Chapter 9

6 1 0
                                    

Harry's Pov.

Hindi ako makakilos sa sinabi ni sophie. Parang paulit uli kong naririnig ang sinabi nya.

"Hindi na kita mahal Harry, may iba na akong mahal"

"May boyfriend na ko"

Paulit ulit sa isip ko yun salita na yun na labis akong masaktan, lalo nun makita ko ang babaeng pinakakamahal ko na humawak sa kamay ng isang lalake na kanina pa nakatayo sa likuran nya habang kausap ko siya. At ng itaas ito at magsalita uli ang babaeng pinakakamahal ko.

"May boyfriend na ako, kaya kun pede lang tantanan mo na ako" sabay talikod nito.

Para akong kandila na tinulos sa kintatayuan ko hindi ako makakilos at naramdaman ko na lang na may pumatak na luha sa akin pisngi.

Hindi ko namalayan na ang tagal ko na pala sa pwesto na yun kun saan ako iniwan nila sophie kasama ng bf daw nito at mga kaibigan, hindi ako tuminag dahil sa pag kabigla ko sa nalaman ko.

Si sophie may bf na? Diba ako ang mahal nya ? mahal namin ang isat isa.
Natauhan lang ako ng lapitan ako nila Richard, Leonard at darryl.

"Pre anong ginagawa mo dyan anong nangyari?" - Richard

"Si sophie may iba ng boyfriend" malungkot na wika ko.
Tinapik tapik lang ako ng tatlo pero hindi ako maging okey sa tapik na yun.

Hindi ako naniwalang boyfriend ni Sophie si Gabby. O ayaw ko lang paniwalain yun sarili ko para hindi ako masaktan.

Kaya nag pasya ako na kakausapin ko uli si Sophie.

Nang makita ko si sophie isang umaga ng lunes papasok ng building ng campus namin, sadyang inagahan ko talaga ang pasok para abangan siya, sinamahan naman ako ng mga barkada ko. At nag sisi din si Leonard at Darryl sa pag pupustahan ginawa nila hindi naman daw nila alam na may feeling din pala ako kay sophie.. bukod tanging si Richard lang kasi nasabihan ko, willing daw sila kausapin din si Sophie at sabihin na silang dalawa lang may pakana nun at hindi inayunan ni Harry yun pustahan na yon.

Desidido na ako na kausapin uli si Sophie at iconfirm kun boyfriend nga ba nya si Gabby.

Nang makita ko na siya na papasok lumukso ang puso ko, tumayo ako sa pag kakaupo para salubungin siya at kausapin, nang bigla ako napatigil sa pag lakad ko ng makita na may lalakeng umakbay kay Sophie walang iba kundi si Gabby.
Ang sakit parang may sumuntok sa dibdib ko sa naramdaman ko.

Na ang pinakamamahal kong babae ay may iba ng mahal.

Oo ngayon ko napatunayan na hindi na nga nya ako mahal na may iba na siyang mahal dahil pagkita ko sa kanila na akbayan siya ni Gabby at saka niyuko ang ulo nito na parang may binulong kay sophie, kung ano yun ay di ko alam. At pag katapos nakita ko ang ubod tamis na ngiti ni Sophie kay Gabby. Nag kuyom ang kamao ko na Para gusto kong manuntok na hindi ko maintindihan.

Pinag masdan ko lang sila habang naglalakad na naka akbay pa din sa kanya si Gabby at nagtatawanan hanggang sa makapasok sila classroom nila nakatanaw pa din ako, at ng marinig ko ang tiliian ng mga kaklase nyag babae.
Siguro tinukso sila dahil sabay silang dumating na naka akbay pa.
Tumayo ako at mabilis na lumayo sa lugar na yun.

"Pre saan ka pupuntaa may klase pa tayo" tawag ni Richard.

Dirediretso lang ako hindi ko siya pinansin.

Pumasok ako sa isang restaurant umorder ako ng beer kahit maaga pa iyun na inorder ko ang gusto ko lang mag pakalunod sa alak. Hindi ako natiis nila Richard sumunod silang tatlo sakin.

"Boss bawal po kaming magserve ng beer sa menor de edad saka mga studyante po kayo" sabi ng binatilyo waiter.

Dahil alam ko na bawal talaga lumabas ako at nagtungo sa isang tindahan bumuli ako ng 10 boteng beer at nagtungo ako sa likod ng sementeryo na medyo malayo na sa eswelahan namin. Hinubad ko ang suot kong polo at sinampay ko sa balikat ko at binuksan ko na ang dala kong bote ng beer at tinungga yun. Nauubos ko ata ng isang tunggaan ang laman nun isang bote kaya nagbukas uli ako ng isa pa at ininum uli.

"Tama na pre," agaw ni Richard sa boteng hawak nya.
"Pre babaee lang yun" -Leonard

Tinignanan ko ng masama si Leonard nag iwas naman ito ng tingin.
Wala akong gustong gawin nun araw na yun kundi lunurin ang sarili ko sa alak.

Isang linggo akong hindi pumasok. Nung kausapin ako ng P.E titser namin na pag hindi pa daw ako pumasok tatanggalin na daw ako sa pagiging captain ball ko sa team namin. At sabi pa ng adviser ko pag di pa ako pumasok makakaapekto ito sa grade ko. Na hindi dapat mangyari dahil para yun sa mama at papa nya. Kaya nilabanan ko ang nararamdaman ko ako na ang kusang umiiwas pag nakikita at pag makakasalubong kami ni sophie.
Kapag nakikita ko sila ni Gabby na mag kasama sobrang sakit nararamdaman ko.

Hangang sa matapos ang klase at mag bakasyon na. Pero hindi ko pa din makalimutan si Sophie. Pero patuloy ang pag iwas ko sa kanya kahit napaka sakit.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon