CHAPTER 1: NEW CHALLENGE

9 0 0
                                    



Sabi nila ang panliligaw ang dapat pinapatagal.

Ang sabi naman ng iba, ang relasyon ang dapat pinapatagal hindi ang panliligaw.

Para saan?

Bakit?

Para ba mas makilala mo sya bago maging kayo?

Bakit ganun na kahalaga ang patagalin ang relasyon?

Kasi dapat sya na?

Kasi kaya mo sya sinagot kasi sa tingin mo sya na ang taong nakatadhana para sayo?

E pano kung ang tagal nga nanligaw?

Ang tagal ng relasyon?

pero pag dating sa dulo hindi pala kayo ang itinadhana?

Pano kung si tadhana ang gumawa ng paraan para maghiwalay kayo?

Yan ang naisip ko habang nakatingin sa kisame.

At bakit nga ba yan ang iniisip ko e wala naman pala ako naging boyfriend pa ever.

Kahit manliligaw wala . Tssss. Ganun na ba ako kapanget?

Tumayo na ako sa kama ko at humarap sa salamin.

Di naman ako panget ha? Ang cute ko nga e.

Para akong stuff toy sa taba.

By the way, bago ko laitin ang sarili kong kagandahan magpapakilala muna ako senyo. I am Maria Cecilia Uy. Isang sobrang lusog na babae.

Anong pake nyo kung 134 kilos ang timbang ko? Mayaman kasi kami! May pagkain kami! May dalawa akong ref sa kwarto at iba pa ang nasa kusina namin!

Ganun na lang siguro ako kamahal ng parents ko kaya lahat ng gusto ko kainin ay binibigay nila. Kung gusto ko ng chicken joy sa Jollibee, may tatlong bucket ako nun. Lagi ngang times three ang lahat sakin. Kaya siguro pati ang katawan ko times three ng katawan ng iba . Hays. T.T

I fixed myself. Time to go to school.

Sa totoo lang ayoko tumayo at pumasok sa bago kong school.

Yes! You read it right! Nasa bago akong school kung saan wala akong kakilala at kaibigan na makakasama at di ko alam kung anong journey ko sa bago kong school na iyon. Di ko nga alam kung acceptable ang size ko dun e.

In-enroll ako ng parents ko sa St. Therese International School. Dahil sa isang malalim na dahilan. Di naman ako dun nabubullym sa dati kong school, ang St. Augustine Acadamey.

In fact, mahal nila ako kasi malaki ang shares ng lolo ko doon. Lahat ng gusto ko binibigay nila. Pero kahit naman ganun nagaaral pa rin ako ng mabuti . Yan ang isang bagay na di ko pwede madaya dahil sa yaman namin, ang grades ko. Yan kasi ang gusto ni lolo, yan ang challenge nya sakin , ang maging best at number One ako. Kahit close kami ng lolo ko na very very little, hindi naman ako nagpapatalo sa mga challenge nya sakin. Buti na nga lang never pa ako nun chinallenge magdiet e. Sure akong di ko kakayanin! -_-

"Are you ready Cecilia?" tanong ni daddy sakin.

Aalis na kasi kami at ihahatid nya ako papasok.

Mayaman man kami, kahit may personal driver ako, gustong gusto pa din ni daddy na hinahatid nya ako papasok sa school lalo na sa first day ko. He wants to make sure na everything is alright pagdating sa akin.

"Yes, dad"

I kissed mom and said goodbye.

At nagpaalam naman ako kina Manang kuntsing at yaya Fe.

I hugged them both. Family na din kasi ang turing ko sa kanila kaya ganun ko na lang sila yakapin pag naalis ako.

Sumakay na kami ni dad sa kotse.

Tahimik lang kami ni dad habang on the way kami papuntang St. Therese

"Are you okay baby?"

"Yes dad, why?"

"I'm just worried. Malaking pagbabago kasi ito para sayo"

"No dad. Don't worry. I will be fine." Yes! I will be fine? I will try to be fine.

Isang challenge na naman ito ni lolo kasi sakin, ang paglipat sa exclusive and number one school pagdating sa acad all over the Philippines. Sikat ang St. Therese dahil sa mga estudyante na magagaling at matatalino na galing dito. Gusto ni lolo na lumabas ako sa comfort zone ko at para na din matest kung isa nga akong Uy sa talino.

Ilang minuto ang nakaraan, nakikita ko na ang malalaki at kulay gintong gate ng eskwelahan. Talagang isang eskwelahan ito para sa mayayaman. At kung may nakakapagaral dito na mga mahihirap ay may sobrang tataas na ng IQ para maging isang iskolar.

And for the information of everyone, di naman sa pagmamayabang na mayaman kami. Kasama sa challenge ni lolo ang pagiging scholar ko rito.

---FLASHBACK--

I knocked three times.

Mister Jeremy, ang katiwala ni lolo, opened the door.

He smiled politely and bowed his head.

Pumasok ako at umupo sa isang chair sa harap ng table ni lolo.

Andito ako ngayon sa office nya.

Andun si lolo nakaharap sa malaking bintana. Nakatalikod sya sa akin.

"Cecilia buti nakarating ka."

"Yes lolo, ano pong kailangan nyo?" pero sa isip isip ko, sino ba naman ang di pupunta dun on time . Matindi yun magalit e.

"I know that you know na ikaw ang pinakapaborito kong apo dahil sa pagtatanggap ng challenges ko sayo. Lahat naman kinakaya mo kahit na ganyan ang size ng katawan mo"

OUCH HA! Walang pasintabi tong matanda to. Ipinamukha pa nya sakin ang size ko! Lahat naman ng gawin ko puro challenge nya, like ng pagkain ng Zark's tombstone burger sa loob ng 30 seconds. Ang pagsali sa sumo wrestling. Ang pagkain ng limang xl size na pizza at kung ano ano pa na maiimagine nyo. Kahit sa sports pinanglalaban nila ako kaso di talaga ako namamayat kasi sa pagsunod nila sa luho ko, ang kumain ng kumain.

"So what's the new challenge lolo? Mukang medyo di nakakatawa ang challenge ha? "

Kasi ba naman sa office pa kami naguusap tapos privately? Duuuuh!!! Sino bang hindi magtataka diba?

"I want you to go to St. Therese International School."

"then?"

"magenroll ka dun. Be the number one sa buong school na yun"

Nashock ako sa sinabi nya. Parang di makapagregister sa utak ko ang sinasabi nya.

"But lolo, why?" pagtatanong ko. Talagang nagulat ako kaya un na lang siguro ang naisagot ko .

Kilalang Top school yun nationwide dahil sa mga estudyante na ubod na talino doon. Hinding hindi nga matalo ng St. Augustine Academy , school na pinapasukan ko, ang school na yun. Isang malaking karibal ang turing namin dun tapos bigla na lang nila ako papalipatin dun? Like what the hell!

"I want you to be the number One sa buong Pilipinas."

At ayun na nga, inexplain nya sakin na gusto nya ako magnumber one sa buong pilipinas at nakikita nyang dapat makapasok ako sa St. Therese and beat them all. Pero di ko papasok dun as mayaman , papasok ako dun bilang isang scholar. Paghihirapan ko lahat. Di rin pwedeng malaman na isa akong elite. Bale, binago nila ang lahat ng tungkol sa akin pwera sa pagiging Uy.

Napa what-the-heck-are-you-thinking-lolo face ako!

And guess what?

I have no choice! Babawiin nila ang dalawang ref ko sa kwarto and I can't have everything I want! NOOOOOO!!! T.T huhuhu. My FOOOODDDSSS!

--END OF FLASHBACK--


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Busog na PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon