"What are we fighting for?
Seems like we do it just for fun
In this stupid world
We play hard with our plastic guns"
Walang hiya talaga sya. SOBRANG NAKAKAINIS NA TALAGA! Alam nyang may girlfriend na sya pero ano? Anlakas pa rin ng loob nya na makipaglandian sa tinatawag nyang mga 'fans' nya. The fxck? Ako nalang ba talaga lagi ang iintindi sa relasyon namin? Ako nalang ba lagi dapat yung nag-aadjust para sa kanya? Grabe ha! Ako yung babae dito kaya nga dapat ako yung mas iniintindi nya eh!
"Miss, may I now have your order?" Pagtatanong sa akin ng waiter dito sa pangatlong pagkakataon. Ayoko sana umorder. Ang mahal sa restaurant na toh eh. Andito lang naman ako kasi inaabangan kong lumabas si Ryle sa bar kung saan sya naggigig ngayon. Hindi para sunduin sya, kundi hulihin kung sino ba sa tinatawag nyang mga 'fans' yung kalaguyo nya.
"Ahm, I'm sorry but I am not yet hungry. Sorry." Pagpapacute ko sa waiter na to. Eh halata naman na kasing iritang irita na to kasi kanina pa ata sya pinababalik dito ng kung sino mang boss nya sa loob eh. Pasensya na talaga kuya.
"I'm sorry miss, but if you're not really hungry you may now step out of the restaurant door. I believe that this place is not for you." Taray naman ni kuya. Wa epek? Mamaya na! May misyon pa ako eh!
"Okay! Okay! I want to have any of your sandwiches. Kung anong pwede mong maisuggest na masarap." Mukhang mapapasabak yung wallet ko ahh. Nagtitipid nga ako eh! May paglalaanan pa ako ng pera ko eh!
"Okay, I'll recommend, bacon and cheese sandwich, actually it's my personal choice. Okay lang po ba iyon sa inyo miss?"
"Oo na! Okay na yun! And iced tea for drinks okay."
"Yun lang po mam? May iba ka pa po bang gusto?"
"Aba't walang hiya ka para pagdudahan ako ah! Sya lang yung gusto ko mula noon hanggang ngayon at wala na akong ibang gusto! Kaya wala syang karapatang maghanap ng ibang babae kasi ako, wala akong ibang ginusto kundi sya lang. Sya lang at wala ng iba pa! Arrrgghh--" Uh-oh, mejo navolume ko ata yung boses ko at nakuha ko agad yung attention ng lahat sa restaurant na ito. Lupa! Kainin mo na ako please!
"...Oh I'm sorry, nadala lang po. Sorry po... Ugh, sige ituloy nyo lang yung pagkain nyo. Medyo... Ahh... Haha! Sira ulo lang ako, wag nyo na po akong pansinin. Kuya sorry, nasigawan kita. Go, ituloy nyo lang po pagkain nyo! Nadala ako sa... sa sarap ng pagkain dito! Nice job everyone!" Jusme, nakakahiya to. Mukha akong tanga dito.
"It's okay mam. I understand. I'll get your order na po."
After a few minutes, bumalik na yung waiter kasama yung order ko. Nakaramdam ulit ako ng hiya sa kanya.
"Kuya, sorry talaga kanina ah, di ko napigilan yung bibig ko eh. Minsan talaga tuloy tuloy tong bunganga ko eh. Pasensya na talaga."
"Okay lang miss. Pero, do you have trouble regarding to your guy? Ugh, base lang sa mga nasabi mo kanina."
"Ahh oo eh. Sorry sa iyo ko pa naibunton."
"Uhm, if you want, pwede akong makinig, since kokonti nalang naman na ang costumers at kayo nalang ang last. Can I have the other seat?"
"Sure okay lang, siguro kailangan ko nga ata talaga ng makakausap ngayon. Salamat ah, well, sayo nalang tong sandwich, di naman talaga ako gutom, napilitan lang ako mag-order haha. I'll just take this iced tea."
BINABASA MO ANG
Stories to Sing (One-Shot Compilation)
Historia CortaWhat's your favorite song? Oh, is that it? I know it has to do with your own life story, let me sing it for you.