Chapter 10

6 1 0
                                    

JS PROM






Nag pasukan na uli ng eskwela. Third year na sila. Magkakaklase pa din sila Cecille, Lenny, Liza at Gabby at Sophie.

Nag patuloy pa din ang ang pag papanggap ni Gabby bilang mag boyfriend hindi na kinukulit ni Harry si Sophie pero sabi nila Liza okey lang naman daw kun ituloy nila pag papanggap kasi minsan nahuhuli pa din nila si Harry na nakatitig kay Sophie
Sabi pa ni Lenny.

" Siguro may binabalak na naman yan grupo nila Harry kaya ka tinitignan baka nag iisip naman sila pano ka lolokohin" wika ni lenny.

"Ano ka! Baka kamo nag pupustahan na naman sila kun kelan mag be break itong si Gabby at Sophie" -Liza

"Oo nga noh?" Gumagana pala yan utak mo" - tudyo naman ni cecille.

"Kaya hayaan na natin ituloy pag papanggap Sophie wala naman mawawala" -Gabby

"Okey lang naman, lalo na at nagkakaintindihan naman kami ni Mitch sa set up natin naka suporta pa nga siya." - sang ayon ni sophie.

Kaya nag patuloy ang pag papanggap nila.

Hanggang nag karoon sa school nila ng JS PROM kailangan mag participate ang mga third year at mga fourth year student,semi formal ang attire kaya obliga sila na umattend gaganapin ito sa isang malaking hotel, naayos na lahat ng gagamitin sound system, nakahanda na din ang mga food at drinks lahat ay naka prepare na kaya ang mga junior prom at senior prom na lang iniintay para mag simula na. Ang mga organizer ng Prom ay abala sa kanya kanya mga assign.

Unti unti ng nagdatingan ang mga istudyante. Mga nag gagandahan at nag gwagwapuhan ang mga Fourth year students pero hindi rin mag papatalo ng ganda at kagisigan ang mga Third year students.

Unang dumating si Liza at Lenny kasama nila ang mga boyfriend nila sila Rolly at Aries. Third year din si Rolly at Aries pero sa ibang section ang mga ito. Since first year, boyfriend na ni Liza si Rolly, away bati sila pero nag kakaayos din.
At si Aries kaklase ni Rolly bago matapos ang bakasyon nun 2nd year naging boyfriend na ito ni Lenny at till now sila pa din nag tataka nga ang mag babarkada at ngayon lang may nag tagal na boyfriend si Lenny dati wala pang isang bwan binibreak na nito, pero itong si Aries mag sisix months na sila pa din ni Lenny.
"Its a miracle" sabi ng tatlong magkakaibigan na sabay sabay pang sabi nila nuon.

Dire diretso sa loob ang dalawang pares lilinga linga.

"Wala pa sila Sophie at Cecille?" -tanong ni Lenny.

"Speaking." sabay turo sa pintuan ni Liza.

Kumaway kagad si Lenny para makita sila.

Nakita naman sila ni Cecille at Sophie. Kasama din ni cecille ang boyfriend nitong si Marlon na clasmate din nila. Naging boyfriend nya ito nun mag bakasyon ng second year. Grade 6 palang nanliligaw na si marlon kay cecille pero hindi sinagot ni cecille. Titignan daw muna nya kun tatagal ito at kun matyaga. Kun hindi pa namin binuyo nuon na sagutin wala pa palang balak sagutin. Imagine three years ng nanliligaw hindi sinasagot kahit alam naman nmin na crush na din nya ito since grade 6 diba yun nakalagay sa slum note nya. At nun tanungin namin baket di pa nya sagutin kulang pa daw yun three years mga five years pa daw maniniwala na siyang mahal siya nito.

"sobra ka cecille, ang sama mo ".- liza
"Oo nga, ang tyaga kaya ni marlon, bahala ka pag nag sawa yun hahanap na ng iba yun"- lenny

"Oo ng , bihira na ganun lalake. "- Sophie.
Dahil sa mga sinabi ng kaibigan nya sinagot na din nya, at dahil mahal naman talaga nya si marlon.

Habang papasok na sila cecille at marlon. Kasunod nila sila Sophie at Gabby syempre si Gabby escort ni Sophie na lalong lumitaw ang kakisigan sa suot nitong pang Amerikano halos lahat nga ng babae natutulala nun papasok na ang dalawa lahat nakatingin kay Gabby.
At syempre pati mga lalake napapanganga dahil kay Sophie dahil lumitaw ang hubog ng katawan nya sa dress nya na kulay Red na may pag ka backless sa likod at naka high heels siya kaya mas lalo siyang naging kapansin pansin. May nadaanan pa nga sila na mga grupo ng kababaihan na nag bubulungan.
"Perfect couple" bulong ng isang babae.
"Bagay sila" bulong pa ng isa.
Nakangiti sila habang pumapasok at ng makalapit na kila Liza nag beso beso sila.
Mag sisimula na party hindi pa nakikita ni Sophie si Harry kahit ang mga barkada nito.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon