His Chinito Eyes (One-Shot)

15 0 0
                                    

CRUSH. Ayan yung sa yelo diba? Ay, corny.
Seriously, Crush is paghanga lamang. PAGHANGA.

Pero paano kung yung crush na sinasabi mo, eh lumalim? Lumalim ng mga 9 ft? ganoin! Joke!

"Alex! Tara recess tayo?" pagyayaya ni Kriselle.

"Sige tara. Princess! Mag-rerecess ka?" pagtawag ko kay Princess habang nakatabi siya dun sa Asawa niya daw.

"Ayoko, tinatamad ako eh. Maya nalang second recess." Sabay sandal niya sa Asawa niya daw.

Naglalakad na kami ni Kriselle papunta sa Canteen, nang biglang..

"Alex! Teka, may ibibigay lang ako sa pinsan ko. Magpapabayad lang ako sakanya sa service." sabi ni Kriselle.

"Sige, bilisan mo. Mainit!" pagrereklamo ko.

"Paul! Paul! Bigay mo nga to sa service!" sigaw ni Kriselle dun sa lalaki sa may taas.

Hindi naman siya pinansin nung lalaki at biglang umalis sa may bintana kung saan siya nakapwesto kanina.

"Baliw talaga yung lalaking yun, mamaya na nga lang." sabi pa ni Kriselle sabay naglakad na kami papuntang  canteen.

"Kriselle? Sino yun? Yung lalaki kanina?" tanong ko.

"Si Paul. Pinsan ko. Gwapo noh?" tanong niya sakin.

"Ah. Hahaha! Kriselle, pakilala mo ko! Hahaha! Ang gwapo shet." nababaliw na ata ako. :3

"Sabi na eh, crush mo na? Sige pakilala kita mamaya."

"Crush din ni Aira yun eh. Pero mas boto ako sa'yo para sa pinsan ko." sabi pa ni Kriselle.

Habang nagchichikahan kami ni Kriselle, nakita namin si Paul. Oh my, His Chinito Eyes <3. So gwapo.

"Paul, tara lang may papakilala ako sa'yo."

Lumapit naman si Paul, pero nakita kong nasa likod niya si Aira kasama yung mga kaibigan nya. Echosera naman tong Aira na to, trying hard masyado. Di naman pinapansin ni Paul.

"Paul, Si Alex classmate ko." pagpapakilala ni Kriselle.

Ngumiti lang siya sakin. Tapos ngumiti lang din ako sa kaniya tapos umalis na siya.

ANOOOO! NGUMITI SIYA SAKIN?! R.I.P ELIZABETH ALEXIS DOMINGO! @#$%!!

"Uy Alex! Namumula ka! Hahahaha!" pang aasar ni Kriselle.

"Kriselleee! Ngumiti siya sakin! Huhuhu. I died! Waaaahh! Asdgsjksnska." with matching kapit pa kay Kriselle baka kasi mahimatay ako sa kilig.

Kaso ang epic lang. Dumaan ulit siya, nakita niyang kinikilig ako. KAHIYA! :(

Bumalik na kami sa room. Jusq di ko alam pinag gagawa ko. Kilig na kilig talaga ako eh. Tinamaan ako sakanya :3 Sino ba naman kasing di magkakagusto sakanya? Star Section siya, Matangkad, Gwapo, Mabait, and ofcourse, His Chinito Eyes, na nagpa- inlove sakin sakanya. Charottt! Hahahaha!

Ang laking advantage, bespren ko yung pinsan niya :).

OCTOBER 5, 2015 × Teacher's Day! :)

Walang mga teacher kasi may program for them. Yung adviser namin, sinurprise namin. Binigyan namin siya ng cake tsaka mga cards.

Nakatambay kami ngayon sa Canteen kasama ko si Princess at si Kriselle. Nakita namin siya, sabi ko gusto ko magpapicture. Pero syempre nahihiya rin ako kasi kasama niya mga kaibigan niya eh, baka isipin patay na patay ako sakaniya. Kahit totoo naman. Hahaha!

"Paul! Paul! Picture daw kayo pwede?" tanong ni Kriselle kay Paul.

"Sino ba?" tanong niya tapos nag smile.

"Eto oh, Si alex!" sabay hatak sakin ni Princess.

"Sige." Tapos nag smile ulit siya. Ukinam! Kilig na kilig nako -_____-.

So, ayun nagpapicture ako sakanya. Edi may picture na kami! Ang dami ngang nakatingin eh, nakakahiya! -_-

"Thank you :)" sabi ko sakanya then nagsmile lang siya sakin.

Pagkaalis niya. Bumalik na kami ulit sa room. Dun ako nagtatalon, nagsisisigaw. Nilabas ko lahat ng kilig sa katawan ko na kanina ko pa pinipigilan.

Tawang tawa naman sakin yung mga ever supportive kong mga kaibigan. Tinatawanan lang nila ako.Berigud mga bakla! -_-

Pagkauwi ko sa bahay that day. Hinanap ko agad yung facebook niya, in-add ko siya. Tapos nag save narin ako ng mga picture niya sa cellphone ko. Speaking of, yung picture naming dalawa yung wallpaper ko. Pinaprint ko pa nga yun, at nilagay sa wallet ko. Obsessed lang eh noh?

Kinaumagahan sa room, naki online ako kay Kriselle. May data kasi siya eh ako wala.

Una kong inopen yung mga notifications ko. Kasi nag eexpect ako na inaccept niya na yung friend request ko.

*Paul Ryle Acosta accepted your friend request.*

"Wahhhhh! Mga bakla! Inaccept na niya ako! I kennot!" teary-eyed pa ko niyan.

Naglumpasay pa sa sahig kasi kinikilig talaga ako eh. Niyaya ko si Kriselle sa Cr kasi tanaw siya dun. Naka pwesto kasi siya malapit sa bintana.

Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ako pero nakatingin siya sakin? Ay ilusyon mo lang yan Alex! Magtigil ka.

"Hoy babae? Mag ccr ka ba? Wala ng tao oh! " sabi ni Kriselle.

"Ay oo nga. Umurong ihi ko. Mamaya nalang." alibi ko lang yun syempre.

Recess na namin, nakatambay lang kami sa labas ng room. Wala kaming gana magsi-kain eh. Tanaw na tanaw siya dito oh.

"Bakla, ako lang ba? Oh napapansin niyo din na kapag dadaan tayo tumitingin kay Alex si Paul?"
seryosong tanong ni Princess.

"Hindi lang ikaw bakla, pansin ko rin yun. Kanina nga eh, pag daan natin nakatingin lang kay Alex." sabi naman ni Justine.

"Paasa naman tong mga to eh." sabi ko sakanila.

"Shungek, totoo nga!" sabay batok ni Kriselle.

Napaisip ako, bakit kaya siya nakatingin sakin kapag dumadaan kami? Ayoko mag-assume nakakasakit yun eh.

Days Passed, sinabi sakin ni Kriselle na may girl friend na daw pala si Paul.
Aray ko, ang sakit ha? :(
Simula nung sinabi sakin ni Kriselle yun, sabi ko sa sarili ko ayaw ko na sakanya.  Mag-momove on na ko, kahit di naman naging kami.

Masakit kasi. Yung akala kong Crush lang nung una, naging love na pala.

Hindi siguro mangyayari to, kung hindi dahil sa pag-assume ko. :(

Na-Colombia ako. -_-

Nasaktan just because of his chinito eyes.

END. :)

A/N: Thank you. Alam kong pangit yung story. Hahaha! Pero true to life toh. First story kasi eh. Sorry naaa! .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Chinito Eyes (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon