CHAPTER 14

43 4 2
                                    

Swim in Pain

My heart jumped.

Literal na jumped. Pakiramdam ko tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko sa pagkakabangga ko. I don't know how to feel nor I don't know what to feel.

It's been four days since the last time I saw him.
Partida sa ospital pa.

Matt..
The name that lingers in my head.

Parehas kaming nagulat sa nangyari, at hanggang ngayon nakatitig pa rin kami sa isa't isa pagkatapos sabay banggitin ang pangalan, ng isa't isa.

I cleared my throat.

"M-Matt, a-anong ginagawa mo d-dito?"

Umayos ako ng pagkakatayo at ipinasok ang buhok ko sa likod ng tenga ko na nakaharang sa mukha ko. Pinilit kong huwag manginig, pilinit kong huwag kabahan, pinilit kong ngumiti. I need to.

Kahit medyo mahirap, I have to swim in pain.
Yan ang pakaintindi ko sa sinabi ni Ben para masimulan kong tanggapin ang lahat. Maka-move on.

Ready na ba ako mag move on?

"Uh.. a-ano kasi galing akong Editing Office. Dinala ko mga shots ko na gagamitin for the promotion poster. I-ikaw? A-anong ginagawa mo dito?", he manged to say while rubbing his chin.

Mukhang malakas ang impact naming dalwa. Haha. Nakakatawa. Naming Dalwa.
Ang totoo ako lang naman malakas ang impact sakanya, malakas ang tama sakanya.

"Ahh. Galing akong.. dito. Err, sa studio."

Swim Mavis. There's a shore on the other side.

"Oo nga pala. Ikaw nga pala ang composer ng mga kanta at music scores na gagamitin sa film, narinig ko kay Nicole.", he said while fixing his sleeves.

"Nicole?", nagtataka kong tanong.

"Ah, magkaibigan kasi kami ni Nicole, yung isa sa mga producer. Ayaw niya ng tinatawag ko siya ng pormal kaya Nicole lang tawag ko sakanya.", sabi niya habang iniayos ang bag sa balikat niya.

Ngayon ko lang napansin kung ano ang suot niya. Naka-long sleeves siya na black, naka skinny jeans at sneakers. Nakaayos ang buhok niya at may dala siyang sling bag na leather, medyo bulky pero ayos lang ang laki.

Ang gwapo parin niya.

"Psssh!"

Napaangat ang tingin ni Matt sakin. Oh shit. Mukhang napalakas ata ang pag sita ko sa sarili ko.

"Ma-masakit ba?", I asked.

"Alin?", tanong niya na tila nagtataka.

"Yan.", sabay turo ko sa baba niya.

"Ahh ito? Ayos lang. Kumikirot lang, pero okay lang naman. Mawawala din ito maya maya."

Hinawakan niya ulit ang baba niya at napakamot sa ulo habang sinsabi ang mga salitang iyon. Ibang iba na ang istura niya kumapara noon, medyo bachelor na siya pomorma ngayon.

"Eh yan?", tanong ni Matt na tila nakatingin sa noo ko.

"Ito?", ika ko habang napahawak sa noo.

"Wala ito. Masakit oo, pero kelangan ko na rin siguro yon pampagising.", I continued.

"H-ha?", Matt looks confused. Naguluhan siguro siya sa sinabi ko.

Magising sayo manhid!

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon