Chapter Three

54 3 0
                                    

Jules. Jules. Jules.

Nasaan ka na ba? Isang linggo na kong naghahanap sa'yo ah? 'Di kaya maling university ang napasukan ko? Pero ayon naman sa research ko ito 'yon at hindi ako pwedeng magkamali. Hays.

Ngayong araw gumising ako ng maaga dahil sa sobrang laki ng university na 'to baka 'di ko agad mahanap si Jules kung tatanghaliin ako. Besides maaga rin talaga ang first subject ko ngayon.

Nahihiya naman akong magtanong kina JV baka kasi mamaya tanungin pa nila ako. 'Di ako ready.

Naisipan kong pumunta sa office ni ninong--ang dean.

Pagpasok ko nandoon siya.

"Oh Kurt? What are you doing here? You need something?"

Sa totoo lang nahihiya pa rin talaga akong harapin si ninong pagkatapos ng nangyari noong nakaraan lang. Baka mamaya kasi may alam talaga siya. Pakshet lang kung ganon.

"A-ah m-may i-itatanong l-lang ho a-ako," utal-utal kong sabi.

Parang bawat salita ko utal ah? Argh.

"Oh what is it?"

"Ah ninong meron po k-kayong l-list ng mga s-student rito?"

"Yes ofcourse bakit?"

"Pwede pong pahiram? May titignan lang po ako."

"Ah okay wait"

Pagsabi niya non, binuksan niya yung cabinet na naglalaman ng mga papers or files ata 'yon. Tapos may kinuha siya roon.

"Here," sabi niya.
"Sinong titignan mo?"

"A-ah y-yung k-kaibigan ko lang po," utal utal ko pa ring sabi.

Argh, ano ba naman 'to? Bakit nauutal ako? Sabi na ayoko sa mga questions na 'yan eh. 'Di talaga ako ready.

"Ah okay"

Convincing naman ang sagot ko.

"Dito rin pala nag-aaral ang kaibigan mo?" Tanong ulit niya.

"Ah opo. Pero hindi ko pa po siya nakikita eh."

"Wala ka pa bang kaibigan rito?"

"Meron na po, yung mga karoom-mates ko po"

"Ah i see"

Pagtapos nun hindi na muli pang nagtanong si ninong. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap sa pangalan ni Jules.

Maya-maya lang nahanap ko na din.

"Yes!" Sabi ko sa sobrang tuwa.

"Oh why ijo? Nahanap mo na?"

"Opo"

Yes nahanap ko na. Ibig sabihin nandito siya (*^﹏^*).

Dali dali akong nag-paalam kay ninong at nagtungo sa room 4.

Ayon kasi sa files kanina, room 4 si Jules at tinignan ko rin ang schedule niya.

Sa ngayon, swimming class nila kaya much better kung pupuntahan ko na lang siya sa pool area.

Dumiretso na kong pool area. Nakita kong nagsisilanguyan na sila.

Nasan kaya d'yan si Jules? Please please sana makita na kita.

Sa paghahanap ko bigla na lang akong may nabunggo. Natamaan yung dibdib ko sheet!

"Sorry bro," sabi ko sa lalaking nabangga ko.

"Tss," tanging sabi niya lang.

Nung inangat ko yung ulo ko, nakita ko si Daniel ba 'to? Yung ka-room-mate ko. Naka-pang swimming attire siya.

This Girl is One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon