Chapter 10: Doubts
"Papasukin niyo na ako, please!" pakiusap ni Hannah sa dalawang knights na nakastation sa dungeon.
Ngayong umaga lang siya nagkaroon ng panahong bisitahin si Chan Lien, pero hindi naman siya pinapansin ng mga ito. Kahapon niya pa nabalitaang nadakip ang boyfriend niya dahil kasama kuno ito sa mga hinahanap nilang cloaked figures, pero may binisita kasi sila ng mama niya na isang family acquaintance, at hindi niya magawang makaalis dito.
Mukhang wala na siyang choice. Aatakihin niya na sana ang mga knights noong dumating si Tao.
"Thank goodness you're here, Tao. Tulungan mo akong makapasok ng dungeon. Kailangan kong makausap si Chan."
"Bakit hindi ninyo siya pinapapasok? Mas mataas ang rank niya as knight kaysa sa inyo, kaya bilang paggalang man lang sana... pagbigyan niyo na," sermon ni Tao.
Nagbow naman ang dalawang knights at saka siya sinagot ng isa dito. "Mahigpit na bilin po kasing wala munang bibisita ngayon sa nakadetain."
"Pati kamag-anak?" tanong ni Hannah. "Ibig sabihin, hindi pa siya nadadalaw man lang nina Chanyeol?"
"Hindi pa po," magalang na sagot ng isa pang knight.
"Sagot ko na si Hannah. Hayaan niyo na siyang makapasok," sabi pa ni Tao habang inaalis ang gloves sa kamay.
"Pero—"
Tinaas ni Tao ang kamay na gloves-free para patigilin ito. "Sasamahan ko nalang siya sa loob para mapanatag kayo. Ngayon... open that door."
Sumunod naman ang dalawang knights at saka sila pinapasok sa loob ng dungeon.
Tinakbo agad ni Hannah ang konting distansya ng kulungan ni Chan Lien. Nakayuko ito habang nakaupo sa pinakagilid ng kulungan.
"Chan!" tawag niya dito at agad namang inangat ni Chan Lien ang paningin.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha nito nang makita ang kasintahan. "Hannah..."
"What happened, Chan? Bakit kinulong ka nila agad? I know you couldn't do this. You wouldn't... right?" sunud-sunod na tanong ni Hannah habang nakakapit ng mahigpit sa rehas na nasa harap niya.
Umiling lang si Chan Lien bilang pagsagot. Nanatiling nakamasid si Tao sa pag-uusap ng dalawa.
"What's shaking your head supposed to mean? Are you saying you are not a cloaked figure? That it was a mistake? That they just mistook you for someone?"
"They're not mistaken, Hannah," kalmadong sagot nito.
"Come again?" hindi makapaniwalang tanong niya. Para kasing nabingi siya. Para kasing narinig niyang inamin ni Chan Lien na ito ang may kasalanan sa mga nangyayari.
"I'm War, one of the cloaked figures. Please trust me when I say this: what we did... it had to be done."
"Paano ko gagawin yun? Inamin mo lang naman na isa ka sa kanila. Knight ako, Chan... at isa sa magiging duty ko ngayon ang hulihin ang mga kasama mo. Pero ewan ko nalang kung ia-assign pa nila ako sa case na yun. They'll think I knew about your plans."
"Yun rin ang kinakatakot ko, ang madamay ka."
Napabitaw si Hannah sa rehas. "Why did you join them in the first place?"
Imbes na sagutin siya ay iniba nalang nito ang topic. "Just... take care. Pwede ring lumayo ka na rin muna. Magagamit ka nila para paaminin ako, at ayokong masaktan ka dahil dun."
"No. I'll stay. Kung aalis man ako, papatunayan ko lang sa kanila na guilty rin ako kahit hindi naman."
Tuluyan nang lumapit si Chan Lien sa rehas at ginagap ang dalawang kamay niya. "We're stronger than this... we can get through it. I promise you, everything will fall into place at the right time. I love you. You just have to trust me for now, okay?" At hinalikan nito ang mga kamay niyang hawak-hawak parin nito ngayon.
BINABASA MO ANG
Coveted (EfEP #2)
Mystery / ThrillerNew life, new job, new duties. Adjusting to new responsibilities may be easy but the cloaked figure is back and he ensures them that life won't be easy with him added in the picture. Love over friendship and family? Yeah, these things can be messy...