Let it be
"Nakakapagod na araw."I said to myself habang inaayos ang mga natitirang gamit ni Joshua.
Mabuti nalang nag laba na ako kaninang madaling araw, at ang teddy bear nalang na napalanunan namin ni Jad ang kulang."Bakit naman?", tanong ng boses na nanggagaling sa likod ko.
"Oh? Mama? Saglit nalang po ito at ayos na lahat."
Lumapit si Mama sa tabi ko at umupo sa kama, tinulungan akong ilagay sa bag ang mga gamit ni Joshua.
Matanda na si Mama, 65 na siya. Grabe no? Tapos ako nasa mid-twenties palang. Pahabol kasi ako, akala nila si kuya na ang tanging anak nila hanggang sa biglang ipinagbuntis ko.
Sabi nila Papa, himala daw na nagawa pa ako kasi sabi na daw ng doktor na malabo ng magka-anak si Mama dahil sa kondisyon ng obaryo nito.
Hulog daw ako ng langit, sabi ko naman baka inihulog ng langit.
"Mukhang nag e-enjoy kang kasama yang si Jad ah? Parang nung mga bata pa lang kayo.", ika ni Mama na nakangiti saakin.
Natawa ako.
Hindi dahil parang nag re-reminisce kami ni Mama.
Hindi dahil parang binebenta ni Mama sakin si Jad.Pero dahil sinong magaakala na marami mang taong lumipas, ay magkakatagpo parin kami ni Jad na parang walang nagbago. Close pa rin kami.
Umiiling ako habang natawa, "Oo nga po Ma. May sira pa nga rin ang ulo ng mokong na yun e. Mukha lang matino pero saksakan parin ng kulit."
"Pero lumaking gwapo ang batang iyon ah, parang ikaw lang. Sinong magaakala na gaganda ka ng ganyan? Napakaboyish mo noon."
Biro ni Mama sabay siko saakin.
"Ay grabe Ma. Grabe na yan. Masakit yon ah!"
Nagkatinginan kami sa isa't isa at humagalpak ng tawa.
Ang sarap sa pakiramdam na makatawanan ulit ang Mama ng ganito, ang tagal naming hindi nagkita. Simula ng nagaral ako ng college hanggang sa makabalik ako dito sa Pilipinas.
Hindi ko rin sila nakasama ng libing ni kuya dahil hindi ako makaalis ng Japan noon.
Habang nagtatawanan kami gusto kong yakapin si Mama. Gusto kong magkwento sakanya. Gusto kong..
Gusto kong umiyak sakanya.
Pero..
Di ko magawa.Ayoko ng magbigay ng dahilan para problemahin pa ako nina Mama. Lalo na ngayon sila na ang magbabantay kay Joshua, ayoko namang pati ako isipin pa nila. Maganda na ang mag focus sila kay Josh.
"Nga pala anak..", sinabi ni mama habang hinahaplos ang dibdib niya. Siguro ay napagod kakatawa.
"Lagi mo nalang din akong i-text sa mga paalaala tungkol kay Josh. Tsaka dalasan mo ang pag tawag, sigurado akong mamimiss ka ng batang iyon. Baka isama rin namin siya ng Papa mo sa Canada sa mga Tito mo para magbakasyon.", she continued.
"Opo Ma, huwag kayong magalala hindi ko malilimutan ang mga yan. Pasensya na rin po kayo at kelangang kayo muna magalaga kay Josh, mahirap kasi sa trabaho ko ngayon na di siya matutukan at maalagaan."
"Ayos lang yon anak, tsaka apo namin siya kaya hindi problema iyon. Mavis, inaasikaso ko na rin pala mga papers ni Josh para mag migrate sa Canada. Sagot na daw ng tito mo lahat."
"Mabuti naman tumulong na siya, samantalang noong nanghihingi ako ng tulong para kay kuya kahit kumusta wala akong narinig sakanya."
"Patawarin mo na tito mo anak, nakonsensya na rin yon kaya ganito siya ngayon kay Josh. Ang importante bumabawi."
BINABASA MO ANG
Somewhat how it Ended is where it all Began
JugendliteraturIn life when everything is in to place, people tend to wish that it would last, that it would be forever. In hopes of reaching forever people will do anything especially when it comes to fulfilling a dream and finding true love. And when everything...