Chapter 16

96 7 0
                                    

(Natalia's POV)
Nandito na ako ngayon sa bahay namin kasama ko ngayon sila nanay at tita.



"Anak bakit ka ba kasi hinimatay?"- tanong ni nanay




"Oo nga natalia bakit ka hinimatay?"- tanong rin ni tita




"Sabi po ng doctor stress daw po"- pagsisinungaling ko sa nangyari baka kasi magaalala pa sila sakin ang dami nilang inaasikaso dadagdagan ko pa ng problema




"Ikaw kasi anak eh may hika ka pa naman bawal sayo napapagod at nagpupuyat"- sabi ni nanay




"Pasensya na po nay marami po kasi kaming mga activities"- sabi ko




"Pero hindi ka ba pwedeng mag excuse na bawal sayo yung maraming ginagawa?"- nanay




"Hindi po nay pwede yun"- ako




"Ate ganyan talaga pag college maraming activities na gagawin sa ayaw at sa gusto mo nakasalalay rin yung grades niya diyan at saka running first honor naman yan!"- sabi ni tita sabay ngiti




"Oh siya sige na pero bakit ka nga pala hinatid nung luke at saka naabala pa nakakahiya naman dapat nag jeep ka nalang"- sabi nanay




"Yun nga po nay eh nagpupumilit po na siya nalang raw maghahatid sakin pero wala rin po ako nagawa"- sabi ko




"Di ba yun nanliligaw sayo?"- tanong ni nanay nagulat ako sa sinabi niya at si tita tawa ng tawa na kinikilig




"Nay hindi po kaibigan ko lang po si luke at saka pag aaral po ang nasa isip ko "- sabi ko




"Mabuti naman pero bagay kayo ah gentleman pa kaya boto ako sa kanya dahil hindi ka pababayaan sana kayong dalawa ang magkatuluyan"- sabi ni nanay nagulat ako sa sinabi niya ngayon ko lang siya na nakita na pinapayagan na akong magboyfriend dati kasi may mga nanliligaw sakin pero natakot sila kay nanay at ayaw niya akong ipagboyfriend  pero magkaibigan lang kami ni luke.




"Nay kayo po talaga magkaibigan lang po kami ni luke at saka pinapayagan niyo na po akong magboyfriend?"- tanong ko




"Oo naman kung si luke ang magiging boyfriend mo at saka di mo naman napapabayaan pagaaral mo "- sabi ni nanay




"Oo nga naman natalia at saka bagay naman kayo ni luke "- sabi tita




"Kayo po talaga nay at tita "- sabi ko




"Oh siya magpahinga ka muna sa kwarto tatawagin nalang kita pag nakahanda na yung hapunan natin "- sabi ni nanay




"Sige po nay akyat nako"- sabi ko at umakyat na ako sa kwarto




Nahiga ako sa kama wala ako ngayon magawa medyo nahihilo parin ako, siguro sa stres at sa pagpupuyat. Sana maging okay na ang lahat sana di na ako lagi pinagiinitan nila joni pero bakit ba nila sakin yun ginagawa? Dahil ba kay luke siguro kung matatahimik ang lahat dapat lumayo muna ako kay luke para rin sa katahimikan.



(Nikki's POV)
Hay sa wakas finally!!!! Natapos na rin ang klase at uwian na namin ngayon ang saya talaga yung feeling na natapos na ang klase niyo hahahah. Kaso kamusta na kaya si natalia ? Ok na kaya siya? Si joni kasi eh gumawa pa ng eksena! Di sana to mangyayari kay natalia kung nanahimik na lang siya! Pati tuloy ako naiistress! Bakit kasi di pa niya tanggapin na ayaw na siya ni kuya at siya rin naman ang unang sumira ng relasyon sa kanila ni kuya. Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain.




Best Barkada (BCWMH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon