Hannah's POV
Good Morning Philippines! Ay sorry malakas ba sigaw ko? Teka lang, para sure idikit natin sa pinto yung tenga natin. In
1
2
3
"HANNAH SANDERS ANG INGAY INGAY MO!!!!" silang apat yan. Ang magagaling kong kapatid.
"Oo na tatahimik na!"
Kaya naligo na ako at tsaka sinout ang uniform ko. On knee level siya, may neck tie at before knee level na black sock.
Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Andoon na ang apat kung magagaling na kapatid.
"Good Morning, Kuya Harvey, Kuya Hanry, Kuya Harry at Kuya Harold!!!" bati ko sakanila.
"Tumahimik ka nga!!!/Bish please/Anong maganda sa Morning?/Kung Dalian mo kaya diyan" Kanya-kanyang comment nila. Sa bahay lang sila nagaganyan, sa school hindi na.
Kumain Lang ako ng kumain pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at sumakay Sa sasakyan ni Kuya Harvey.
****
"Lumabas ka nga dito. Nakakahiya, bawas sa ego ko" Wow, sakit nun ha? I wonder sister parin ba tingin niya sakin. Bumaba nalang ako sa sasakyan niya at lumipat sa sasakyan ni Kuya Hanry.
"Kuya pasakay ha?"
"No way, down way. Pagtatawanan ako ng mga kateam-mates ko, bawas ego ka rin" So ganyan kayo, kinakahiya niyo ako.
Bumaba na naman ako sa sasakyan. Lumipat ako sa sasakyan ni Kuya Harry.
"Kuya pasakay?"
"Baba Hannah. Hindi makakalapit ang mga chics ko dahil sayo. Bawas ego ka" Ano ako wall? Harang sa paglalandian nila.
Bumaba nalang ako at pumunta kay Kuya Harold.
"Kuya pasakay?"
"No. Hannah I need to study for the exams. Nakakabawas ka rin ng ego." So sagabal ako, ganun na ba ako kaingay? Well, now you know. Hindi siya nerd. He is still a badboy kaya lang may care sa grades.
Bumaba ako. I guess maglalakad nalang ako.
****
At Raven Mancharel Academy
Andito na ako sa school. Kami may-ari ng school na to. Dumiretso ako sa classroom ko. Star section ng 2nd year.
"Hi Hannah!"
"Hello Hannah!"
"Welcome to school Hannah!"
Yan ang mga bati nila sa'kin. Kung titignan mo para ko silang bestfriend. But no. With me knowing them, nagpapalakas yan sakin para sa mga Kuya ko.
Pagtingin ko sa labas, kaya pala todo sila bati sila sakin. Dumaan kasi ang mga Kuya ko. Yung isa Cool kung maglakad, si Kuya Hanry dala ang bola sa basketball niya, si Kuya Harry, maraming kiss mark sa mukha, at si Kuya Harold may bitbit na libro.
Grade 12 na pareho si Kuya Harvey at Kuya Hanry, Grade 11 si Kuya Harry at Kuya Harold.
"Okay Good Morning class!"
"Good morning Ms. Stacy"
"Please take your seats"
"Thank you Mam.."
Nagdiscuss lang kami ng discuss hanggang sa nag-activity kami. Then, Boom! Recess na. Dalawang subject kasi yun, English and Science.
Lumabas na kami. Ako pumunta muna ako sa locker ko para ilagay ang Science at English book ko at kinuha ang boring subjects. Math and History. Pag-lock ko nakita ko ang 4B. 4 BEAUTIFULS, pero ang chachaka naman.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISION
RomanceSabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayabang, Mayayaman, Mapang-asar, Womanizer, Playboy at syempre gwapo... Iba't - iba ang ugali nila. Yung...