Chapter 1
Jaycee's POV
Sabi ni mama pupunta daw kami sa park ngayon. Tapos bukas, sa mall na naman.
"Anak bilisan mo na diyan! Malapit nang mag 2:30 oh?"
Ganyan talaga si mama. Perfectionist kasi eh. Ang pinakaayaw niyan, eh 'yung malate ka.
May schedule siya sa bawat galaw niya. Parang sa America lang. Kasi para sa kanya, time is gold.
"Nandiyan na po ma!"
Bumaba na ako sa hagdanan ng mabilis. Ayokong magalit si mama ngayon kasi minsan lang namin ginagawa 'to. Mag 'mother and son bonding'.
Namatay kasi si papa dahil sa isang plane crash. Uuwi na sana siya nun galing Australia. Business trip daw sabi niya.
Sobrang wild ni Mama nun. Kakasuhan sana ang pilot pero ang weather nga lang ang may kasalanan.
Para hindi maalala ni mommy 'yung aksidente, naghanap siya ng iba't ibang trabaho para daw madistract siya. Effective nga kaso nawawalan na siya ng oras para sa'kin.
So anyway, habang bumaba, bigla akong natapilok nahulog.
"ARAY!"
Buti nalang carpet ang sahig namin tsaka five steps nalang 'yun. Pero nagkasugat parin ako sa siko.
"Ikaw talagang bata ka! Hindi ka talaga marunong mag-ingat! YAYA! KUNIN MO NGA YUNG FIRST AID KIT!"
"YES MA'AM!"
Dali-daling umalis si yaya para maghanap ng first aid kit.
BINABASA MO ANG
Isa akong TORPE
Teen FictionSana sabihin niyo kaagad ang feelings niyo para indi na kayo huli. Anyways, si Jaycee, ang lalaking torpe na sobrang inlove sa kanyang bestfriend. Kaso hindi niya masabi kasi baka daw masira 'yung friendship nila. May mga shocking events na nangyari...