I'm Inlove with a Sh*t

8 3 2
                                    

Yuna's POV


Nakaka excite dahil mag o-one year na kami ni Joshua sa January 18. At sakto pa dahil birthday ko yun.





Balak ko sanang mag celebrate sa Cavite para sa birthday ko at para na rin sa First Anniversary namin ni Joshua.





Tinanong ko siya kung gusto ba niyang mag celebrate sa Cavite dahil kung ako naman ang tatanungin gustong gusto ko talaga.





Pero ang sabi niya ayaw niya daw dahil may gagawin siyang importante. Tinanong ko kung ano yun. Ang sabi niya basta daw at malalaman ko yun sa birthday ko.






Naeexcite ako. Ano naman kaya yun? Hindi tuloy mapigilan ng puso ko na kumabog ng mabilis.




Kaya napagdesisyonan kong sa bahay na lang namin icecelebrate yung birthday ko at anniversary namin.





Pero hindi ko muna sinabi sakanya na sa bahay na lang namin kami magcecelebrate. Gusto ko kasi sanang isurprise siya.





Sinabi ko kay Mama at Papa na sa bahay na lang kami magcecelebrate. Pumayag naman sila sa akin. Legal naman kami sa mga magulang ko at magulang ni Joshua.




Kaya pumunta ako ng mall. Bumili ako ng mga pang decoration. At wala akong pakialam kung marami akong magagastos na pera, dahil alam ko sa simula pa lang hindi yun masasayang.





Bumili ako ng dalawang cakes para sa birthday ko at sa anniversary namin. Sigurado akong matutuwa siya pag nalaman niya ito.





Bumili na rin ako ng mga regalo. Lahat ng mga gusto niya binili ko. Naaalala ko kasi yun nung huli kaming mag mall na magkasama.





Pagkatapos ko bumili ay dumiretso na ako sa bahay. Alas kwatro y media na ng hapon. Pero ayos lang yun. Dahil marami pa namang oras.







Naglagay na ako ng mga decoration sa kwarto ko. Nagsabit ako sa kisame at sa dingding ng kwarto ng pictures naming dalawa.






Hindi ko namalayang gabi na pala. Alas Jis y media na ng gabi. Niyaya ako nila Mama at Papa na kumain. Ang sabi ko mamaya na lang dahil tatapusin ko pa ito. Gusto ko kasing maging perfect sa paningin niya itong mga designs.






Pumayag naman sila Mama at Papa. Pero ang sabi sakin ni Mama."Anak sigurado ka bang hindi masasayang yang mga pinaghirapan mo?"




Ang sabi ko naman. "Oo naman Mama. Alam kong hindi masasayang itong pinaghirapan ko."




Ngiti lang ang sagot sakin ni Mama. Ano ba naman yan si Mama. Kung ano ano na ang iniisip. Hinayaan ko na lang muna yung tanong ni Mama at nagpatuloy na sa pag dedecorate.




Inaantok na ako pero hindi ako nagpatinag. Nagpatuloy lang ako sa pagdedesign sa buong kwarto ko hanggang umabot na ng mga alas kwatro y media ng umaga.




Antok na antok na ako noon. Nadatnan pa nga ako nila Mama at Papa e. Kaya tinulungan na nila akong dalawa na mag ayos.




Ala sais na ng umaga nung matapos na kaming magdecorate ng buo kong kwarto.Sinabihan ako ni Mama na matulog na muna ako dahil kagabi pa ako walang tulog at walang pahinga.




Ang sabi ko naman hindi puwede dahil ngayong araw na to yung anniversary naming dalawa at birthday ko pa.




Naligo ako pagkatapos nagbihis na rin. Inayos ko ng mabuti yung sarili ko. Nagpaganda ako. Sinigurado kong magagandahan sa akin ngayon si Joshua.




[One Shot] I'm Inlove With A Sh*tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon