Chapter 14 (He....changed?)

141 6 0
                                    

  Rain's POV

"Rain? Okay ka lang?" tanong ni Harry sa akin habang naglalakad kami papuntang clinic.

"Oo naman!" sabi ko tapos nginitian ko siya.

Si Harry ang kasama ko ngayong pumunta ng clinic at hindi si Ethan. Pagkatapos ng pagkikita nila ni Nathalia, nagpaalam siya sa akin na hindi na muna niya ako masasamahan kaya si Harry ang inutusan niya. Para di naman ako mukhang maarte, pumayag na ako. Kakaayos lang namin ni Ethan, naiinis na naman ako sa kanya.

"Harry.."


"Oh?"


"Magkaano-ano si Nathalia at Ethan?" tanong ko.


"Childhood friends sila"


"Yun lang?" tanong ko pa.


"Ah..ano.."


"Ano?!"


"Girlfriend. Aka--"


"Girlfriend?!"


"I mean akala namin girlfriend niya si Nathalia. Before kasi namin malaman na kayo na, sobrang malapit kasi talaga sila. Kaya akala namin yun nga, tas nagulat kami kayo pala. Ang gulo!" nalilitong sagot ni Harry sa akin.


"So..matagal ng nag-aaral dito si Nathalia? Bakit hindi ko alam?" tanong ko.


"Ewan ko! Sikat kaya si Nathalia sa buong university. 2 weeks before namin nalaman na kayo ni Ethan, nagfile ng absence si Nathalia"


"Math major din siya?"


"Yep!" sagot ni Harry.


Hindi ko alam kung anong mafefeel ko. Hindi kaya naiinis na ngayon si Ethan sa akin? Kasi nandito na ulit si Nathalia..tapos ang alam ng buong school boyfriend ko siya...so hindi na pwede maging sila.

Pero sabi naman niya kanina masaya siya!
Kaso lang sinabi niya yun...wala pang Nathalia sa eksena.

Kung tatanungin niyo ako kung ano ng mangyayari ngayon?

Sorry guys, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang...pakiramdam ko malayo na ulit ako kay Ethan.

****

Nasa kwarto ako ngayon. Nagtatalo ang isip ko kung itetext ko ba si Ethan. Kasi dumaan ako sa cafe kanina. Wala pa doon si Ethan. Mas maaga atang natapos ang klase ko sa kanya. Dinaanan ko siya sa klase nila para sumilip pero mukhang hindi pa sila tapos.

And confirmed! Kaklase nga niya si Nathalia.

Pagkadaan ko sa cafe, nagkita na naman kami nung manager. Shems, grabe yung kaba ko nung nakita ako nung manager T.T Akala ko pagagalitan niya ako pero hindi pala.

Yan, puro kasi akala </3

Okay, saan naman galing 'yon?!

So ayun na nga, inaya niya akong magtrabaho kasama si Ethan bukas. This time, may sweldo na daw ako. HOOORAAAY!

YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon