Harry's Pov.
Nag sisimula na kaming mag warm up ng mga kakampi ko sa basketball ng makita ko na palapit na sa loob ng covered cort sila Sophie at mga barkada nya.
Kahit nag sho shoot ako sa ring pasimple pa din akong sumusulyap sa kinaroroonan ni Sophie at barkada nito.
Hindi ko maiwasan tignan siya lalo na ngayon tumatawa ito habang nakikinig sa panay kwentong kaibigan nyang si Liza na ewan ko kun ano nakakatawa sa kinukwento nito at tawa ng tawa si sophie na lalo lumalabas ang mapuputing ngipin nito at ang dalawang dimple nya na kahit mababaw lang pag tumawa siya ay kitang kita. Ang sarap nyang pag masdan habang tumatawa.Pero nun matanaw siya ni Sophie at nun mga barkada nito yun masasayang mukha nito sabay bago ng ekpresyon at sabay sabay siyang inirapan nito.
Nasaktan siya, na kitang kita sa mukha nya na nasaktan siya sa pag irap ni sophie sa kanya, bigla lang napawi nun ipasa ni Leonard yun bola sa kanya.
Pinagpatuloy na lang nya pag eensayo ng basketball.Pero nun makarating na sila Sophie at barkada nito sa bench ng section nila na magiging kalaban nila ngayon championship kitang kita nya ang pag beso ni Gabby kay Sophie ang captain ball ng St. Dominic, ang boyfriend ni Sophie since second year.
Kitang kita ko kung paano nginitian ni sophie ito ng matamis na ngiti. Na lalong kinaiba ng timpla ng mukha ko.
Pag kakita ko nuon umalis muna ako sa loob ng covered cort.
"Hey Harry saan ka pupunta" tanong ni Leonard na kakampi nya sa basketball at babaero nyang barkada.
"Punta lang ako sa canteen bili lang ako energy drink " pagdadahilan ko
Naiiling lang naman si Richard na isa pa din barkada ko na kabaligtaran naman ni Leonard mabait ito sa mga babae gentleman.
Alam ni Richard kun baket ako umalis dahil nakita nya kun saan ako nakatingin.
Si Richard ang napagsasabihan ko ng totoong nararamdaman ko kay sophie, alam nya na hindi ako kasali sa pustahan na panliligaw kay Sophie.
Na naipit na lang ako dahil sa mga kabarkada ko.
Alam nya na hindi ko pinatulan yun pustahan.
Alam ni richard na totoo at balak ko na talagang ligawan si Sophie bago pa man magpustahan ang mga barkada namin si Leonard at darryl na parehong mahilig sa chicks.Naalala ko pa kun paano ko ipinagtapat kay Richard ang plano ko.
" Bro liligawan ko na si Sophie, kaso hindi ko alam paanong ako mag sisimula." amin ko nuon kay Richard minsan pumunta ako ng bahay nila.
"E di bigyan mo ng flowers, o kaya puntahan mo sa kanila." sagot ni richard.
" Natotorpe ako pag kaharap ko siya eh, pero bahala na kailangan lakasan ko loob ko." Harry
"KAya sayo ko pre eh, dito lang ako suportahan kita." Richard.
Nag pasya na akong ligawan nuon si Sophie dahil iba na talaga yun nararamdaman ko sa kanya hindi lang crush. At minsan may nabasa ako isang
Psychology say's :
A Crush only lasts for a maximum of four months if it exceeds you're already inlove.
KAya mas lalo akong naging sure sa sarili ko na hindi lang crush ang nararamdaman ko kay Sophie inlove na ko.
Kun baket ba naman kasi itong si Roberto nabanggit sa mga barkada ko na crush ako ni Sophie nun elementary kaya naisipan nun dalawa na magpustahan.
Pero bago yun araw na iyon nakapagdesisyon na ako at sinabi ko kay Richard na sisimulan ko ng manligaw kay sophie.First year kami nuon at break time namin tambayan na namin kapag ganun break time sa isang bench malapit sa isang puno sa campus.
"Pre crush ka pala ni Sophie ligawan mo na" sabi sakin ni Leonard.
"Oo nga p're pusta ako 1libo mapapasagot mo yun," sabat Naman ni darryl.
"Ako limang libo pusta ko isang linggo lang mapapasagot mo na yun o baka nga isang araw lang sagutin ka na." Dagdag p ni Leonard sabay tawa.
"Puro kayo kalokohan wag nyo nga isali sa pagtritripan nyo si Sophie iba siya." -Sagot ko sa kanila sabay talikod at alis ko.
"Anong nangyari dun? , pikon"- Leonard na nagtaka sa pag walkout ko.
"Sira ka kasi, inlove yun tao puro ka pa kalokohan." Richard.
Nailing na lang si Leonard at napakamot sa ulo si Darryl.
"Sorry naman, wala kaming alam! " -DArryl.
Ewan ko first time kong mainis sa kanila dalawang kaibigan ko sa mga sinabi nila.
Dati kapag may pinagtritripan silang babae nakukuha ko pang makitawa sa kalokohan nila pero ngayon nainis ako sa sinabi nila kaya iniwanan ko nalng sila.
Siguro dahil si sophie na pinagtritripan nila ang babaeng crush ko na elementary palang kami at love ko na ngayon.
"NAging crush ko na siya elementary palang kami."
Bago pa nya ako naging crush mas una ko na siyang naging crush.
Natatandaan ko pa nun unang araw ko sa eskwelahan pinapasukan nila sophie, trasferee ako sa eskwelahan nila dahil nadestino si papa ng Bulacan kaya ako kahit graduating na napilitan ako itransfer ni mama.
Nun una ayaw kong magpalipat kasi nasa first grading na ko ng grade 6, pero wala din ako nagawa nun si papa na nagalit.
At nun unang tapak ko sa bago kong eskwelahan nandun yun kaba dahil wala akong kilala, kaya nun ihatid na ko ng prinsipal sa room kun saan ang section ko, napatigil ako kasi lahat ng mga istudyate sakin nakatingin nun nasa harap na ako ng kwarto at kinakakausap ng prinsipal yun titser, na magiging adviser ko...
Hindi dahil sa mga tingin ng mga istudyante kaya ako napa tigil kundi dahil sa isang batang babae na nakaupo sa may unahan at nag papaikot ng hawak nyang ballpen habang nakatingin din sakin, nag tama ang mata namin nakatitig lang ako sa knya.
Nagulat na lang ako nun tawagin ako nun titser na kausap nun prinsipal at ipakilala ako na new clasmate nila at sinabihan na mag pakilala ako.
Nauutal utal ako habang nagpapakilala sa mga bago kong kaklase.
"M-My name is Harry Villafuerte 12 years old. " Pag papakilala ko. Yun lang nasabi ko kasi nakikita ko na lahat ng mata sakin nakatingin at kitang kita ko ang mata nun babae sa may unahan na nakatingin din sakin. Iyun ang simula na nag ka crush ako kay sophie...