PROLOGUE

104 9 1
                                    

"Ma, sama ako ma..."


"Danielle, babalikan kita. Magbo-blow ka pa ng pink cake diba? Kaya maghintay ka lang sakin...pangako..."


Nakita kong sumakay ng bus si mama. Labis ang luha ko nun. Sa murang edad ay si lola na yong naiwan sakin.


***


"Ma!!!!!!" sigaw ko nang may nakita akong babaeng pumapatungo sa bahay namin. Dala-dala niya ang bag kong may gulong. "Mama!!! a-antagal  m-mo dumating!!!!!!" sabay akap ko sa kanya.


Naramdaman ko rin ang akap niya sakin. "Tahan na, dumating na si mama"


***


Isang araw nang makagising ako nang maaga. Lumabas agad ako ng bahay para hanapin si mama. 


Mama, mama, mama. 


Puro nalang mama. Natural dahil 6 years old pa lang ako nun. Seguro ay maliban sa laruan, si mama lang yong palaging tumatakbo sa isipan ko.


"La, san po si mama?" tanong ko kay lola habang kinukusot pa ang mata. Lola ko siya sa father side ko. Sadly, kamamatay pa lang ni papa nun. Oo, natural na lang para sakin na maisip kong wala na si papa ngayon. Na-immune na ko sa luha. 


Ganyan naman yon diba?Hindi ka pwedeng umiyak nang paulit-ulit sa parehong dahilan. Dahil nakakasawa na yong mga ganong bagay.


Sa halip na sagutin ay tinitigan lang ako ni lola. At parang may sumagi sa isip ko na dapat akong tumingin sa daan. At hindi nga ako nagkamali. Nandon si mama na sasakay na ng tricycle.


Tumakbo agad ako nang nakapaa. At umiyak nang umiyak nang umiyak. "Mamaaa!!! Mama!!! Wag mo ko iwan mama!!! sama ako sayo mama!!!!"


Hindi pa lang ako nakakalapit sa kanya ay nakasakay na siya ng tricycle na agad namang pinaharurot ng drayber.


"Bumalik ka sa bahay, Danielle! Maghintay ka sakin dun! Babalikan kita!" sigaw niya. Muntik nang atakihin daw sa nerbyus nun sa lola kahahabol sakin sa gitna ng daan. Pero sa murang edad na yon, wala akong pakialam. Except makalapit kay mama.


"Mama!!! Sama ako sayo mama!!! Mahal na mahal kita mama!!! mama!!!"


  Bumalik ka sa bahay, Danielle! Maghintay ka sakin dun! Babalikan kita...


 Babalikan kita... Babalikan kita...


Naalala ko pa ang lahat ng yon. At ni-kahit kailan, hindi ko inakalang lahat ng kanyang sinabi...


AY PURO KASINUNGALINGAN LANG PALA.






I Made It This FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon