confuso!

7 0 0
                                    

Jane: Wag ka mag-alala. Gaganti din tayo sa kanila. Sa pagpatay nila kay Mae at pang-aapi sa ibang tao. Tumayo ka na dyan.

Steve: (tumayo na) Pano natin gagawin yun?

Jane: Anong natin? Siya lang.

Steve: Sinong “SIYA”?

Jane: Basta.

(Pinuntahan na ni Jane ang Sinasabi niyang papatay sa De’mons. Siya si Dave Martinez.)

Jane: Dave! May ipapagawa ako sayo.

Dave: Bakit naman ako susunod sayo?

Jane: Baka gusto mong malaman nila na ikaw pumatay sa pinsan ko. Sayang! Sikat pa naman pangalan mo. Madudumihan lang.

Dave: Wag naman! Gagawin ko na kung ano gusto mo.

Jane: Ipapamasacre ko lang naman sayo ang De’mons upang maiganti ko ang kaibigan ko.

Dave: Ano naman ang kabayaran pag nagawa ko yan?

Jane: Ayos na siguro sayo na hindi ko ipagkalat ang mga baho mo.

Dave: Haaaay! Sige sige. Punta ka lang uli sa kin kung kalian ko gagawin ito.

Jane Ayos! Salamat!

(LUNCH TIME. Nasa canteen lahat ng estudyante. Pinag-uusapan pa din ng De’mons ang kanilang celebration. Habang pinag-uusapan nila ito ay narinig ni Jane kung saan sila magsecelebrate at kung anong oras sila pupunta.)

Jane: Steve, Kailangan ko ng umalis. May pupuntahan pa pala ako.

Steve: Huh?! Saan?! Bak - -

(Tumakbo paalis si Jane.)

Steve: (Kausap sarili nya) Saan kaya pupunta yun?

(Nagkita si Jane at Dave. Nagplano na sila)

Jane: Dave, narinig ko usapan ng De’mons. Sa Katar sila mags’swimming 10am Sunday. Sa gabi ka kumilos para maluwag ang bantay. Klaro?

Dave: Okay okay. Madali lang ang gagawin kong pag massacre. Walang kahirap-hirap. Susunugin ko lang ang cottage na tinutulugan nila at BOOM! LET THEM BURN! HAHA.

Jane: Good good! Pero gusto ko malinis na trabaho. Walang ebidensya na makikita. Maliwanag ba tayo d’yan?

Dave: Maliwanag na maliwanag.

Jane: Good!

(Saturday, nagkita-kita na ang De’mons sa Katar at nagkakasiyahan na sila. Sumapit na ang gabi at pagod na sila. Kanya-kanyang ligo ang bawat isa at kanya-kanyang kwentuhan. Umakyat na si Dave sa bakod ng resort dala ang kanyang mga kailangan. Naghihintay si Dave na tumahimik ang gabi bago sya kumilos. Lumipas ang isang oras at tahimik na ang paligid. Tulog na ang De’mons. Kumilos agad sya.)

( Binuhusan nya ng gas ang paligid ng cottage na tinutulugan nila. Maingat itong nagtrabaho upang walang magising. Pinasok nya din ang loob ng cottage upang maglagay ng gas. Hindi nya alam na hindi pa pala natutulog si Mika dahil nasa labas pa sila ni Mike. Sinindihan na ni Dave ang gas at mabilis na kumalat ang apoy. Dali-daling tumakbo si Dave upang tumakas.)

(Pumasok si Mike at Mika sa Resort)

Mika: Sunoooog!!

(Kumuha agad ng timba si Mika, kumuha ng tubig sa pool at binuhasan ang nagliliyab na cottage. Ngunit wala itong nagawa.)

Mike: Tara na Mika! Umalis na tayo dito. Masyado ng malaki ang apoy. Mahirap na ito apulahin.

Mika: E pano sila Dani? Iiwan na natin sila? Paano yung pinsan kong si Mira?

Mike: Ganun na nga. Wala na tayong magagawa. Tara na! Umalis na tayo! ‘Di na natin sila maliligtas masyado ng malaki ang sunog. (Pinipilit si Mika)

(May sumabog galing sa cottage) *BOOM*

Mika: (Titili) Wait lang!! Si Mira!

(Tumakbo na palabas ang dalawa at patuloy pa din ang pagliyab ng resort)

*Kinabukasan (Ibinalita ang nangyari sa resort at nakita ito ni Jane at Steve)

Jane: HAHAHAHA!! It was a very great plan. Napakagaling!!

Steve: Huh?!

Jane: Ah wala.

Steve: Ang saklap naman ng nangyari sakanila. Pero siguro ok na yun kesa naman may inaapi sila.

Jane:  Tara na! Malelate pa tayo sa 1st subject natin!

(Nagmadali silang maglakad)

After  4 weeks*

Sa kwarto ni Steve*

Steve: Sa wakas nagtagumpay ako sa plano ko. Ang mapatay si Mae at ang ibang myembro ng De’mons.

(may picture nila Mae at ng ilang myembro sa dingding ng kwarto ni Steve at may ekis itong kulay pula.) Success ang trabaho mo aking mahal na KAPATID! BWAHAHAHA!

Dave: Ako pa! HAHAHA!

Steve: Humanda ka na sa bago nating target.

Dave: Bro, sino?

Steve: Sila Jane, Mika at Mike.

Dave: GAME!!

Steve: let the game BEGIN!!! BWAHAHAHA!!

END!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CONFUSO! (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon