CHAPTER 10

58 5 0
                                    

Third times the charm

"Buti nalang naisipan namin ng Tito mo na ipagpa-bukas ang pag punta sa Baguio, after kasi non d-deresto na kami pa Batanes. Yun pala kaya na-delay magkakaganito itong si Caleb."

..parang kilala ko ang boses na yon.

"Ganon po ba Tita? Nako mabuti nga po nadelay. Hindi po ata niya inaalagaan ang sarili niya, pag sabihan niyo nga po."

Ha? Iba naman ang boses na iyon. Nicole perhaps?

Ang ingay naman nila. Hindi ako makabalik sa pag tulog.

"Haha. Nako iha, napakatigas ng ulo niyan. Alam mo naman ugali niyan sayo lang nakikinig, kaya nga nung umalis ka pahirapan kaming humanap ng sasaway sakanya. Pero kay Lee nakikinig naman siya kahit papaano, ewan ko ba dito kay Caleb."

Caleb..
Caleb?
Isang tao lang tumatawag saakin non..
Holy shit.. MAMA!

Napamulat ako bigla. Muntik na akong bumangon pero hindi kaya ng katawan ko. Feeling ko sobrang pagod ng buong katawan ko.

Matapos kong kumurap ng mga limang beses, ay nagliwanag na ang paningin ko.
Puti ang kisame at nakahiga ako sa parang stretcher pero kama, nasa gitna ako ng silid.

Hospital.

Nasa hospital ako. Huh? Bakit ako nand--

"Caleb! Caleb? Gising na siya."

Napalingon ako sa kanang bahagi ko. Si Mama. Tama, si Mama nga. Nakatayo siya at hinahaplos ang ulo ko.

"Okay ka na ba anak? Nagising ka ba namin? Nako namang bata ka! Bakit hindi mo inaalagaan ang kalusugan mo? Sabi ng doktor over fatigue ka daw, stress at dehydrated. Diba bilin ko naman sayo na sa init ng panahon lagi kang iinom ng tubig? Lagi dapat sapat ang tulog? Isa pa, sabi ko naman sayo kung nas-stress ka na sa trabaho mo mag leave ka muna, mag vacation. Masyado ka kasing tutok diyan hindi mo na nabibigyan ng sapat na atensyon ang sarili mo.", nag aalalang sinabi ni Mama.

Hindi ako nagsalita, ngumiti lang ako sakanya.

Ang sarap sa feeling ng katabi ko si Mama. Matagal tagal na din kaming hindi nagkakakita at naguusap.

Tuwing Pasko at Bagong Taon nalang kasi kami nagkakasama, minsan nga hindi pa.

"Oo nga pala anak, hindi mo man lang sinabi saakin na kasama mo pala si Mavis sa project na ginagawa mo ngayon.", nakangiting sinabi ni Mama.

A-ano? Si Mavis?

Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Hindi ko alam ang bagay na yon. Kasama sa musical film? Kaya ba siya andon?

"Ma.. Teka, a-anong sinabi niyo?", nagtataka ko sinabi.

Nakita ko ang reaksyon ni Mama na parang nagtataka. Siguro napaisip din siya na hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Tita, nako pasensya na po. Hindi pa po ata alam ni Caleb. Kasi kahit po ako kanina ko lang din nalaman."

Kilala ko ang boses na yon.
Hindi siya kay Nicole.
Hindi maari..

Nang laki ang mga mata ko ng may babaeng lumapit saakin mula sa likod ni Mama.

"Hi MC.", sabi ng babae na nahihiyang kumaway saakin.

"Ma.. Mav-is?!", my voice broke. Hindi ko alam pero, parang nawalan ako ng boses habang binigkas ko ang pangalan na iyon.

Hindi ako makapaniwala. Totoo na ba ito? Siya talaga ang nasa harap ko? Ang babaeng kausap ko?

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon