Theme: Fanfiction ng paborito anime/pelikula (TuTriSiksPorGam)

427 14 28
                                    

His Piece of Heaven

[The Lovely Bones Fan Fiction] 

---

Film Brief Summary:

Sa edad na labing tatlong taon ay pinatay si Susie Salmon ng kapitbahay n’yang si Mr. Harvey. S’ya ay napunta sa isang lugar na hindi pa langit pero hindi rin parte ng mundong ibabaw, kung saan nagagawa n’yang panoorin ang mga nangyayari sa kanyang pamilya. Ang kanyang pagkamatay ang naging pinakamalaking trahedya sa pamilya n’ya, samantalang ang pumatay sa kanya at ang pagkawala ng kanyang bangkay ay nanatiling misteryo sa kanyang pamilya. Hindi kinaya ng kanyang ina ang sakit kung kaya umalis ito at naiwan naman ang ama n’ya na nahumaling sa paghahanap ng salarin. Nakita rin ni Susie kung paano pinaghandaan ni Mr. Harvey ang susunod n’yang biktima – ang kanyang kapatid na si Lindsey. Ngunit, bago pa man masakatuparan ‘yon ni Mr. Harvey ay nalaman na ng ama ni Susie na s’ya ang pumatay sa anak nito. Sinabi n’ya sa mga pulis ang nalaman at pilit na ipinakulong ito, pero hindi n’ya nagawa dahil sa kakulangan ng ebidensya. Dahil doon ay pinasok ni Lindsey ang bahay ni Mr. Harvey at nakakuha s’ya ng sapat na ebidensya. Bago pa man mahuli si Mr. Harvey ay nagawa na nitong makatakas. Nakita rin ni Susie ang iba pang mga naging biktima ni Mr. Harvey at unti-unti ay nagawa na n’yang tangapin na patay na s’ya at hindi na n’ya makakapiling pa ang pamilya n’ya. Sa huli, nalaman ni Susie na maari s’yang makapaghiganti mula sa kinaroroonan n’ya. Gamit ang isang yelong tumigas sa sanga ng puno ay inuhulog n’ya ‘yon kay Mr. Harvey, dahilan ng pagkabigla nito at pagkahulog sa bangin.

Characters:

Susie Salmon

Mr. George Harvey

Setting:

Langit

Plot:

                Nang mamatay ako, hindi ko na naisip kung saan ba ‘ko mapupunta; sa langit o sa lupa? Kunsabagay, kahit sino namang nasa kalagayan ko ay hindi na iisipin ‘yon. Sino nga ba ang mag-iisip kung mapupunta ka sa langit habang pinapatay ka?

                Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa kagustuhan kong makatakas sa karahasang nangyayari sa ‘kin, hindi ko namalayan na buhay ko na pala ang naging kapalit.

                Pauwi na ako no’n nang makasalubong ko s’ya sa may maisan. Ang sabi n’ya may ipapakita lang s’yang isang lugar na t’yak na ikatutuwa ng lahat ng kabataan sa lugar namin. Ayoko sana, inaasahan ng nanay kong uuwi ako bago dumilim. Madilim na nang mga oras na ‘yon, kaya paniguradong nag-aalala na sila sa ‘kin.

                “Saglit lang ‘to, ‘wag kang mag-alala. Gusto ko lang malaman ang magiging opinyon mo.” Tila nagmamakaawa ang kanyang tinig at tingin. Wala pa din akong sagot, nang tumalikod na s’ya. “Sige, umuwi ka na. Malamang na nag-aalala na sa’yo ang mga magulang mo sa iba ko na lang ipapakita ang ginawa ko.” Masyadong malungkot ang kanyang boses. Naalala ko na wala nga pala s’yang pamilya, baka naghahanap ng s’ya ng taong makaka-appreciate sa ginawa n’ya.

                Napagpasyahan kong tingnan muna ang sinasabi n’ya. Saglit lang, hindi naman siguro ako pagagalitan ng aking ina. Huminto s’ya di kalayuan sa kinatatayuan ko, saka tumingin sa ‘kin na tila sinasabing, nakikita mo ba?

                “Wala akong makita, Mr. Harvey.”

                “Maging mas mapagmatyag ka pa, Susie.” Matapos nitong sabihin ‘yon ay inapakan n’ya ang kinatutuntungan. Nagtaka ako dahil tunog ng kahoy ang narinig ko, sa halip na lupa. Tiningnan ko ang inaapakan n’ya at namangha nang mapagtantong isang kwarto sa ilalim ng lupa ang kanyang ginawa.

Team WarLordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon