7: Fire Her!

25 3 0
                                    

Guys si Cliff po yun oh 😂😍👆

Nixie's Pov

Ang laki ng bahay nya. May kasama kaya sya dito? Tangina mahihirapan ako sa paglilinis nito -3- Sana naman hindi sya burara.

Nauunang maglakad si Blake habang nasa likod ako (Nagpakilala sya kanina kahit di ko sya tinatanong -_-)

Malayo pa kami, rinig na rinig ko na ang sigawan sa loob. So may mga kasama nga sya? Sana naman di sila rapist diba?

Grabe naman ang mga kasama nya sa bahay. Ang iingay -,- Sigurado akong mga lalaki to base sa boses nila.

Bigla syang huminto kaya muntik na akong bumangga sa likod nya. Buti nakatigil ako agad.

"Mauna ka na sa loob. May kukuhain lang ako sa kotse."

Tumakbo sya pabalik sa kotse. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng makarating ako sa tapat ng pinto, biglang tumahimik sa loob. Ano kayang nangyari at nanahimik sila?

Saktong pagbukas ko ng pinto, nakakita ako ng lumilipad na pizza papunta sa direksyon ko. Bago pa ito tumama sa mukha ko, naharang ko na ito gamit ang kamay ko. Ramdam ko ang lagkit galing sa sauce ng pizza. Ipinahid ko ito sa suot kong gray jogging pants at hinanap kung saan galing yung pizza.

Pag-angat ko ng tingin, tumambad sa akin ang isang magulo at maruming sala. Nagkalat ang mga plastic ng chichirya at mga empty boxes ng pizza. May mga damit na nakasabit kung saan-saan at may brief pa na nakasabit sa 32" inch plasma tv nila!

Dumako ang tingin ko sa mga lalaki sa sala. Yung dalawa ay nasa sofa at may hawak na mga controllers habang yung isa, nakaupo sa coffee table. Lahat sila, topless at pawisan. Nakanganga sila habang nakatingin sa akin.

"Sinong naghagis ng pizza?" Malamig kong tanong sa kanila. Di parin sila sumasagot at nakatingin lang sakin. Wait.. Naaalala ko sila..

"Si nerd!" Sigaw nung pink yung buhok sabay tayo mula sa coffee table. Tama. Isa sya sa mga adik dun sa cafeteria kahapon.

"Nerd? Nixie ang pangalan ko. At hindi ako nerd."

"Kunwari ka pang hindi naaakit samin! Yun pala hinanap mo kami!" Sigaw nya ulit. Di ko na napigilan ang umirap. Ang hangin nya. Akala mo naman gwapo.

"Excuse me, sino ka para hanapin ko? Sayang lang sa oras. At hoy, kahit naman sino hindi maaakit sa inyo, noh. Ang kakapal ng mukha nyong mag-hubad ng shirt. Lalo lang tuloy nakikita yang mga fats nyo."

Biglang namula yung mukha nya at bago pa man sya makasagot, dumating na si Blake.

"Oh. Nakilala nyo na pala ang bago nating maid. Nixie, sila ang kasama ko dito sa bahay. Sya si---"

"Wala akong pake. Pwede magsilayas kayo dyan para masimulan ko na ang paglilinis?"

Lalo silang napanganga.

"KUNG MAKAASTA KA AKALA MO KUNG SINO KA AH?! KANINO BA BAHAY TO?! HA?!" Yung pink parin ang buhok yung nagsalita. Tinakpan ko ang ilong ko na parang nababahuan.

"Magmumog ka muna. Grabe ang layo ko sayo pero amoy na amoy ko hininga mo." Pang-aasar ko. Tumingin ako kay Blake. "Aayusin ko muna ang gamit ko. Saan ang maid's room?"

"Ah hindi ka dun matutulog. Dun ka nalang sa bakanteng kwarto sa taas. Sayang rin kasi. Wala naman kaming bisita. Akyat ka lang sa hagdan na yun. Tapos nasa pinakadulo yung guest room."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat." Umalis na ako dun at hinanap kung saan yung kwarto. Mabait naman pala si Blake. Mukha syang tahimik at seryoso. Baka maging kaibigan ko pa yun. Di kagaya nung mga kaibigan nyang mayayabang! Akala mo naman talaga may maipagmamalaki! Eh yung mga mukha nga nila di papasa sa taste ko eh! Partida, mababa pa ang standards ko. Tss. -____-

Blake's Pov

"She's unbelievable! Ang sama na nga ng hitsura, ang sama pa ng ugali! Wala nang maganda sa pagkatao nya! At ano bang pumasok sa kokote mo at dun mo sya pinatulog?!" Nagwawala si Cliff ngayon habang pinapaliguan ako ng mura. Kesyo bakit ko daw kinuhang maid si Nixie. Di ko na pinansin yung huli nyang sinabi. Wala na namang gumagamit ng kwarto na yun ah? Bakit hindi?

Pakielam ba nila kung si Nixie ang kinuha ko? Hindi ko sila mapagkakatiwalaan sa pagkuha ng maid. Imbes kasi na magaling sa gawaing bahay ang hanapin, sexy at maganda ang hinahanap ng mga mokong na yan -_-

"Fire her! Ayoko sa kanya! Fats daw to?!" Dagdag pa ni Ivan sabay turo sa tyan nya. "6 pack abs to! ABS! Taga-bundok ba sya at hindi nya alam na abs ang tawag dito?!"

Umiling nalang ako. "I cant fire her.."

"What?! At bakit hindi?!" Galit na galit parin si Cliff.

Di na ako sumagot at umakyat na sa kwarto ko. Naririnig ko parin ang pagwawala nila sa baba. Mga baliw -_-

Living With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon