"I-Ikaw ba ang girlfriend ni M-Michael?"Napataas ang isang ko habang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko. Para syang tanga dahil kinakalikot nya sa daliri nya habang nakayuko at kinakausap ako.
"Look at me, will you? Hindi ako masigurado kung ako nga talaga ang kausap mo o may maligno ka dyang nakikita." Sabi ko sa kanya at bigla naman syang sumulyap sa akin. Infairness, may itsura. Pero di hamak na mas maganda ako kesa sa kanya.
"I-I'm asking you a question." Mahina pa rin na sabi nya.
Inilapit ko naman ang tenga ko sa mukha nya, "Ano? Laksan mo nga? Di kita marinig." Inis na sabi ko sa kanya. No, I am not lying. Hindi ko talaga madinig dahil mahina ang boses nya.
Di muna sya agad nakapagsalita at saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Maya-maya bigla syang huminga ng malalim, "I-Ikaw ba ang girlfriend ni Michael?!" Malakas na sigaw nya. Nakapikit pa sya na parang ibinuhos nya lahat ng lakas nya sa pagsigaw na 'yun.
Oh, one of his followers, huh?
Inismiran ko sya, "And what if I am?" Tanong ko sa kanya at humalukipkip.
Yumuko ulit sya at kinagat ang labi niya, "P-Please, break up with him." Seryosong sabi nya habang nakakuyom ang kanyang mga palad.
Natigilan ako saglit sa sinabi nya at biglang napatawa ng malakas.
Is she being serious? Sa tingin ba nya gagawin ko sang gusto nya dahil lang sa pinakiusapan nya ako? Duh? Adya na nga akong maging girlfriend ni Michael. Pasalamat nga ako at ako ang unang babaeng nakita nya nung araw na 'yun dahil kung hindi, iba ang tatanungin nya.
"Seriously, Miss? Are you trying to be funny?" Sabi ko sa kanya at pinunasan pa ang luha sa mata ko dahil sa sobrang pagtawa. Nakita kong naoffend sya sa ginawa ko pero masisisi nya ba ako? Para syang nakikipag-deal sa bata.
"I-I'm begging you. He's my first love so please l-let me have him." Sabi nya at mayroon pang kasamang luha. Yes, she effin' serious and that's stupid.
Nawala ang ngiti sa mukha ko. "I don't want to." Sabi ko sa kanya at tinalikuran sya. Maglalakad na sana ako nang bigla nya akong hinila paharap ulit sa kanya. Bullsht.
"P-Please, Miss." Umiiyak na sabi nya at hinawakan ako sa kamay ko. "I love him. S-So much." Dagdag pa nya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay nya habang nagmamakaawa na nakatingin sa akin.
This girl is crazy. She's fucking crazy and that's disturbing.
"Look, Miss. He might not be my first love," Sabi ko sa kanya at pinamewangan sya. "But I love him as well. I won't give him to anyone. Not to you. And not to Carlo." Sabi ko pa.
Mukhang nagulat sya sa sinabi ko.
Kahit naman ako nagulat din. Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang pangalan nya. Sa kanya kasi ako lubos na nate-threaten sa ngayon. Ilang beses na akong nakaramdam ng kakaiba sa kanilang dalawa. Napapansin ko din kung anong klase ng tingin ang binibigay ni Michael sa kanya.
Ayoko mang aminin pero, sa kabila ng pagiging lalaki ni Carlo nagseselos ako sa kanya. At sisiguraduhin kong hindi man kami ang magkatuluyan ni Michael sa huli, wala rin kahahantungan ang kung ano mang relasyon ang meron sila..
Napapikit ako ng mata at bumuntong hinininga para kalmahin ang sarili ko dahil sa biglaan pagpasok ni Carlo sa isipan ko.
"A-A-Anong kinalaman ni Carlo dito?" Nagtatakang sabi nung babae sa harap ko.
Inismidan ko syang muli, "Kilala mo si Carlo?" Tanong ko sa kanya.
Nag-aalangan syang tumango, "O-Oo, h-he's one of my b-brother's friend. A-Anong kinalaman nya kay Michael?" Nauutal pa rin na tanong nya. Tsk. Kaya ayokong kumausap ng mga losers, nagmumukhang ako 'yung masama.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomansaWe're bestfriend and I'm his possession...