto na ang subject ko ay mukhang may lamay."

"Then change the subject. Isa lang naman kasi akong replacement since may sakit ang magiging subject mo sana na si Jasper." Bored kong sagot.

She sighed as she fan herself with her own fingers na tila ba naiinitan na, ilang beses akong pinagpalit at kinuhan ng litrato, paiba ibang pose lang ang ginagawa ko ngunit hindi nag-iiba ang ekspresyon ng mukha ko.

Matapos ang halos tatlong oras ay natapos din, tuloy tuloy ang photoshoot kaya hindi na kami nakakain pa, by the time na tapos na kami ay 2PM na. Hindi ko maiwasang magutom at matuwa at the same time kahit na hindi halata, finally I can get some rest and enjoy the rest of our stay here.

Agad akong tumungo sa cottage at nagpalit ng damit, pagkalabas ko ay agad akong tumungo sa kainan ng resort, um-order na ako ng pagkain at mabilis na kumain, matapos iyon ay tumungo ako sa tabing dagat, now where is Flemeral and Reina?

Agad kong hinubad ang suot kong sando at naglangoy, pinakiramdaman ko ang malamig na tubig hanggang sa unti unting nasasanay ang katawan ko, nang umahon ako sa tubig ay bumungad sa akin mula sa malayo ang dalawa, naka-two piece sila.

Nadikit ang tingin ko kay Flemeral, she was wearing a dark blue two piece, pinagmasdan ko ang kanyang eleganteng paglakad palapit sa akin, her breast bouncing naturally, her long hair waving backwards, she have the curves on the right places.

Umiling ako at mabilis na binaling ang tingin sa kanyang kasama, apparently may ipaglalaban din si Reina sa kanya dahil mas malusog ang dibdib niya, morena siya at singkit, she have a long wavy hair, okay. Maybe Reina is beautiful...

More beautiful than Eral...

But... she's not my type.

Naglakad sila palapit sa akin at ngumiti. "Tapos ka nang maligo?" Tanong ni Eral.

"Obviously."

Sumimangot siya, "wala ka man lang bang puri para sa akin? I mean seriously nagpakahirap pa akong maghanap ng bikini."

"Should I praise you?" I scowled.

"Tch." Agad siyang tumungo sa dagat at nagtampisaw, si Reina naman ay nanatili sa tabi ko.

"Wala kang balak?" I asked.

"Ang ganda ni Ma'am Lenessia." Saad nito, "you're lucky, kung alam mo lang na ikaw ang laging bukam-bibig ni Flemeral." Ngumiti siya at mabilis na sumama kay Flemeral, ako naman ay nanatili lang sa mababaw habang pinapanood ang dalawa na lumangoy.

"Ice! Halika dito!" Masayang sigaw ni Eral, para siyang bata kung umakto.

"No thanks." Sigaw ko pabalik.

"Boo! Partypooper! Killjoy!" Sigaw muli nito. Kumunot ang noo ko at mabilis na lumangoy papuntang gawi nila, "ayan!" Masayang sabi niya nang nasa tabi na niya ako, bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "patagalan tayo sa loob ng tubig!"

"Okay." Ngumisi siya at nagsimula na siyang magbilang hanggang tatlo, matapos iyon ay agad siyang pumailalim sa tubig habang ako ay nanatili lang sa aking gawi, tumawa si Reina habang ako naman ay ngumisi, looks like somebody is playing alone.

Nang umahon siya ay tinignan niya ako ng masama, "maduga!"

I shrugged, tumingala ako at minasdan ang paglubog ng araw, "let's go now, ayokong magabihan tayo sa daan."

Umahon na kaming tatlo, tumungo ako sa cottage ko at agad na naligo nang mabilis, matapos iyon ay nagbihis na ako at saka ko niligpit ang mga gamit ko.

"Ice, let's go." Sigaw ni Eral mula sa labas ng cottage ko. Hindi ako umimik. "Ice Apolonio de Mayor! Yohooo?" Kinatok niya ang pinto.

Binuksan ko ito, "what?"

"Uwi na tayo!"

A Frozen Man's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon