ANG PANYO MO'Y AKO

32 3 1
                                    

Mabango,malambot,at malinis ang panyong hawak mo. Ito ay isang bagay na hindi mo lubos akalaing mahalaga ngunit di naglaon ay napagtanto mong malaking tulong sa iyo. Sa bawat oras na ika'y nagdadalamhati, ang panyong malambot ang pumupunas sa mainit na luhang dumadaloy sa balat sibuyas mong pisngi ; sa mga oras na pagod ka na at tumutulo ang pawis sa iyong matipunong katawan, ang panyong mabango na hawak mo ang sisipsip nito; sa bawat hapon na naglalakad ka sa maalikabok na kalsada, ang panyong nasa bulsa ang nagpoprotekta upang ang asthma ay hindi umatake sa iyo; matapos mong kumain ng maasim na manggang may maanghang na alamang, ang panyong malinis ang pupunas sa mapulang labi at maruming kamay mo.

Pagkatapos mo akong gamitin,pagsawaan,at dumihan ay basta-basta mo na lang iniiwan kung saan-saan. Sa tuwing hindi mo na ako kailangan, mistula nang basura kung ituring dahil sa iyong kapabayaan. Sa kabila ng kapabayaan mo ay nagpapasalamat parin sa iyo dahil kahit ako'y marumi,basa sa sarili mong pawis,at magaspang na sa kagagamit, ako parin ay iyong pinupulot, nililinis, itinatago at pinapahalagahan kahit hindi mo mahal sapat na sa akin na mahalaga ako sa buhay mo at handang pagsilbihan ka sa abot ng aking makakaya .

Ang Panyo mo'y akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon